4 min read
10 na Mga Hakbang para sa Iyong Susunod na Matagumpay na Negosasyon sa Sahod
Gusto mo bang magtagumpay sa negosasyon ng sahod? Alamin ang 10 na simpleng hakbang para makuha ang hinihiling mong pagtaas sa sweldo. Mula sa tamang pagkakasulat ng email hanggang sa pagiging handa para sa hinaharap, lahat ng kailangan mo ay nasa artikulong ito!
Updated Aug 5, 2024
Sa ibang industriya ,ang mahinang merkado ng paggawa ay nag-iiwan sa mga kandidato ng kakaunting pamimilian at pagkilos. Ang pagiging kumplikado ng merkado ng trabaho ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga tao na makipag-ayos sa mga tuntunin at kundisyon ng trabaho.
Pinakamahalaga ang negosasyon kapag may malawak na hanay ng mga potensyal na resulta.
May sampung hakbang na pakikipagnegosasyon ng sahod ang Epicareer. Basahin ang mga nasa ibaba:
Huwag kang mag-madali
Una, iwasan ang magmensahe nang magmensahe sa kompanya ukol sa hiling mo pagtaas ng iyong sweldo. Sa ganitong sitwasyon, hindi sila makakaramdam ng irita o presyur upang pagpasyahan ang iyong negosasyon sa trabaho.
Panatilihin itong simple at maigsi (sa email, lumikha ng hindi hihigit sa 3 talata gamit ang mga simpleng salita)
Sa paggamit ng email para sa negosasyon, siguraduhin mong ito ay maikli, kabasa-basa, hindi paligoy-ligoy, magalang, at hindi hihigit sa tatlong talata ang iyong mensahe. Panatilihing simple ang mga salita, at iwasang magbigay ng mahahabang paliwanag.
Layunin ang mataas na numero
Kung bibigyan mo ang iyong pinuno ng hanay ng mga numero, maaari niyang piliin ang may pinakamababang numero. Kaya naman higit na taasan pa ito base sa iyong abilidad o potensyal na paggawa.
Gawin ang iyong pananaliksik (pangkalahatang suweldo sa iyong posisyon)
Maging wais sa lahat ng panahon. Bago ka magpasya o ipaalam ang iyong pakikipagnegosasyon, mabuting magsaliksik ng pangkalahatang sahod ng iyong trabaho o posisyon. Iwasan magbase sa katiting na pagtaas, bagkus ay magkaroon din ng ebalwasyon sa sariling kasanayan kung ito ba ay aayon din sa sweldong iyong hihilingin.
Alamin ang iyong halaga
Ang pagpapahalaga sa iyong sarili, paggawa, pagganap, abilidad, at oras ang iyong mga kasangkapan upang mapantayan nito ang iyong hiling na pagbabago ng iyong sahod. Ilan lamang ito sa mga maaari mong dalhin sa inyong pag-uusap upang maging mabisa ang iyong negosasyon sa sahod.
Huwag kalimutang isaalang-alang ang iyong mga gastos
Sa trabaho, lalo kung ito ay medyo o malayo talaga sa iyong totoong tirahan, isaalang-alang ang mga salik kagaya ng iyong renta, panggastos sa araw-araw, pera para sa transportasyon, mga buwanang bayarin, at iba pang pera para sa mga emerdyensya.
Kung hindi maganda ang negosasyon sa suweldo, subukan ang negosasyon sa kompensasyon (i.e. flexibility sa taunang bakasyon, malayong trabaho, atbp)
Sakaling hindi ka mapagbigyan sa iyong hiling na pagtaas ng sahod, maaari kang makipagnegosasyon sa ibang paraan. Subukang makipag-ugnayan ukol sa maluwag at mabilis na pagpayag sa pagbabakasyon, o payagang magtrabaho nang malayo o birtwal.
Maging matatag
Hindi madali ang mapayagan ng iyong kumpanya na baguhin o taasan ang iyong sweldo.
Sa katotohanan, ang iba’y nagagawang lumiban o umalis na lamang sa industriya dahil hindi nakikita ang kanilang dedikasyon at hindi tumataas ang kanilang posisyon o sahod kahit sila ay nagseserbisyo na sa loob ng matagal na panahon. Lakasan ang iyong kalooban sa mga ganitong pagkakataon at parating maging handa sa mga resulta.
Maging handa para sa hinaharap na negosasyon
Kung minsan ang negosasyon sa sweldo ay nangyayari nang maraming beses. Depende sa tungkulin at industriya, maaari din itong tumagal ng ilang linggo o buwan. Mahalagang maging matiyaga, propesyonal at magalang sa buong proseso.
Kung ang negosasyon ay nangyari sa pamamagitan ng email, suriin muli ang sulat bago ito ipadala sa iyong employer
Ang negosasyon ay maaaring magsimula at magtapos sa email. Batay sa Salary.com, 37 porsyento ng mga aplikante ang nakikipagnegosasyon kapag tinanggap nila ang alok ng trabaho. Ang pagsusulat ng email ay katanggap-tanggap sa mga negosasyon sa sahod, lalo na kung ito ang iyong pangunahing paraan ng komunikasyon.
Ginagabayan ka rin nitong malinaw na ilista ang mga kwalipikasyon at pangangailangan, balangkasin ang mga nagawa, at ipahayag ang iyong pagnanais o kahiligan para sa karagdagang pasahod habang pinapanatili mo ang iyong propesyonal na kalmado kahit gaano ka kabahan.
Natural na kabahan kung ito ang unang beses mong pakikipag-usap para sa negosasyon ng iyong sahod, ngunit ang wastong pagsasaliksik at paghahanda ang mangingibaw upang ikaw ay tagumpay na makipagnegosasyon.
Popular jobs in Philippines:
Virtual Assistant | WFH Call Center | Remote Customer Service | Marketing Communication Specialist | Account Manager | Data Engineer | UI/UX Designer | Accountant | Software Engineer | App Developer | Mobile Developer | Project Coordinator | Technical Support
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
4 min read
Takbo ng Sahod sa Pilipinas: Anong Dapat Mong Malaman?
Alamin ang mga detalye tungkol sa takbo ng sahod sa Pilipinas para sa taong 2023 at kung ano ang aasahan sa 2024. Mula sa mga industriya na may pinakamataas na sahod, mga trabaho na patok ngayon, hanggang sa mga kasanayang dapat pagtuunan, makakakuha ka ng mga insights kung paano ma-maximize ang iyong sahod at career opportunities
Posted Aug 12, 2024
6 min read
Pakikipagnegosasyon ng Sweldo: Paraan at Pormat
Gusto mo bang malaman kung paano makuha ang tamang suweldo para sa iyong trabaho? Tingnan ang aming mga tips at tricks sa pakikipagnegosasyon ng sweldo, mula sa pag-research hanggang sa pagbuo ng mga epektibong puntos. Perfect para sa lahat ng naghahanap ng mas mataas na sahod!
Posted Aug 5, 2024
Share this article