6 min read
Pakikipagnegosasyon ng Sweldo: Paraan at Pormat
Gusto mo bang malaman kung paano makuha ang tamang suweldo para sa iyong trabaho? Tingnan ang aming mga tips at tricks sa pakikipagnegosasyon ng sweldo, mula sa pag-research hanggang sa pagbuo ng mga epektibong puntos. Perfect para sa lahat ng naghahanap ng mas mataas na sahod!
Updated Aug 5, 2024
Ang mga negosasyon sa sweldo ay maaaring hindi komportable para sa ilan, ngunit ang pag-alam kung paano makipag-ayos ay isang mahalagang kasanayan. Ang pag-unawa sa kung ano ang isasama sa isang email ng negosasyon ay makakatulong na matiyak na makakakuha ka ng naaangkop na suweldo para sa iyong mga kasanayan at karanasan.
Sa pagsangguni mo sa artikulong ito, tutulungan ka ng Epicareer sa bawat proseso kung pano ang epe
Paano makipag-ayos ng suweldo
Para sa mas maayos na pakikipagnegosasyon, narito ang mga sumusunod na paraan na maaari mong ikonsidera:
1. Gumawa ng ilang pananaliksik sa sahod tungkol sa posisyon na iyong in-apply-an
Bago ang negosasyon sa pagitan mo at ng kompanya, mabuting manaliksik mo na sa updated na sahod ng iyong posisyon na papasukin. Gawin mo ito nang sa gayon ay hindi ka mapag-iwanan, at hindi ka kapusin.
2. Unawain ang iyong halaga
Tandaan na ikaw ay nagtatrabaho para sa iyong karera. Tama na maging praktikal lalo kung kinakailangan mo talagang kumita, subalit parati mong isasaalang-alang ang iyong sarili, kalusugan, kakayahan, talento, mapagkukunan, at ang mga gastusin sa araw-araw.
3. Maghanda ng mga puntong pinag-uusapan
Kasama sa pananaliksik ang paghahanda ng mga detalyeng nais mong linawin sa iyong kompanyang gusto pasukin. Kung sang-ayon ka o hindi sa sahod na kanilang iprinisenta, maaari mo itong ilapit sa kanila nang maayos at propesyonal.
4. Isaalang-alang ang iba pang bagay na dapat pag-usapan
Kung hangad mo ang pagbabago o pagtataas ng iyong sahod, suriin mo rin ang iyong kondisyon, lalo na kung ikaw ay galing pa sa malayong lugar o kung kailangan mong lumipat ng ibang tahanan. Tingnan mo rin ang benepisyo na inihahain nila para sa’yo.
5. Ipakita ang higit pa sa iyong karanasan at mga nagawa
Mas kapansin-pansin sa iyong negosasyon kung ikaw ay may higit ng karanasan o nagawa para sa isang posisyon o trabaho, banggitin sa email o inyong pagpupulong. Mas tataas ang interes ng employer kung nakikita niyang ikaw ay tunay na bihasa.
6. Huwag matakot na kontrahin
Kung sakaling hindi mo nais ang alok ng kompanya, huwag kang matatakot na ito ay kontrahin. Tandaan ang iyong sariling potensyal na mababahagi mo sa kanilang organisasyon, at iwasang pabiktima sa mga pangakong nakabalandra.
7. Huwag matakot na lumayo
Sa pagkonsidera ng numero, gumawa rin ng hakbang sa iyong pagdedesisyon para sa iyong pag-alis. Ito ay mangyayari lalo kung sobrang baba pa rin ng alok nila na kailangan mo na itong tanggihan. Ginagawa mo ito sa iba’t ibang dahilan kagaya ng pinansyal na pangangailangan, halaga, at ang iyong nararapat na sweldo.
8. Magkaroon ng kumpyansa sa sarili
Bago tumungo sa pakikapagnegosasyson, ihanda ang iyong sarili. Maari kang tumungo sa palikuran, ayusin ang iyong postura, pananalita, at itaas ang iyong kumpyansa. Tandaan na kahit anong mangyari sa inyong pag-uusap, nararapat na maging handa.
9. Huwag kalimutang magpasalamat
Sa ganitong pagkakataon, huwag kalimutang magpasalamat bago at matapos ang negosasyon para sa sahod. Ang pasasalamat para sa oportunidad na inalok nila sa iyo ay isa nang malaking bagay upang matuklasang ang iyong potensyal at abilidad ay karapat-dapat at kapaki-pakinabang sa kompanya.
Mga Template ng Negosasyon sa Sweldo
Kung nais mo magkaroon halimbawa ng template para sa negosasyon sa sahod sa pamamagitan ng email,, maaari mong tingnan ang mga sumusunod:
Halimbawa 1:
Magandang araw, Bb. Cortez!
Nais kong magpasalamat sa alok mong trabaho para sa posisyon ng Administrative Assistant. Nais kong banggitin muli na ito ay isang malaking oportunidad para sa akin upang higit na palaguin pa ang usad ng aking personal na karera.
Bago ko tanggapin ang iyong partikular na alok, nais ko lamang ilapit ang aking inihandang pambayad. Kasama sa aking nabanggit sa inyong HR, mayroon na akong higit pitong taon na serbisyo sa opisina at iba’t ibang klerikal na posisyon. Sa huli kong trabaho, nakabuo ako ng isang automated system upang makita at mabantayan ang pagpasok at paglabas ng mga empleyado sa aming organisasyon. Sa aking karanasan at abilidad, ako ay humihiling ng sweldo mula sa P60 000 - P65 000, na higit na mataas sa iyong alok na P45 000.
Batid ko na maghahatid ako ng kakaibang halaga at kontribusyon sa inyong kompanya, at matulungan kayong taasan pa ang standard sa taong ito. Mangyaring ipaalam sa akin kung maaari pa nating pag-usapan ang suweldo.
Inaasahan kong makakarinig ako muli sa iyo!
Gumagalang,
LIzia Liko
Halimbawa 2:
Pagbati sa’yo, G. Russ!
Ikinagagalak kong makatanggap ng mensahe mula sa iyo at sa alok mo. Subalit, bago ko ito sana tanggapin, nais ko pong magkaroon tayo ng pag-uusap tukol sa kabayaran.
Nagsaliksik ako sa mga updated na sahod sa kaparehong posisyon, at sa palagay ko’y higit na mataas ito kaysa sa inaalok ng kompanya. Maliban dito, mayroon na rin ako limang taong serbisyo bilang IT Officer at nakakuha na rin ng iba’t ibang karanasan.
Maaari mo sa aking ipaalam kung kailan ka pinakalibre upang magpulong tungkol sa pasahod, at kung may espasyo para sa aking pakikipagnegosasyon. Maaari kang sumagot sa email na ito anumang oras.
Maraming salamat!
Kope Luz
Iskrip sa negosasyon sa suweldo (Tawag, min 2)
Narito naman ang halimbawa ng pakikipagnegosasyon sa sahod kung kayo ay magkakausap:
Halimbawa 1:
Maraming salamat sa alok mong posisyon para sa Graphic Designer. Unang-una, lubha kong ikinagagalak ang tyansa na ito na maging inyong asset, at naniniwala akong ang serbisyo ko ay makatutulong nang higit sa inyong proseso.
Bago ko tanggapin ang inyong inaalok, gusto ko po sanang ilapit din ang aking planong sahod.
Noong ako ay nasa panayam, nabanggit ko na ako ay mayroon nang apat na taong karanasan bilang Designer at marami na rin ako naging kliyente sa mga unang taon na ‘to. Dahil dito, nais ko sanang ipabatid sa inyo ang kahilingang itaas ang sweldo mula sa P38 000 - P45 000.
Bukod dito, bukas ako sa susunod na pagpupulong para sa ibang alternatibong pagsasalang ng kumpensasyon. Maraming salamat ulit.
Halimbawa 2:
Magandang tanghali, G. Noel. Sobrang salamat po sa alok n’yong kumpensasyon. Natutuwa akong marinig na gusto mo akong isama sa organisasyon, at nasasabik akong magsimula kaagad.
Gayunpaman, umaasa akong maaari nating pag-usapan ang aking kabayaran. Sinaliksik ko ang industriyang kinalalagyan natin at ang kasalukuyang halaga sa merkado. Kasama ang aking mga kwalipikasyon at karanasan, magiging komportable akong tumanggap ng suweldo na P28 000 para sa tungkuling ito.
Ang proseso ng negosasyon sa sweldo ay dapat na isang pag-uusap sa pagitan mo at ng hiring manager o HR. Ito ay isang bukas na pulong para sa magkabilang panig upang talakayin ang kanilang mga pangangailangan at magkaroon ng konklusyon na kapaki-pakinabang sa lahat.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
4 min read
Takbo ng Sahod sa Pilipinas: Anong Dapat Mong Malaman?
Alamin ang mga detalye tungkol sa takbo ng sahod sa Pilipinas para sa taong 2023 at kung ano ang aasahan sa 2024. Mula sa mga industriya na may pinakamataas na sahod, mga trabaho na patok ngayon, hanggang sa mga kasanayang dapat pagtuunan, makakakuha ka ng mga insights kung paano ma-maximize ang iyong sahod at career opportunities
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 na Mga Hakbang para sa Iyong Susunod na Matagumpay na Negosasyon sa Sahod
Gusto mo bang magtagumpay sa negosasyon ng sahod? Alamin ang 10 na simpleng hakbang para makuha ang hinihiling mong pagtaas sa sweldo. Mula sa tamang pagkakasulat ng email hanggang sa pagiging handa para sa hinaharap, lahat ng kailangan mo ay nasa artikulong ito!
Posted Aug 5, 2024
Share this article