Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Takbo ng Sahod sa Pilipinas: Anong Dapat Mong Malaman?

4 min read

Takbo ng Sahod sa Pilipinas: Anong Dapat Mong Malaman?

Alamin ang mga detalye tungkol sa takbo ng sahod sa Pilipinas para sa taong 2023 at kung ano ang aasahan sa 2024. Mula sa mga industriya na may pinakamataas na sahod, mga trabaho na patok ngayon, hanggang sa mga kasanayang dapat pagtuunan, makakakuha ka ng mga insights kung paano ma-maximize ang iyong sahod at career opportunities

Lovely Ann

Updated Aug 12, 2024

Takbo ng Sahod sa Pilipinas: Anong Dapat Mong Malaman?

Bakit mahalagang maalam tayo sa takbo ng pasahod sa Pilipinas? Karamihan sa linya ng mga Pinoy, “Basta may maayos na sahod, mabubuhay ang tao.”

Pero hindi natin alam na malaki ang epekto ng pabago-bagong takbo hindi lamang sa ating pansariling interes, kundi pati na rin sa kinabukasan ng ating karera, ekonomiya, at bansa.

Pagbabalik sa Takbo ng Sahod noong 2023

Ayon sa sarbey na isinagawa ng WTW, isa sa nangungunang pandaigdigang pagpapayo, inulat nito na ang mga empleyado sa Pilipinas na nagtatrabaho sa mga industriya ng BioPharma and Life Sciences, Financial Services, Shared Services & Outsourcing ay nakatanggap ng mas maayos na taunang pasahod noong nakaraang taon kaysa sa mga industriya ng Real Estate, at Konstruksyon, at Engineering.

  • Financial Services (Banking, Insurance and Financial Institutions)
  • Shared Services & Outsourcing
  • Real Estate, Construction & Engineering
  • Manufacturing
  • BioPharma and Life Sciences
  • Consumer Products and Retail Trade
  • Technology (Media, IT, Telco, Electronics)

Isiniwalat din ng WTW na ang industriya mula sa Teknolohiya, partikular na sa midya at paglalaro ay mayroong pinakamataas na numero dulot sa mga user na GenZ kung saan 77 na porsyento ang sumakop dito.

Mga Trabahong may Pinakamatataas na Sahod noong Taon 2023

Batay sa Philippines Statistics Authority (PSA), ang trabaho na may pinakamataas na sahod noong nakaraang taon ay Aircraft Pilots na may buwanang sahod na P135, 363.

Ilan pa sa mga trabahong patok noong 2023, ayon sa Shoppable Business ay ang mga sumusunod. Kaugnay nito, nakuha ang listahan ng mga ito bases pagkakaiba ng sweldo, mula sa pinakamababa, pataas, at negosasyon:

  • Software Developer (P70, 595)
  • Mathematicians (P69, 654)
  • General Foreman (P63, 017)
  • Programmers (P58, 643)
  • Specialist Doctor (P57, 476)
  • Statistician (P51, 607)
  • Medical Doctor (P51, 251)
  • Geologist (P49, 059)
  • Accountant (P48, 982)

Mga Inaasahang Pagbabago ng Sahod sa Taong 2024

Sa taong 2024, ang mga kumpanya sa Pilipinas ay patuloy na magsasagawa ng proyekto para sa kabuuang pagtaas ng sahod mula sa 5.7 na porsyento. Ito ay patuloy na tumaas sa paglipas ng mga taong nagsimula ang pandaigdigang pandemik.

Gayunpaman, ang presyur sa bintog at mga alalahanin sa isang mahigpit namerkadong paggawa ay patuloy na nakakaimpluwensya sa mga salik sa pagpaplano ng badyet sa pagtaas ng suweldo.

Sa pagtungo naman sa taong ito, maraming mga negosyo ang tumatawag at tumatanggap ng aplikante para sa Clouds, Digital Transformation, DevOps, AI, at automation system. Mayroon ding tinatayang nasa 64 na porsyento ng mga manggagawa ang nagpaplanong maghanap ng panibagong trabaho sa taong ito.

Bagama't maraming salik ang makakaapekto sa panimulang suweldo para sa anumang partikular na tungkulin, kabilang ang kumpetisyon, lokasyon, kultura ng korporasyon, at mga badyet, may ilang bagay na maaari mong hanapin para matiyak na makukuha mo ang posisyong gusto mo. Sa mga tanyag na trabaho ngayong 2024, ayon sa Nexford University, narito ang mga sumusunod:

  1. Software Developer
  2. Virtual Assistant
  3. Logistics and Warehouse Personnel
  4. Information Security Personnel
  5. Social Media Marketer
  6. Project Manager
  7. Recruitment Specialist
  8. Healthcare Professional
  9. Customer and Tech Support
  10. Marketing Professional

Mga Kasanayang Dapat mong Alamin

Para sa mas masigasig na taon, tandaan ang mga nalilipat na kasanayang maaari mong magamit para makakuha ng trabahong may mataas na pasahod:

Pakikipagkomunikasyon

Ang pakikipagkomunikasyon ang isang sangkap upang higit kang magtagumpay sa pagkuha ng bagong trabaho ngayong taon. Kung kaya mong makipag-ugnayan, at makipagtulungan, ito ang iyong magiging sandigan upang magkaroon ka ng mariming network sa industriya.

Negosasyon

Sa lahat ng negosyo at organisasyon, hindi nawawala ang pakikipagnegosasyon. Mula sa pakikipagnegosasyon sa iyong hiling na sahod hanggang sa pagkakaroon ng mga bagong kliyente, maaari mong magamit ang kasanayang ito.

Panayam

Hindi ka lamang dapat magaling sa matigas at malalambot na abilidad, kailangan ay batak din ang iyong sarili sa paraan ng pakikipanayam dahil dito, gumagawa ka ng impresyon sa mga recruiter o kumpanyang iyong hinaharap.

Maging updated

Parating magbasa ng impormasyon o artikulo tungkol sa mga pagbabago sa sahod at trabaho sa loob at labas ng bansa. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ka ng oras at oportunidad kung ano ang mga posible mong ayusin at linangin sa hinaharap.

Magtabi ng mahahalagang Kredensyal

Ang pagkakaroon ng mga kredensyal ay mahalagang salik upang matulin kang makahanap ng trabaho at magkaroon ng tamang sahod. Kung ikaw ay may sapat na sertipikasyon o pinagsanayan, maaaring higit na maging madali ang iyong aplikasyon.


Kung ikaw ay nag-uumpisa pa lamang sa paghahanap ng trabaho, parating maging wais sa mga laman ng midya at huwag papalampas sa notipikasyon ng Epicareer!

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article