5 min read
Epektibong Paghahanap ng Malayong Trabaho na Para sa Iyo
Nagahanap ng malayong trabaho? Alamin ang mga tips para mapadali ang proseso at makahanap ng trabaho na bagay sa iyo. Mula sa pagpili ng tamang posisyon hanggang sa pagbuo ng online brand, may mga hakbang na makakatulong para magtagumpay ka sa iyong job hunt!
Updated Aug 12, 2024
Walang madali sa paghahanap ng trabaho. Katunayan, marami na ang sumusubok na mag-apply sa onlayn, pero mayroon pa ring mga hindi pinapalad na makatagpo ng gusto nilang posisyon.
May ilang nagpapasa ng resume o curriculum vitae, nakakaabot sa inisyal at pinal na interbyu, bagamat hindi pa rin nagkakaroon ng tyansang matanggap ng kompanya. Nawawalan sila ng pag-asa dulot na walang pumapansin sa kanilang portpolyo at dahil na rin sa dami ng aplikanteng nakikipagsabayan upang maghanap.
Kung ito man ang iyong una o ikalawang pagsubok, narito ang mga dapat mong tandaan na hakbang para sa mas malaking porsyento na ikaw ay matanggap sa gusto mong kompanya:
Suriin kung ano ang malayong trabaho na tama para sa iyo
Unang tandaang hindi lahat ng malayong trabaho ay pare-pareho. Kaya naman kinakailangan mong hanapin o suriin ang mga posisyong akma sa iyong potensyal:
Pag-isipan kung kailan mo gustong magtrabaho
Sa paghahanap ng trabaho, isaalang-alang na maaaring mabago ang pagkonsumo mo ng sariling oras.
Maaaring ikaw ay may karanasan na sa 7:30 AM - 4:30 PM, 8 AM - 5 PM, o 9 AM - 6 PM na oras ng trabaho, ngunit sa malayong trabaho, ito ay maaaring pumatak ng pang-umaga, tanghali, hapon, gabi, o madaling araw dipende sa kompanyang iyong gustong pasukan, lokal man o internasyonal.
Isaalang-alang kung gaano katatag ang iyong hinahanap
Maraming uri ang iyong aabangan sa malayong trabaho; ito ay full-time, part-time, freelancing, o kontrakwal.
Sa ganitong kondisyon, mahalagang tingnan mo ang bawat oportunidad at benepisyo na nakapaloob sa mga ito bago tuluyang pasukin ang posisyon. Kung nais mo ng matatag at pangmatagalan, maiging sumubok maghanap ng full-time.
Obserbahan ang kulturang nakasanayan
Parati mong isaalang-alang ang kultura ng isang kompanya kung nais mong siguruhin na makakasundo mo ang mga manggagawa sa loob nito.
May kompanya may isan daang porsyento na nagtatrabaho lamang sa loob ng bahay, ang iba’y bumibisita sa opisina, ang ibang manedyer naman ay nag-uutos na magkaroon ng video call habang nagtatrabaho, at ang iba’y hindi.
Sumali sa tamang komunidad na maaaring kabilangan
Sa paghahanap ng trabaho, kailangan mong maunawaang hindi lahat ng taong bahagi nito ay iyong makakasundo dahil kayo ay may iba’t ibang personalidad, pinanggalingan, at mga karanasan.
Kaya naman upang higit na maging epektibo, sumali ka sa mga komunidad na makatutulong sa iyong makakuha ng trabahong kagaya ng sa kanila. Sila rin ang magbibigay sa’yo ng mga payo at paalala sa mga dapat at hindi mo dapat na gawing hakbang.
Maghanap ng naaangkop at kapaki-pakinabang na website
Marami na ang lumalagong website na pwede mong bisitahin habang ikaw ay naghahanap ng trabaho. Karamihan dito ay nagpapadala pa ng mga impormasyon, notipikasyon, at ads na magrerekomenda na bagay o akma sa iyo ang bagong trabahong dumating sa kanilang website.
Ilan sa mga website para sa malayong trabaho ay ang mga sumusunod:
1. LinkedIn
2. Epicareer
3. Indeed
4. JobStreet.com
5. Monster
6. Pinoyjobs
7. Jora
8. Outsourcely
9. We Work Remotely
10. Fiverr
Lumikha ng isang online brand upang makilala
Karaniwan sa mga kompanya, madalas nilang isinasaalang-alang ang resume at liham ng aplikante upang masuri kung ito ba ang kanilang hinahanap para sa trabaho.
Ngunit, kinakailangan mong maglabas pa ng mas malawak na pagsisikap at gumawa ng sariling online brand.
Upang masagawa ito:
- I-update ang iyong social media profiles
- Ayusin ang iyong LinkedIn Profile at kasaysayan ng karera at maglagay ng mga keyword
- Magbahagi ng mga artikulo, o mga napagtagumpayan
- Gumawa ng website upang mabahagi ang iyong istorya, ipakita ang iyong mga kasanayan, tagumpay, o ilabas ang iyong portpolyo
Ugaliing lumikha ng personal na network
Isa sa mga bagay na kailangan mong subukan ay lumabas sa iyong komportableng pwesto at makipag-ugnayan sa iba’t ibang indibidwal upang makahanap ng trabaho.
Dito nag-uumpisa ang karamihan, at kung man ay palaring makatagpo ng isang miyembro ng kompanya, maaari nito makita ang iyong ina-apply na posisyon at ikaw ay mairekomenda.
Alamin ang iyong halaga na sinusuportahan ng iyong mga kasanayan
Sa panahon ngayon, mahirap na ang makakuha kaagad ng trabaho, at ang iba ay tila nagiging praktikal na upang matustusan at masuportahan lamang ang sarili pati na ang pamilya.
Subalit, mahalaga ring nakikita mo ang iyong halaga at kagalingan upang hindi mapunta sa wala ang iyong mga pinaghirapan noong umpisa.
Maiging manaliksik ng latest na sahod sa onlayn, upang mataya kung tama ba ang sweldo na nais mong isambit sa kompanya.
Ayusin ang iyong malayong paghahanap ng trabaho
Ang pagsasaayos ng iyong pananaliksik sa trabaho, isang rekomendasyon na lumikha ka ng sheet upang malista roon ang trabaho, website, at lagyan ito ng legend, kung ito ba ay iyo mo nang na-apply-an, nakita na ng tagapamahala, o ikaw ay hindi nakapasa.
Dagdag nito, pwede mo ring ilagay ang mga link na iyong itinabi upang bisitahin at ipagpatuloy ang iyong aplikasyon.
Palaging magpadala ng mga follow-up
Kung ikaw ay nag-a-apply, hindi nagtatapos sa pagsusumite ng resume o curriculum vitae, at liham ang iyong aplikasyon.
Kung dumaan ito ng isa o dalawang linggo, at walang pang sagot mula sa kompanyang iyong pinagpasahan, ugaliing magpadala ng follow-up sa kanila upang ay kanila ring makilala at matandaan.
Ang punto nito, kung ikaw ay nag-a-apply para sa malayong trabaho, paalala ng Epicareer na kailangan mong maintindihang hindi lamang ikaw ang aplikanteng gusto makakamit ng inaasam mong posisyon, kaya ikaw ay kinakailangang lumikha ng isang hakbang upang mangibabaw ang iyong aplikasyon.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article