4 min read
Mga Dapat Isaalang-alang sa Job Hopping
Nais mo bang mag-job hop? Huwag mag-desisyon ng basta-basta, alamin muna ang mga dapat pag-isipan bago lumipat.
Updated Aug 5, 2024
Noon, kapag nakikita natin ang isang empleyado sa isang kompanya at inaabot ng ilang taon sa pagtatrabaho, tayo ay humahanga dahil sa pagiging tapat at debosyong ibinibigay nito sa kanyang industriya. Pero sabi nga ng marami, ang lahat ay nagbabago pati na ang itinuturing na standard ng mga tao kaya naman sila ay nag-iiba o naghahanap pa ng ibang trabaho.
Ang job hopping ay isang uri ng gawain ng paglilipat ng isang indibidwal mula sa kanyang posisyon tungo sa iba pang trabaho. Ang tagal ay malawak na nag-iiba, ngunit ang isang job hopper ay karaniwang humahawak ng isang posisyon para sa isa hanggang dalawang taon bago lumipat sa susunod na tungkulin.
Ang positibong bahagi ng Job Hopping
Kung ikaw ay nangangamba at takot tumungo sa ibang tungkulin, maaari mong ikonsidera ang mga positibong bahagi ng job hopping:
Iba't ibang karanasan at kakayahan
Ang katunayan, darating talaga sa puntong magiging paulit-ulit na lamang ang iyong trabaho sa inyong operasyon. Makakaramdam ka ng pagka-inip at pagtinging hindi ka na muli pang lumalago sa iyong karera. Gayunpaman, sa job hopping, maaari kang makatamo ng iba pang karanasan at kakayahang di mo inaasahan.
Mas malawak na networking
Dulot ng job hopping, lalawak ang iyong network. Marami kang maririnig na karanasan, aral, payo, at iba pang hangaring nakuha ng mga taong nasa paligid mo. Ito ang makakapagbigay sa’yo ng inspirasyon na subukin ang iyong sarili sa ibang trabaho.
Mas Mataas na Sahod
Isa sa pangunahing rason kung bakit naghahanap ng ibang posisyon ang trabahador; ito ay dahil sa mas mataas na pasahod na kumpanya. Ito rin ang dahilan ng karamihan sa mga tao kung bakit sila ay palipat-lipat ng trabaho.
Palakihin ang iyong kakayahang umangkop
Dahil sa job hopping, may pag-asang lumago rin ang iyong malambot na kasanayan sa pakikisalamuha. Matutunan mo rin ang mabilis na pag-angkop sa kahit na sino mang tao sa iyong industriya at mula rito, magiging kaisa ka rin nila sa pagtanaw ng positibong kalikasan sa inyong trabaho.
Pagpapabago ng pananaw
Sa job hopping, kapaki-pakinabang ito upang higit na maging bukas ang iyong isipan sa mga posibilidad at potensyal na inihahain sa iyo ng iyong industriya at kapaligiran. Tinitingnan din nito ang kakayahan mong umangkop nang matulin, at maging katuwang sa progreso ng posisyong nais mo.
Ang negatibong bahagi ng Job Hopping
Sa kabila ng mga positibong pagtingin tungkol sa job hopping, hindi rin mawawala ang mga negatibong konotasyon dito:
Kaduda-dudang debosyon
Sa ganitong kondisyon, maaaring mag-iba ang impresyon sa iyo ng iyong manedyer dahil hindi ka tumatagal sa iyong trabaho. Maaaring maramdaman mo ito lalo kung hindi ka nila binubuksan ng oportunidad na magpalago ng iyong karera.
Kahirapan sa paghahanap ng trabaho
Kung ikaw ay kasalukuyang naghahanap, asahan mo na ang mabagal na pag-usad dahil hindi ka kaagad-agad makakahanap ng ibang patutunguhan. Maaari itong tumagal sa buwan o taunang paggalugad ng bagong trabaho.
Hindi pare-parehong karanasan
Sa job hopping, maaaring iba-iba rin ang trabaho o larawan ng iyong posisyon. Mula rito, hindi magiging pantay ang iyong karanasan, at maaari kang magkaroon ng saglit na pagkabigla sa kanilang kultura.
Pagod at kawalan ng katiyakan
Isa pang negatibong dulot ng job hopping ay ang walang katiyakang makahanap kaagad ng ibang posisyon o responsibilidad. Ito ang magiging sanhi upang ikaw ay mag-isip nang mag-isip at mawalan ng pag-asa.
Isaalang-alang ang mga bagay na ito bago mag-Job Hopping
Bago ka magoasyang magpalit o tumungo sa ibang trabaho, isaalang-alang muna ang mga sumusunod na mga bagay:
Mga pagkakataon para sa pagsulong
Kung hindi sapat ang benepisyong iyong natatamo sa iyong kasalukuyang trabaho, maaari mong ikonsidera ang mga pagkakataong naghihintay mula sa ibang organisasyon para sa iyong patuloy na pagsulong. Suriing mabuti kung ito ba ay magiging kapaki-pakinabang sa iyo sa matagal na panahon o higit na mas maganda ang iyong kasalukuyang trabaho.
Paglalapat ng iyong kakayahan
Bukod sa pagkakataong naghihintay, tasahin din ang kakayahang mayroon ka at kung ito ba ay aangkop sa trabahong iyong gustong pasukin. Iwasan ang biglaang pagpapasya lalo kung ikaw ay baguhan pa rin sa industriya ng pagtatrabaho.
Katuparan
Ang iyong trabaho ang tutulong sa iyo upang umahon sa buhay, kaya naman magsagawa ka rin ng ebalwasyon sa iyong sarili at kung hanggang saan ang hangganan ng iyong pisi upang magtagal sa isang trabaho. Analisahin mo rin kung ano ang higit na mahalaga, ang iyong tipikal na trabaho o kinahuhumalingang oportunidad.
Sabi nga ng marami, bago mo simulan ang isang bagay, huwag mo lamang itong isang beses na pag-isipan, gumawa ka ng alternatibo bago magpasya.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article