7 min read
Mga Pamamaraan upang Ipakilala ang Iyong Sarili sa Isang Interbyu
Magtipon ng kumpiyansa para sa susunod na interbyu! Alamin ang mga pangunahing hakbang at mga mahahalagang tip para sa pagpapakilala sa sarili sa isang interbyu. Basahin ang aming gabay ngayon!
Updated May 16, 2024
Nakaranas ka na ba ng kakaibang kaba noong ikaw ay inimbitahan para sa isang panayam o ito ang kauna-unahan mong beses na uupo ka sa kanilang harapan para makapanayam tungkol sa trabahong gusto mo?
May mga pagkakataong nakakita na tayo ng mga taong ini-interbyu para sa trabaho, pero paano nga kung tayo naman ang kanilang nasa pwesto? Ano ang una natin sasabihin o babanggitin?
â–¶ Kaugnay na Artikulo: Kailan Maaaring Magbago ng Karera sa Buhay?
Ano ang mga elemento sa pagpapakilala ng sarili?
Sa pagpapakilala ng sarili, narito ang mga primaryang elemento na dapat mong tandaan:
1. Personal na Impormasyon
Ang primaryang bagay sa pagpapakilala ng sarili ay banggitin ang iyong personal na impormasyon. Kasama na rito ang iyong buong pangalan, tirahan, edad, lugar kung saan ka nag-aral, at iba pang detalye may kaugnayan sa iyong sarili.
2. Kwalipikasyon
Hindi maaaring mawala ang paglalahad ng iyong kwalipikasyon. Maaari mong sabihin ang programa na iyong tinapos, bawat tagumpay na iyong natamo sa iyong edukasyon, at mga pagsasanay na iyong natutunan.
3. Karanasan sa Trabaho
Kung ikaw ay wala pang naging trabaho habang nag-aaral ka, maaari mong ilahad kung saan ka pumasok na Internship Program, ano ang iyong posisyon at mga ginawa roon. Sa ibang banda, kung ikaw ay matagal nang nagtatrabaho, maaari mo itong ilahad sa kanila pati ang taon ng iyong pagtatrabaho.
4. Mga Panlabas na Interes
Maaaring sila ay interesado rin sa iyong mga libangan at kinahuhumalingan. Maaari mo itong iugnay sa kung paano ka nito natulungan upang mag-ensayo ng iyong mga kasanayan.
5. Iyong Halaga
Sa iyong kumpyansa, maaari mong iguhit sa kanila ang pagiging asset mo sa kanilang kumpanya. Magbigay o magpakita ng mga ispesipikong halimbawa upang sila’y higit na maengganyo sa iyong kalidad.
6. Mga Plano sa Hinaharap
Ang kumpanya ay humahanap ng mga manggagawa na magiging katuwang nila upang palaguin ang industriya. Mula rito, ang pagbabahagi ng iyong plano sa hinaharap ay pagbibigay rin ng biswalisasyon sa kanila ng iyong mga tunguhin sa loob ng lima, sampu, o higit pang taong pananatili sa kumpanya.
â–¶ Kaugnay na Artikulo: Nangungunang 10 na mga Kumpanya ng Virtual Assistant na may Malaking Benepisyo
Paano mo Ipapakilala ang Iyong Sarili sa Isang Recruiter?
Gayong ikaw ay may alam na sa mga pwede mong sabihin, narito naman ang mga hakbang sa pagpapakilala ng sarili sa recruiter.
1. Batiin ang mga magpapanayam
Sa oras na ikaw ay kanilang makita o makaharap, ito man ay birtwal o pisikal, sila ay maayos na batiin sa pamamagitan ng pagngiti at pakikipagkamay. Ipakilala ang iyong sarili gamit ang iyong buong pangalan nang may kumpyansa. Kapag naman ipinakilala nila ang iyong sarili, sumagot nang malugod sa kanila pabalik upang ikaw ay kanilang matandaan.
2. Simulan sa pagpapakilala ng sarili gamit ang mga payak na impormasyon
Iwasang iasa sa kumpanya na sila ay may alam na iyong kwalipikasyon dahil ikaw ay nagpasa ng iyong resume. Lumikha ka ng maliit na introduksyon na magpapakilala sa iyon at sa posisyong iyong nais pasukin.
3. Magbigay ng maikling impormasyon tungkol sa mga naging trabaho
Kung ay may karanasan na sa industriya na maaaring makadagdag sa iyong kwalipikasyon, maaari mo itong sabihin, dagdag ang mga kasanayan at kaalamang iyong natutunan.
4. Huwag kalimutang banggitin ang iyong mga napagtagumpayan
Tandaan na ang paglalahad ng mga tagumpay ay isang malaking salik upang higit na magbago ang impresyon sa iyo ng kumpanya. Kilalanin at paghandaan ang sarili, at kung maaari, ay maglahad ng mga demonstrasyon sa kumpanya.
5. Maglahad din ng mga libangan o kinahuhumalingan
Mayroon mga recruiter na nais marinig ng iyong mga libangan o kinahuhumalingan. Ito rin ay paraan upang pagaangin ang dumadaloy na kaba sa katawan, at mabigyan ka ng sapat na pagkakataon upang maipakita kung ano iyong kasiyahan sa labas ng trabaho.
6. Isara ang introduksyon sa dahilan kung bakit ikaw ay nag-a-apply para sa isang trabaho
Isang bagay na dapat tandaan ay ang pagsasara ng introduksyon sa rason kung bakit ikaw ay nagpasyang mag-apply ng trabaho. Iwasan ang mga bitin o putol na pahayag nang sa gayon ay maunawaan ng mga recruiter ang iyong misyon at hangarin sa kumpanya.
Mga Karagdagang Tip upang Ibenta ang Iyong Kwalipikasyon sa Trabaho
Ang pagpapakilala sa sarili ay isang tyansa upang italakay rin ang iyong mga kwalipikasyon. Ngunit, ano-ano nga ba ang mga tip upang mapagtagumpayan ito?
Ihanda ang sarili nang maaga
Ang interbyu o panayam ay isang hakbang upang ikaw ay matanggap sa posisyong ina-apply-an mo. Hindi sapat na pamilyar ka lamang sa iyong sarili, at tila kampante na masasabi mo naman ito nang diretso. Kailangan mo pa rin itong paghandaan upang maiwasan ang pagkalimot o pagkabulol habang nagsasalita.
Maging kalmado at ipakilala ang propesyonal na karanasan o mga kasanayang kapaki-pakinabang sa kumpanya
Sabi nga nila, kung maalam ka talaga at may sapat na kaalam sa posisyon ng iyong pinag-apply-an, higit na madali sa iyong magpaliwanag at magpakita ng mga kasanayang magiging kapaki-pakinabang para sa kumpanya.
Obserbahang maigi ang bawat galaw, at maging propesyonal
Bukod sa pagiging kalmada, obserbahan din ang bawat galaw habang ikaw ay gumagawa ng introduksyon. Iwasan ang pagiging magaslaw, o pagkumpas madalas ng iyong kamay o braso habang nagpapaliwanag. Maging propesyonal, umupo nang maayos sa paraang ikaw ay komportable at kagalang-galang.
Pakinggan ding mabuti ang sarili habang nagsasalita
Habang nagsasalita, pakinggang ang boses kung ito ba ay rinig o hindi ng recruiter, naiintindihan o malinaw. Iwasan ang pagkain sa bawat salita, paulit-ulit na ideya ng sinasabi, at nilalaman nito. Tandaan na ikaw ay nasa propesyonal na kumpanya, at wala sa inyong bahay o harap ng mga kaibigan upang maging kaswal.
Tukuyin ang pangangailangan ng kumpanya para sa posisyong ito at punan ito
Sa pag-a-apply ng kumpanya, isang bagay na dapat mong tandaan ay kilalanin din ang lugar na iyong papasukin at kanilang mga pangangailangan. Sa pagbanggit ng mga ito, matutunugan ng mga recruiter na ito ay iyong pinaghandaang maigi, dahil alam mo rin ang bawat sulok ng iyong trabaho.
Magsanay
Kung ikaw ay nakatanggap ng imbitasyon. magsanay bago ang araw ng iyong panayam. Magsaliksik ng mga impormasyon at maglaan ng oras upang magrebyu at maghanda ng maaari mong sabihin.
â–¶ Kaugnay na Artikulo: Anim na Hakbang para sa Matagumpay na Pagbabago ng Karera sa Anumang Edad
Mga Dapat Iwasan habang Pinapakilala ang Sarili sa Interbyu
Kung ito ang unang beses na ikaw ay haharap upang ipakilala ang iyong sarili para sa trabaho, ito ang mga dapat mong iwasan. Basahin ang nasa ibaba:
Pagiging kabado habang nagsasalita
Mararamdaman ng mga recruiter ang iyong kaba base sa iyong paraan ng pagsasalita. Kaya naman bago ka tawagin, pakalmahin ang sarili sa paraang alam mo. Maaari kang uminom ng tubig, magtungo sa restroom, at makinig ng musika.
Paghahadali
Isang bagay na dapat mong iwasan ay ang paghahadali habang nagsasalita, dahil hindi ka mauunawaan ng mga recruiter. May pagkakataon ding maaari mong makalimutan ang iyong mga sinasabi kung ikaw ay naghahadaling matapos.
Ang pag-ulit sa introduksyon
Agapan ang sarili at bantayan ang balangkas ng iyong introduksyon. Iwasan ang paulit-ulit na pagbibigay ng pahayag kung ito ay nabanggit na.
Iwasang ilista ang iyong mga kasanayan
Sa halip, sabihin ang mga kasanayan na may ipinakitang mga halimbawa. Ang mga demostrasyong ito ay maaaring nagawa at napagtagumpayan mo sa iyong naging huling trabaho, at maaari mo itong ilahad.
Huwag tapusin ang pagbigkas ng iyong buong resume
Panatilihing maikli at sa punto ang pagpapakilala. Iwasang ilahad lahat ng nilalaman sa iyong resume lalo’t ang mga walang kaugnayan sa posisyong nais mong gawin. Mahalagang aralin ang resume ngunit hindi rin ito librong pagbabasehan mo lahat ng iyong pagpapakilala sa sarili.
Halimbawa ng mga Pagpapakilala ng Sarili
Karaniwan dito sa Pilipinas, gumagamit ng wikang Ingles sa isang interbyu. At upang bigyan kayo ng halimbawa, tingnan ang mga sumusunod:
Baguhan o Walang Karanasan
Thank you for taking the time to evaluate my interview application.
My name is Juana Dela Cruz, and I graduated from Manila University with a Bachelor of Science in Psychology.
During my internship, I gained hands-on expertise while also working on our thesis. I have worked primarily in the fields of management and healthcare. Furthermore, I find community and social service to be engaging because of the way people think and experience their surroundings.
Para sa may Karanasan sa Trabaho
Hello, I'm Leovine Castillo, and I've been a faculty member at Paranaque College for over six years.
In addition, I manage the cheerleading squad there. At the same university, I also began my master's degree, and I have been attending conferences for my dissertations and publications.
With roughly six years of experience, I wish to apply and excel further in my skills as a teacher at your university.
Handa ka na ba? Bumisita na sa Epicareer at simulan na ang iyong pag-a-apply!
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
7 min read
Magagandang Mga Tanong na Maari Mong Itanong sa isang Recruiter sa Interbyu para sa Trabaho
Gusto mo bang magtanong sa recruiter sa iyong job interview? Basahin ang aming gabay para sa mga magagandang tanong na maaari mong itanong upang malaman ang higit pa tungkol sa kumpanya at ang trabahong ina-apply-an mo.
Posted Jun 5, 2024
Share this article