7 min read
Kailan Maaaring Magbago ng Karera sa Buhay?
Nararamdaman mo na ba ang pagka-umay sa trabaho mo? Baka oras na para magbago ng karera! Hindi masama ang magbago, lalo na kung ito ang magdadala sa iyo ng kaligayahan at bagong oportunidad.
Updated May 16, 2024
Nararamdaman mo na ba sa sarili mo na nawawalan ka na ng gana pumasok sa iyong trabaho? Napapaisip ka ba na paano kung iba ang iyong trabaho? Ilan lamang yan sa senyales na gusto mo nang magbago ng karera sa buhay o trabaho. Ang pagbabago ng karera ay hindi naman masama lalo kung sa tingin mo ay hindi ka na nasisiyahan sa iyong trabaho o mas may maganda pang oportuninad na naghihintay sa iyo.
Hindi naman ibig sabihin ng nagbago ng karera ay kinatamaran mo na ang iyong trabaho o kaya naman ay ayaw mo na sa iyong trabaho. Ang pagbabago ng karera ay ang maaaring paaran na sa tingin mo ay mas makakapagbenepisyo ka rito kaysa sa kasalukuyan mong trabaho.
▶ Kaugnay na Artikulo: Anim na Hakbang para sa Matagumpay na Pagbabago ng Karera sa Anumang Edad
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagbabago ng Karera?
Ang pagbabago ng karera ay ang pagtahak ng ibang trabaho na sa tingin mo ay mas makakabuti sa iyong sarili at mararamdaman mong mas magiging masaya ka rito.
Maaaaring dahilan ng pagbabago ng karera ay hindi mo na nararamdaman ang sigla sa tuwing papasok ka sa iyong trabaho, hindi ka na nakakaramdam ng pagsubok sa iyong trabaho, at hindi na naaangkop ang iyong buwan-buwang suweldo sa iyong mga ginagawa at sa iyong talento at kakayahan.
Maraming empleyado ang nagagawang magpalit ng kanilang karera dahil sa mga dahilang iyon. Dahil sa katunayan ay may punto naman sila at bakit ka pa nga ba magtyatyaga kung sa tingin at sa isip mo ay ‘yong trabaho mo hindi na nabibigay ang iyong mga gusto o nais.
Ngunit hindi lamang iyan ang dahilan ng ibang empleyado kung bakit sila nagbabago ng karera sa buhay.
▶ Basahin din: Sa Trabaho, Alin ang Nararapat na Piliin? Pera o Hilig?
Kailan ka Posibleng Magbago ng Karera?
Kailan ka nga ba maaaring magbago ng karera? Yan ang kadalasang tanong ng karamihang empleyado na hindi sigurado kung kailan sila puwedeng magbago ng karera. Ano ang mga sensyales na maaari ka nang magbago ng karera?
Kailan ka Posibleng Magbago ng Karera?
Kailan ka nga ba maaaring magbago ng karera? Yan ang kadalasang tanong ng karamihang empleyado na hindi sigurado kung kailan sila puwedeng magbago ng karera. Ano ang mga sensyales na maaari ka nang magbago ng karera?
Paano kung Iba ang Kasalukuyan Mong Karera sa Karerang Pinangarap Mo?
Kadalasan sa karamihan ay bata pa lamang ay alam na ang karerang kanilang tatahakin sapagkat simula pagkabata ay tinatanong na sila kung ano ang gusto nilang maging pagkatungtong nila sa edad na pwede na silang magtrabaho. Kaya bata pa lamang ay tumatatak na sa kanilang puso at isip kung ano ang kanilang nais maging karera sa kanilang pagtanda.
Karamihan ay nakukuha o nakamit nila ang kanilang mga pinangarap na karera. Sa pamamagitan ng talento, sipag at tiyaga ay natutupad nila ang kanilang pangarap na karera. Ngunit sa kabilang banda ay mayroon din namang hindi napagbigyan sa kanilang pangarap.
Maaaring kulang sa kakayahan para makamit nila ang kanilang pangarap na karera, o kaya din naman ay limitado lang ang pagpipilian o iyon lang ang bukas na oportunidad sa mga oras na iyon.
Kadalasan marami ang napipilitang tumahak ng ibang karera na iba sa karerang ginusto nila nang dahil sa kahirapan.
Nang dahil sa kahirapan ay hindi nila natatapos ang kanilang pag-aaral at agad silang mag hahanap ng trabaho kaya’t kung may pagkakataon at kakayahan na silang magbago at tuparin na ang kanilang pinangarap na karera ay gagawin na nila ito.
Mas mataas ang sahod kumpara sa kasalukuyang trabaho
Ito ang kadalasang at kung tutuusin ay pangunahing dahilan kung bakit nakukuhang magbago ng karera ang isang tao.
Marahil sa kapos at hindi na kasya ang sweldo dahil sa pagtaas ng presyo ng pangangailangan at gusto ng isang tao, pumapasok sa isip nito na magbago o maghanap ng ibang trabaho o karera na mas makakapagsustento ng sakto o mas sobra sa kaniyang pangangailangan.
Ito rin ang dahilan kung bakit maraming tao ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa na mas mataas ang sweldo kahit na ang kanilang makukuhang trabaho ay hindi angkop sa kanilang gusto.
Napipilitan silang mag-ibang bansa at magpalit ng karera para lamang kumita ng mas malaki at masustentuhan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan.
Mas maayos ang sistema o pamamalakad
Karamihan ay nagtitiis o nagtitiyaga na lamang sa kanilang trabaho kahit na ang systema o pamamalakad sa kanilang kumpanya ay hindi ganoong kaganda, maaaring dahil sa mataas ang sweldo at maganda ang mga benepisyo.
Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit nakukuhang magbago ng karera ang isang tao. Ang pangit na sistema at pamamalakad ng isang kumpanya o namumuno ang syang nag-uudyok sa isang tao upang ito at umalis sa kanyang pinagtatrabahuan.
Karamihan sa mga umaalis ng dahil sa pangit na sistema ay nakukuhang pumasok sa isang trabaho o karera na iba sa kanilang nakaraang trabaho. Marahil baka doon ay makita nila ang hinahanap nilang magandang sistema o pamumuno na hindi nila nakuha sa kanilang dating karera.
Wala nang progreso
May mga oras din na dumadating ang tao sa punto na nararamdaman o napapaisip ito kung may natututunan pa ba sila o may progreso pa ba silang nakakamit sa kanilang karera o trabaho.
May mga taong kuntento na sa kanilang kaalaman at karanasan, ngunit may mga tao rin na gusto pang sumubok ng ibang bagay at madagdagan ang kanilang kaalaman hindi man sa kanilang kasalukuyang karero ganon na din sa ibang karera na hindi pa nila nasusubukan.
Eto rin ang dahilan kung bakit ang isang tao ay nakukuhang magbago ng karera upang sila ay makasubok ng iba pang bagay na maaaring makapagpalago ng kanilang kaalaman.
Ano ang mga dapat ihanda bago magpalit ng karera?
Bago tuluyang magpalit o magbago ng karera ay meron mga bagay na dapat ikonsidera upang maging matagumpay at maayos ang pagbabago ng karera.
Dahil kadalasan hindi nagiging maganda ang resulta ng pagbabago ng karera dahil hindi ito napagtuunan ng maayos at hindi na bigyan ng sapat na oras upang pag-isipan ito.
Istratehiya at plano
Ang pagpapalit ng karera ay hindi biro dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng isang tao. Kaya marapat na mayroong tamang proseso ito. Dapat mayroong malinaw na istratehiya at planong nakalatag kung pano ang magiging takbo ng pagbabago ng karera.
Kailangan rin ng alternatibong plano kung hindi man gumana ang una ay mayroon na pansalong plano. Kailangan handa sa lahat ng posibleng mangyare sa pagbabago ng karera.
Mga dapat ikonsidera sa paghahanda para sa pagbabago ng karera
May mga bagay na kailangang ikonsidera para sa pagbabago ng karera dahil hindi puwedeng basta-basta o agad-agad magbago ng karera. Dahil kung hahadaliin ito ay maaaring pumalya ang pagbabago ng karera.
1. Kakayahan o Kaalaman
Hindi naman puwedeng pumasok sa ibang karera ng hindi handa ang kakayahan ng isang tao. Kaya kailangan munang ihada ang sariling kakayahan upang makaya neto ang mga maaaring maging gawain sa bagong karera na tatahakin.
Kailangan may kahit konting kaalamanan sa papasuking bagong karera upang kahit papaano ay may alam ka sa papasuking trabaho dahil hindi naman kailangan ay mahusay na agad dahil natutunan naman ito habang ginagawa at tumatagal sa trabaho.
Pera isa rin itong malaking salik na kailangan ikonsidera sa pagbabago ng karera dahil magiging magastos o kakailanganin talaga ng pera sa pag-aasikaso upang makapasok sa bagong tatahakin na karera. Ito ang kailangan upang makapaghanda ng mga kailangan para sa bagong karera.
2. Malinaw na tunguhin sa karerang tatahakin
Kailangan din na malinaw ang iyong nakikita sa tutunguhin mong karera dahil ito ang nakakapag digta ng karerang tutunguhin mo. Dahil kung malinaw ang tunguhin sa karerang tatahakin mo at buo ang loob na magbago ng karera ay posibleng lahat ng dadaanang pagsubok at malalagpasan at magiging tama ang naging desisyon na magbago ng karera.
3. Mga kalamangan at kahinaan sa pagbabago ng karera
Ang pagbabago ng karera ay hindi lagi humahantong sa maganda, minsan ay may pumapalya at bumabalik na lang sa dating karera. Kung gustong maiwasan ito ay narito ang mga kalamangan at kahinaan na dapat ikonsidera sa pagbabago ng karera.
4. Kalamangan
Ang mga maaaring maging kalamangan ng pagpapalit o pagbabago ng karera ay dahil nga sa isang rason ng pagbabago ng karera ay ang paghahangad ng mas mataas na sweldo ay ito ang isang malaking kalamangan ng pagbabago ng karera.
Sumunod ay ang pagkakataon na mas makakuha ng mas madami pang kaalaman sa ibang bagay at mas lumago ang karanasan sa iba pang bagay.
5. Kahinaan
Ang mga maaaring maging kahinaan sa pagbabago ng karera ay ang pera, dahil maraming magiging gastos sa pagaasikaso sa bagong karerang tatahakin.
Sumunod ay nandon na rin ang peligro o panganib na baka hindi gumana o maging maganda ang resulta ng pagbabago ng karera.
▶ Kaugnay na Artikulo: 10 Konsiderasyong dapat Pagtuunan sa Paghahanap ng Trabaho
Tandaan na hindi madali ang pagbabago ng karera ngunit kung ikaw ay pursigido at desidido sa pagpapalit ng karera ay iyan ang mga kaylangan ikonsidera sa pagbabago ng karera upang maging maayos at maganda ang kalalabasan ng iyong desisyon na magbago ng karera.
Kung gusto mo pang makakuha ng mga impormasyon para sa pagbabago ng karera upang mas mapagplanohan ng maayos at makakuha ng ideya para sa pagbabago ng karera ay magtungo sa website ng Epicareer.
Popular jobs in Philippines:
Virtual Assistant | WFH Call Center | Remote Customer Service | Marketing Communication Specialist | Account Manager | Data Engineer | UI/UX Designer | Accountant | Software Engineer | App Developer | Mobile Developer | Project Coordinator | Technical Support
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
6 min read
10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho
Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.
Posted Aug 20, 2024
Share this article