Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Anim na Hakbang para sa Matagumpay na Pagbabago ng Karera sa Anumang Edad

5 min read

Anim na Hakbang para sa Matagumpay na Pagbabago ng Karera sa Anumang Edad

Siguraduhing nakahanda ka para sa mga hamon ng pagbabago sa karera sa anumang edad! Alamin ang anim na hakbang na tutulong sa iyo na magtagumpay.

Lovely Ann

Updated May 16, 2024

Kailan Maaaring Magbago ng Karera sa Buhay?

Dahil sa pabagong-bagong sistema ng panahon sa kasalukuyan, nag-iiba rin ang pamantayan ng komunidad na iyong kinabibilangan, lalo’t higit kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kompanya o organisasyon. Sa bigat at dami ng kwalipikasyon, isang pagsubok din ang makahanap ng panibagong trabaho para sa iyong gulang.

Kung ikaw ay matagal nang empleyado ng isang kompanya, pamilyar na sa kultura ng lugar, tradisyon ng mga kapwa mo katrabaho, mapapansin mong iba-iba ang antas ng kanilang pag-iisip. Matatanaw mo ang pagkakaiba ng kanilang mga perspektibo pagdating sa organisasyon at sistema ng inyong korporasyon, pati na ang mga polisiya o kalakaran sa loob.

Dulot ng magkakaibang edad, isang malaki ring pagsasaalang-alang ang pagbabago ng iyong karera lalo kung ikaw ay nasa edad 30s hanggang 50s na. Sa kabuuan, mas pinipili ng mga tagapamahala ang mga batang nasa dalawampung taong gulang pataas, o di kaya ay kakatapos lamang ng kanilang edukasyon. Gayunpaman, mahalagang hindi mo ibinababa ang iyong sarili sa mga ganitong uri ng sitwasyon, at manatili na lamang sa iyong nakasanayan. Sabi nga ng marami, “Wala sa edad ang progreso, nasa pagsisikap at diskarte ‘yan.”

Ang Edad ay Hindi Mahalaga

Sa iyong edad, walang masasayang kung hindi mo susubukan. Sa sarbey ng Resume Builder noong 2022, 38 na porsyento o 4 sa 10 tumatanggap ng manggagawa ay umaaming sinusuri ang resume ng mga aplikante pati na ang kanilang edad. Gayunpaman, marami pa rin namang pwedeng pagpilian kung nais mong magbago ng iyong karera.

38 na porsyento o 4 sa 10 tumatanggap ng manggagawa ay umaaming sinusuri ang resume ng mga aplikante pati na ang kanilang edad

Kailan Ang Tamang Panahon para Magpalit ng Karera?

Sa gulang na 30, marami ka pang taon na gugugulin para sa bagong karanasan na gusto mong maabot. Sa mga taong ito, alam mo na kung paano magtrabaho, at ano ang mga uri ng trabaho ang pwede mong galugarin. Maari kang kumuha ng panibagong kurso na pasok sa iyong hilig, at may higit kang kakayahan lalo sa pinansyal na responsibilidad.

Kapag ikaw ay 40 na taong gulang na, mayroon ka nang sariling pundasyon bilang isang manggagawa. Maaari ikaw ay nakapag-umpisa na ring makapag-ipon ng sariling pera, may pamilya, at mga ari-arian. Sa edad na mayroon ka, may lugar ka pa rin para sa pagpapalit ng karera. Mataas na ang iyong kumpiyansa dulot ng mahabang taon ng iyong pagseserbisyo, at maalam ka na sa sistema ng iba’t ibang industriya. Ngunit, sa pagkakataon ding ito, tatatak din sa iyong isipan ang mga dapat mong isaalang-alang kagaya ng responsibilidad sa pamilya.

Kung ikaw ay tumuntong na sa 50 na edad, tatlong dekada na ang iyong nabuo para sa pagpapasagana ng iyong karera. Sa panahong ito, maaaring ikaw ay mayroon ng mga anak o apo; maaari sila’y malaki na, kaya naman mas may panahon ka nang dumiskubre ng ibang bagay na gusto mo pang tahakin. Subalit ang pagpapalit ng karera ay maaaring maging rason upang tingnan ka bilang hindi na kwalipikado para sa panibagong trabaho. Kinakailangan mong dumaan sa mga pagsasanay o panibagong uri ng pag-aaral, partikular na ang paggamit ng teknolohiya.

Hakbang sa Pagpapalit ng Karera sa Kabila ng Iba’t ibang Edad

1. Tasahin ang rason ng pagbabago ng karera.

Tandaang hindi masamang magbigay ng repleksyon sa sariling interes, hilig, moral, at mga bagay na matagal nang nakasanayan. Ang pagbuo ng Talaarawan ay isang munting hakbang upang makita mo ang mga nagbago sa iyong sarili noong ikaw ay nagsisimula pa lamang sa iyong karera, at ang iyong kasalukuyang estado.

2. Magsaliksik ng mga landas na pwedeng tahakin.

Bilang sabik sa mga karerang maaari mong subukan, maglaan ng oras para magsaliksik ng mga ito. Maaari kang magbasa ng mga payo o maghanap sa online ng mga trabaho, partikular na sa Epicareer, tingnan ang mga bukas na posisyon, at kung ang saklaw ba ng sweldo nito ay tugma sa karerang ninanais mo.

3. Mag-ensayo ng iba pang kakayahan.

Sa kabila ng matagal na pagtatrabaho, iwasang umasa sa mga kakayahang bihasa mo na sa loob ng matagal na panahon. Sa kasalukuyan, mabilis magbago ang sistema ng midya at teknolohiya, at marami ng mga kasangkapan at plataporma ang pwedeng gamitin upang mapabilis ang isang gawain. Mabuting bumuo ka ng interes upang matutunan ang mga ito nang sa gayon ay hindi ka rin mahuli sa progreso ng karamihan.

4. Makipag-ugnayan sa ibang tao para mahingan ng payo.

Ang paggawa ng interaksyon sa ibang indibidwal kagaya ng mga taong matagal mo nang kilala, mga kaibigan, katrabaho, at iba pang propesyonal, ay isang pangunahing hakbang upang mas matulin kang magkaroon ng pagkakataon na subukan ang karerang hinahanap mo. Maaari sila ay mayroong koneksyon sa mga industriya o kompanya, at dito ay maaari ka nilang matulungang mag-umpisa.

5. Baguhin ang nilalaman ng resume at portpolyo kung kinakailangan.

Kasabay ng iyong paghahanap, ito rin ang tyansa mong ayusin ang iyong resume o curriculum vitae, at kung ikaw ay may nakahandang portpolyo. Nagbabago ang sistema ng mga maliliit o malalaking industriya, at dito sa bansa, tumataas din ang kwalipikasyong hinahanap sa mga aplikanteng sumusubok.

Kung nagnanais mong magpalit ng karera, nararapat na tugma iang mga nilalaman ng iyong resume o curriculum, pati na ang iyong portpolyo. Kung wala ka mang karanasan, maaari mong uriin ang mga kasanayan at karanasang mayroon ka para sa bagong landas na nais mong tahakin.

6. Balikan ang layunin ng SMART, at humanda sa mga pagsubok na darating.

Ayon sa Atlassian, Ang layunin ng SMART o specific, measurable, achievable, relevant, at time-bound ay nabuo upang itakda ang parametro ng iyong mga tunguhin upang maabot mo ang iyong mga nais sa maayos at balanseng oras.


Importanteng nakalapat pa rin ang ating mga sarili sa pangmatagalang benepisyo sa pagbabago ng ating karera. Ngunit, sa kabila ng panibagong hakbang na ito, huwag nating kalimutang ipagdiwang ang maliliit na panalong ating natatamasa sa gitna ng ating proseso.

Para sa marami pang pag-akay upang mahanap mo ang inaasam mong karera, magtungo lamang sa Epicareer at maging bahagi ng pang-araw-araw na tala.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles