5 min read
Nangungunang 10 na mga Kumpanya ng Virtual Assistant na may Malaking Benepisyo
Gusto mo bang maging Virtual Assistant? Alamin ang mga kailangang gawin at kasanayan sa pagiging VA sa pamamagitan ng mga online training at presentasyon. Subukan mo na ngayon!
Updated May 3, 2024
4 na Benepisyo ng pagiging Virtual Assistant
Ilan sa mga benepisyong maaari mong makuha bilang VA ay ang mga sumusunod:
Balaseng buhay at trabaho
Ang pagiging virtual assistant ay hindi lamang makapagbibigay sa iyo ng trabaho. Bibiyayaan ka rin nito ng sapat na oras upang asikasuhin at alagaan mo ang iyong sarili ng walang presyur. Maliban pa rito, tila wala kang hahabulin dahil hawak mo ang iyong oras.
May kalayaan na magtrabaho kahit saan
Magkakaroon ka ng layang magtrabaho kahit saan mo gustuhin kapag ikaw ay isa nang ganap na virtual assistant. Kung ikaw man o kayo ng pamilya mo ay lakad, kahit nasa byahe ka pa, o nasa beach at bakasyon, kayang-kaya mo itong gawin.
Iba’t ibang kasanayan
Isa ito sa kalamangan kung ikaw ay isang virtual assistant. Marami kang matutunan na kasanayan hindi lamang sa klerikal na gawain kundi ang pamamahala rin ng iba pang teknikal na abilidad ay magagawa mo rin.
Kakayahang magtayo ng negosyo
Isa marahil ang benepisyong ito sa hindi pa nasusubukan ng mga empleyadong virtual assistant. Ngunit mayroon din namang nagtatagumpay na makapagtayo ng sariling negosyo na kaugnay rito.
▶ Basahin din: Sa Trabaho, Alin ang Nararapat na Piliin? Pera o Hilig?
5 na Mga Kinakailangang Kasanayan para maging Virtual Assistant
Kung naghahangad ka maging virtual assistant, narito ang limang kinakailangang kasanayan na dapat mong matutunan at sanayin sa iyong preseso:
Kasanayan at mga Serbisyo
Tasahin mo ang mga serbisyo at potensyal mong kakayahan na kaya mong gamit ay iambag sa iyong kumpanya o kliyente. May iba’t ibang uri ng pangangailangan silang hinahanap at hindi mo maaaring ipilit ang iyong sarili, lalo’t higit kung hindi ka naman totoong maalam sa industriyang nilalakaran nila.
Pagkuha ng Kliyente
Maliban sa matitigas at malalambot na kasanayan, kailangan mo rin ang maayos at sistematikong kapasidad sa pagkuha o paghahanap ng kliyente. Maaari mong isaalang-alang ang mga metodo katulad ng networking, pagpapaskil sa onlayn, at referral.
Bihasa sa Paggamit ng Teknolohiya
Sa kasalukuyan, mas hinahanap ng mga kumpanya o kustomer ang pagiging bihasa ng isang virtual assistant sa paggamit ng teknolohiya. Kung maalam ka rito, mas malaki ang kalamangan mong makakuha o matanggap sa posisyon ito, lalo na kung ikaw ay matalino sa paggalaw ng iba’t ibang elemento nito.
Magaling Makipag-ugnayan
Para sa mas epektibo at episyenteng virtual assistant, ang kasanayan sa pakikipag-ugnayan ay isang hakbang para makuha ang trabahong ito. Kung ikaw ay magaling magbenta ng iyong produkto o serbisyo, mas higit silang magtutuon ng atensyon at oras sa iyo.
Balanseng Paghawak ng Oras
Ang pagtatrabaho bilang virtual assistant ay kinakailangang marunong na humawak ng oras. Mula rito, kailangan mong balansehing ang paghawak ng maraming proyekto, mga nakatakdang araw o oras, at iba-ibang time zone. Ang paggamit ng mga kasangkapan sa pagiging produktibo ay benepisyal para manatiling maging organisado.
10 Kompanya na Naghahanap ng Virtual Assistant
Ang Boldly ay isang premium subscription staffing na kumpanya na nakabase sa UK at US. Sila ay may mga talentadong executive assistant na magiging tulay para sa sa mga kliyente na maiwasan ang abala sa pagre-recruit at ang mga gastos na nauugnay sa pagkuha ng mga empleyado.
Isa sa mga sikat na birtwal na kumpanya ay ang Belay, at ito ay matatagpuan sa Atlanta, Georgia na mayroong 1, 200 na miyembro sa 48 na mga bansa.
Ang kanilang mga virtual assistant ay mayroong mahigit limang taong karanasan at tumutulong sa plano para sa paglalakbay, paghawak ng kalendar, pananaliksik sa mga proyekto, at paghawak ng social media.
Parte ng plataporma ng Startups.com ang Zirtual at sila ay humahawak ng mga virtual assistant na karamihan ay kolehiyong mag-aaral.
Sila ay nag-aalok ng serbisyo sa paghahanap ng reserbasyon para sa paglalakbay, pag-i-iskedyul, pananaliksik, at pag-invoice.
Ang organisasyon ng Prialto ay matatagpuan sa Portland, ngunit sila ay nakikipag-ugnayan sa mga Ingle na miyembro sa Asya at Gitnang Amerika.
Ang kanilang serbisyo ay kadalasang umiikot sa digital marketing, benta, operasyon, at mga gawaing administratibo. Ipinagmamalaki ng Prialto ang higit sa 10 taon sa negosyo na may higit sa 1 milyong oras ng propesyonal na suporta. Namumuhunan din sila sa pagsasanay at patuloy na edukasyon para sa kanilang mga VA.
Ang Fancy Hands ay nakatutok sa mga personal virtual assistant. Samantalang ang kanilang organisasyon ay nakabase sa US, at ang sentral nilang ibinibigay na serbisyo ay pag-i-iskedyul, pananaliksik, paggawa ng tawag, at personal na pamimili.
Pinakamahusay na gumagana ang serbisyong ito para sa mga kliyenteng nakakaalam kung ano ang gusto nila, o may mga partikular na kahilingan tulad ng pag-aayos ng paglalakbay o iba pang mga personal na gawain.
Isa sa kalakasan ng kumpanya ng VA Staffer ay ang pag-aalok ng mga gawaing pang-administratibo, paghawak ng social media, pagsusulat ng iba’t ibang artikulo, at pagseserbisyo sa kustomer.
Mayroon din sila kakayahan sa pagkakalendaryo at paggawa at pagpaplano ng mga kaganapan.
Ang WoodBows ay ay isang birtwal na kumapnya na may mga opisina sa Pilipinas at India. Sila ay may espesyalisasyon sa bilingual na suporta.
Sila ay kumukuha ng mga virtual assistant na may isang dekada ng karanasan sa mga nauugnay na industriya, tinitiyak na mayroon silang kadalubhasaan sa paghawak ng mga gawain tulad ng pag-iskedyul ng mga appointment, pamamahala sa pananalapi, at serbisyo sa kustomer.
Isa sa pinakamagandang birtwal na kumpanya ay ang Ossito na nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo sa pamamahala ng iba’t ibang proyekto, pagsusulat, mga pangangailangan ng mga kustomer, at pamamahala ng mga ulat at dokumento.
Nakabase sa Pilipinas ang Virtual Staff Finder at ang kanilang mga virtual assistant ay nagtatrabaho at nag-a-asikaso rin ng social media, mga kaganapan, kalendaryo, email, at pag-o-organisa ng mga papeles at iba pang rekord.
Bilang bihasa sa pamamahala ng kalendaryo, pagma-market, pananaliksik, at paglalagay ng datos, ang Time etc ay maaari mong pag-apply-an kung ilan ito sa iyong mga kasanayan o kakayahan.
Ang pagiging organisado at metikuloso ang iyong magiging pundasyon upang maging matagumpay bilang isang virtual assistant.
▶ Kaugnay na Artikulo: Pagsusulat ng Digital Marketing Resume
Nais mo nang magsimula?
Maglaan ka ng oras na aralin ang pagiging virtual assistant, at kung nakikita mo ito bilang iyong hinahanap na trabaho, tutulungan ka ng Epicareer sa iyong proseso at aplikasyon.
Popular jobs in Philippines:
Virtual Assistant | WFH Call Center | Remote Customer Service | Digital Marketing Specialist | Sales Representative | IT Engineer | Graphic Designer | Accountant | Software Developer | Data Analyst | Project Manager | Product Manager | IT Technical Support
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article