7 min read
Magagandang Mga Tanong na Maari Mong Itanong sa isang Recruiter sa Interbyu para sa Trabaho
Gusto mo bang magtanong sa recruiter sa iyong job interview? Basahin ang aming gabay para sa mga magagandang tanong na maaari mong itanong upang malaman ang higit pa tungkol sa kumpanya at ang trabahong ina-apply-an mo.
Updated Jun 5, 2024
Bilang aplikante, ikaw rin ay mayroong karapatan na magtanong at kilalanin ang sistema ng kumpanyang iyong ina-apply-an.
Karaniwan sa dulo ng isang interbyu, ikaw ay tatanungin kung ikaw ba ay may mga katanungan, at mula rito, mahalagang kuhanin ang oportunidad na ito upang matuklasan kung ang trabaho ay tama para sa iyo, ngunit makakatulong din ito sa iyo na ipakita sa hiring manager na ikaw ang angkop para sa kanilang kumpanya.
Sa katunayan, karamihan sa atin, nakakalimutan na ang magtanong dulot na nais na rin nating matapos ang interbyu at malampasan ang kabang ating nararamdaman.
Bagamat nararapat pa ring tayo ay magtanong sa recruiter sa trabaho nang sa gayon malaman natin ang mga impormasyong hindi nila nabanggit sa kanilang job ads. Makadaragdag din ito sa impresyon ng iyong pagiging interes na pumasok sa kanilang kumpanya.
â–¶ Kaugnay na Artikulo: Mga Pamamaraan upang Ipakilala ang Iyong Sarili sa Isang Interbyu
Ano ang mga Dapat Ihanda bago Magtanong sa Recruiter?
Bago magtanong, tandaang ikaw ay nakaupo sa isang propersyonal na kapaligiran. Huwag basta-basta magbagsak ng katanungan nang wala sa oras at lugar. Maiging gawin ang mga sumusunod:
Magsaliksik sa kumpanyang papasukan
Kung nais mo sumubok na magtanong, una ay magsaliksik sa kumpanyang iyong papasukan, nang sa gayon ay makakuha ka ng impormasyon tungkol sa kanila. Maaari kang bumisita sa mga website o kanilang plataporma.
Magbasa ng mga rebyu sa kanilang website
Isang magandang bagay na maaari mong gawain ay magbasa ng mga rebyu na matatagpuan din sa Internet. Dito mo kung maayos, organisado, at sistematiko sila sa industriya. Dito mo rin mababasa kung balanse o tama ang kanilang pagtrato sa kanilang mga manggagawa.
Magtanong sa sariling network
Kung mayroon kang mga katrabaho o kakilala na may kaugnayan sa trabahong iyong pupuntahan, maaari mo silang lapitan. Bukod sa makakakuha ka ng ideya ng tanong na pwede mong ilahad, maaari ka nilang bigyan ng payo sa mga ano ang dapat iwasan o hindi sa pagtatanong.
Ilista ang mga tanong na nais malaman
Kung mayroon kang ispesipikong tanong na nais alamin, ihanda na ito bago pa ang araw ng iyong panayam. Huwag mag-isip sa harap ng mga recruiter at maging responsable sa mga tanong na gustong malaman.
Mga Tip sa Pagtatanong sa Recruiter
Kung naihanda mo na ang iyong sarili, at binigyan ka ng pagkakataon upang magtanong ng iyong interes sa kumpanya, sistema at kanilang tradisyon, narito ang mga tip na dapat mong isaalang-alang:
Huwag sabihin na ikaw ay walang tanong
Iwasan ang pagsabi nang direkta na ikaw ay walang katanungan. Bagkus, pasalamat sila sa oportunidad na ikaw ay makapanayam para sa trabaho, at may respetong ilahad na ikaw ay wala nang katanungan dahil lahat ng ito ay nabanggit na sa interbyu.
Maging mapamaraan
Habang bukas at dumadaloy ang panayam, tandaan din ang mga impormasyong kanilang inihain sa kalagitnaan ng inyong pag-uusap. Kung nabanggit ang isang detalye na nais mong itanong, mabuti huwag na muli itong itanong sa dulo.
Magtanong kahit ilang ispesikong katanungan
Kung sa tingin mo ay nakukulangan ka sa kanilang paliwanag, at interesadong malamang ang ilang detalye mula sa kanila, maingat na salain ang mga ito bago itanong sa kanila, at iwasan ang pabara-barang pagtatanong.
Huwag lamang magtanong sa dulo
Kung patapos na oras ng iyong interbyu, at alam mong unti-unti nang nagpapaalam ang recruiter, iwasan ang biglang pagtatanong dahil maaaring hindi ito maging karespe-respeto para sa kanila.
Magtanong ng mga tanong na talagang nais mong malaman ang mga sagot
Kagaya ng nabanggit kanina, salain ang mga katanungan nais mong alamin sa kumpanya. Huwag magtanong dahil lang sa ini-engganyo ka nilang maglahad. Isipin kung ano kapaki-pakinabang at makatutulong sa iyong pagpapasya.
â–¶ Basahin din: 8 na mga Tip para sa Mas Epektibong Proseso ng Paghahanap ng Trabaho
Mga Karaniwang Tanong sa HR
Upang higit na magkaroon ng pormalidad ang iyong interbyu, kuhanin ang pagkakataon na magtanong sa HR kagaya ng mga nasa ibaba:
1. Maaari mo bang ipakita sa akin ang mga halimbawa ng mga proyektong gagawin ko?
Kung ikaw ay tunay na interesado sa trabahong iyong in-apply-an, maari mong itanong ang pangilan-ngilang aktibidad na kasama sa iyong magiging responsibilidad sa pang-araw-araw.
2. Ano ang mga pinakakagyat na proyekto na kailangang matugunan?
Batid mong sa trabaho ay mayroong mga prayoridad at proyektong dapat higit na pagtuunan ng pansin. Mula rito, maaari mong itanong ang mga ispesipikong gawaing iyong primaryang aasahan kung ikaw ay mahire.
3. Anong mga uri ng kasanayan ang kulang sa grupo na hinahanap mong punan ng bagong empleyado?
Mula sa maayos at marespetong pamamaraang pagtatanong, maaari mong buksan ang iyong interes ang karaniwan o madalas na problema ng isang departamento na dapat mapunan ng solusyon.
4. Ano ang mga pinakamalaking hamon na haharapin ng isang tao sa posisyong ito?
Kung ikaw ay bago pa lamang sa pagtatrabaho o magbabago ng iyong karera, mahalagang malaman mo ang mga hamon o pagsubok na iyong kakaharapin sa posisyong ito. Dito ay magkakaroon ka ng ideya ng mga dapat mong gawin o solusyonan sa hinaharap.
5. Inaasahan mo bang magbabago ang mga pangunahing responsibilidad para sa posisyong ito sa susunod na anim na buwan hanggang isang taon?
Mahalagang sa una pa lamang ay alam mo na iyong deskipsyon sa trabaho, at ito ay maaari mong itanong kung sakaling magkaroon ng panahon na magbago ang iyong responsibilidad sa paglipas ng ilang buwan.
â–¶ Basahin din: Mga Paraan para Matagpuan ang Tamang Karera
Mga Tanong para sa mga Kasamahan
Bukod sa trabaho, siguro ay interesado ka rin sa mga taong palagi mong makakasama sa kumpanya. Kaya naman narito ang ilang tanong na maaari mong itanong para sa mga user:
1. Paano mo ilalarawan ang kapaligiran ng trabaho dito—karaniwang kolaboratibo o mas malaya ang trabaho?
Importanteng alamin ang kapaligiran ng iyong magiging trabaho upang iyong matuklasan kung mas madalas ba ang malaya o kolaboratibong gawain, remote man o hindi.
2. Nakagawa ka na ba ng mga pinagsamang kaganapan sa ibang mga kumpanya o departamento?
Maaari mong tukuyin kung sila ay nagkakaroon ng koordinasyon sa ibang kagawaran o grupo dahil dito mo rin matatanaw kung may mga tagumpay na proyektong may maliit o malaking pagsubok.
3. Paano nalampasan ng organisasyon ang mga hamon sa malayong trabaho?
Kung kayo ay nasa remote na uri ng pagtatrabaho, ang pagtatanong ng kanilang mga karanasan ay makapagbibigay sa iyo ng impormasyon kung paano sila maayos na nakipag-ugnayan sa bawat isa kahit sila ay magkakalayo at may kanya-kanyang lugar.
4. Ano ang paborito mong tradisyon sa opisina?
Sa pag-alam ng paboritong tradisyon sa opisina, makikita mo at maririnig ang madalas nilang inaabangang buwan o okasyon, maaaring ito ay team building, salo-salo, capacity building, year-end party, o bakasyon.
5. Paano bumubuo at nagpapanatili ng matatag na ugnayan ang pangkat?
Nakakahanga ang mga kumpanyang matibay at mayroong matatag na pundasyon lalo’t higit sa pagitan ng empleyado at kanilang mga lider. Mula rito, sa kabila ng marami at mabibigat na gawain, malalaman mo kung paano nila ito napagdaanan at nalampasan.
Mga Dapat Iwasan sa Pagtatanong
Kung ikaw ay may plano at nakahandang magtanong, marapat lang na ikonsidera mo rin ang mga dapat iwasang katanungan:
Huwag itanong ang tanong na ipinaliwanag na sa panayam
Kung naipaliwanag o nabanggit na ang isang konstekto tungkol sa trabaho, iwasang itanong ito muli sa hiring manager o recruiter nang sa gayon ay maiwasan din ang paulit-ulit na pagsagot at paglilinaw.
Iwasan ang mga tanong na masasagot sa pamamagitan ng pagtingin sa Google o anumang iba pang mapagkukunan
Mayroong mga tanong na matatagpuan lamang ang sagot sa Google at Internet. Kaya’t maiging magsaliksik at magbasa-basa nang sa gayon ay hindi mo na ito itanong pa sa recruiter o hiring manager.
Iwasang magtanong tungkol sa suweldo at iba pang benepisyo ng kumpanya sa maagang yugto ng recruitment
Huwag agad-agad magtanong ng magiging saklaw ng suweldo lalo kung ikaw ay nasa inisyal pa lamang na yugto ng pangangalap. Kung hindi man kaagad nabanggit o nailagay bilang indikasyon sa kanilang poster o job ads, maghintay ng tamang pagkakataon upang ito ay isangguni sa hiring manager.
Iwasang magtanong ng mga personal sa recruiter
Pinakaiwasan ang magtanong ng personal na impormasyon sa hiring manager o recruiter at maglaan ng espasyo at hangganan sa pagitan n’yong dalawa.
Huwag magtakot magtanong, at tandaang ang Epicareer ay nakaalalay sa iyong simula. Ipasa ang iyong resume at ihanda na iyong sarili upang maimbitahan sa panayam.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
Share this article