5 min read
10 Katanungan na Maaari Mong Itanong Sa Iyong Sarili upang Mahanap mo ang Iyong Tunay na Hilig
Para matukoy ang iyong tunay na hilig, simulan sa pagsusuri ng iyong nakaraan at kasalukuyan. Tanungin ang sarili kung paano ka napunta sa iyong posisyon ngayon, ano ang mga kalakasan mo, at ano ang mga hadlang na humaharang sa iyong mga mithiin.
Updated May 22, 2024
Iba-iba ang bawat indibidwal, at iba-iba rin ang kanilang mga gusto.
Sa ganitong mga pagkakataon, magkakaiba ang antas ng bawat isa depende sa buhay na kanilang mga pinanggalingan. Ngunit, kung ikaw ay patuloy pa ring klinikilala ang iyong sarili, nararapat na suriin mo rin ang iyong mga hilig.
Narito ang sampung (10) mga tanong na pwede mong itanong sa sarili upang higit na makilala ang iyong tunay na mithiin.
▶ Kaugnay na Artikulo: Kailan Maaaring Magbago ng Karera sa Buhay?
Ang karera at progreso ng mga indibidwal ay hindi paunahan. Hindi lahat ay nakapagtapos ng pag-aaral, ang iba’y dumiskarte upang makapaghanap ng trabahong mapapasukan, ang ila’y pumasok sa pagnenegosyo mula sa maliit na ipon o pera.
Kaya naman magandang itanong sa sarili kung ano ang naging proseso upang ikaw ay dalin sa lugar kung ika’y nasaan sa kasalukuyan. Lahat ng bagay ay may dahilan, at lahat ng ito’y pinaghihirapan.
2. Ano ang bagay na nakapagpapalito sa akin upang hindi mahanap ang aking mga hilig?
Noon, marami tayong gustong gawain at madiskubre. Nariyan pa nga’t ating sinasabi na sa ating paglaki, gusto natin maging propesyonal na empleyado o manggagawa na maglilingkod sa ating bansa, o di kaya ay kasama sa ating mga pangarap ang mangibang-bansa, at doon hasain ang ating abilidad sa pagtatrabaho.
Pero, sa dinami-rami ng ating gustong gawain, nawawala tayo sa tunay na linya ng ating karera. Hindi na natin alam kung ano talaga ang gusto nating unahin, hanggang sa dumarating tayo sa punto na malayo na pala tayo sa ating layunin. Kaya hanggang maaari, tayo ay nararapat na magkaroon ng simple ngunit payak na pagpaplano at pagpapasya.
3. Ano ang mga bagay na gusto at kaya kong gawain?
Dapat din nating itanong ang ating mga sarili kung ano ang ating kalakasan sapagkat ito ang nagiging hakbang ng sunod-sunod nating progreso upang mahanap ang ating mga hilig at kinahuhumalingan.
Sa trabaho, maaaring matasa na ang isang tao ay magaling sa pakikipagkomunikasyon, o pag-organisa ng mga pangyayari o aktibidades para sa kumpanya; bihasa sabay-sabay na gawain, malikhain, at maaaring maging lider ng isang pangkat.
4. Alin sa mga problema ang maaari kong masolusyonan habang hinahanap ko ang aking sariling hilig?
Kung ikaw ay matagal nang nagtatrabaho at hindi mo pa rin nakikita ang iyong tunay na minamahal na gawain, maaaring dito ka mag-umpisa upang itanong ang mga balakid na humaharang sa iyo upang ito’y iyong makamit.
Sa ganitong sitwasyon, unti-unti masusuri kung ano ang panloob at panlabas na suliranin ang nakakaimpluwensya sa iyo upang hindi mo mahanap ang iyong tunay na hilig.
5. Saan nga ba ako totoong magaling, at sino ang maaaring magbayad sa akin sa ganitong klaseng hilig?
Ang sariling hilig ay pwedeng maging pinto para maging negosyo o sariling trabaho. Subalit, bago mo mataya ang iyong kapasidad, mahalagang alam mo ang iyong mga gusto o mahal na gawain.
Mula rito ay maaari kang mag-umpisa, at makatagpo ng kliyente mula sa iba’t ibang plataporma kagaya ng midya at Internet.
▶ Kaugnay na Artikulo: Anim na Hakbang para sa Matagumpay na Pagbabago ng Karera sa Anumang Edad
6. Ano ang tunay kong gustong makamtan sa buhay at aking kinabukasan?
Bilang indibidwal, mayroon tayong tinatawag na tunguhin. Ito ay tumutukoy sa resulta o dulo ng iyong pagsisikap sa pagtatrabaho o paggawa ng mga bagay na hilig mong gawin.
Sa literal na pagtingin, kasama sa ating mga plano ang magkaroon ng mga bagay na gusto na marami, kagaya ng pera, ipon, bahay at lupa, kotse, negosyo, o maging mariwasa sa buhay.
Pero sa ganitong sitwasyon, dapat na maalam ka sa kung ano ang layunin na gusto mong puntahan, nang sa gayon, maiwasan ang pagkalito, pagkainip, at pangamba kung tama ba ang desisyon na iyong ginagawa.
7. Ano ang mga posible kong gawain kung hindi ko na kailangan pang magtrabaho?
Marami sa mga miyembro ng lipunan ang lumaki sa mayamang pamilya, nakakatamasa ng maginhawang buhay, may balanseng oras para gawin ang mga bagay na kanyang kinahihiligan.
At kung ikaw ay isa sa mga nakakaranas nito, ito ang iyong pagkakataon para hanapin mo ang tunay mong naisin o hilig; ang totoong makakapagpasaya sa’yo.
8. Ano ang sinasabi sa akin ng ibang tao, kakilala man o hindi, tungkol sa aking kakayahan?
Kung ikaw ay madalas makipag-ugnayan sa ibang tao, kapamilya mo man, kaibigan, katrabaho, kagrupo, o kasama sa organisasyon, may pagkakataon na nakikita nila kung saang larangan nangingibabaw ang iyong galing.
Mula rito, maaari mong hasain at palaguin ang abilidad na ito upang magamit sa iyong karera.
9. Ano pa ba ang mga bagay o oportunidad ang hindi ko nasusubukan?
Kung may bagay mang hindi ka pa nauumpisahan o nasusubukan, marahil ito ang mga uri ng oportunidad na inaasam ng karamihan.
Halimbawa na lamang nito ay ang kagustuhan mong matutong magluto, tumugtog ng instrumento, magtanghal, o sumali sa mga palakasan o isports tulad ng badminton, tennis, basketball, volleyball.
10. Ano ba ang nais kong marating sa loob ng mahabang panahon?
Nararapat na hindi ka lamang nabubuhay o nagtatrabaho para lang buhayin ang sarili o suportahan ang ibang tao. Sa estadong mayroon ka, mabuting hindi mo nakakalimutan kung ano ang tunay na makakapagpagaan sa iyong kalooban o makakapagpasaya sa’yo nang tuluyan.
Mayroon maikli o mahabang tunguhin, ngunit, mahalagang mula sa mga ito, ay may pundasyong mabuo para sa sarili upang magkaroon ng progreso.
▶ Kaugnay na Artikulo: 10 Konsiderasyong dapat Pagtuunan sa Paghahanap ng Trabaho
Ilan lamang ito sa mga katanungang pwede mong tanungin sa iyong sarili, at kung gusto mo pang higit na kilalanin ang iyong hilig at mga layunin, tumungo lamang sa Epicareer, at sumuskribi.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article