Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Sa Trabaho, Alin ang Nararapat na Piliin? Pera o Hilig?

5 min read

Sa Trabaho, Alin ang Nararapat na Piliin? Pera o Hilig?

Magtrabaho para sa pera o sa hilig? Alamin ang mga benepisyo ng pagpili ng trabaho na base sa iyong hilig o praktikalidad.

Lovely Ann

Updated May 3, 2024

Nasubukan mo na bang magtrabaho? Sa panahong ngayon, habang pabago nang pabago ang teknolohiya, pataas nang pataas ang mga bilihin, dumarami rin ang gusto ng mga tao- at ang tanging sagot para rito ay magtrabaho. Pero ano nga bang uri ng trabaho ang gusto mong pasukin? Ito ba ay base sa iyong hilig o dahil sa pagiging praktikal?

Para sa mas malinaw wna detalye, narito ang ilang mga benepisyo na maaari mong makuha sa pagpili ng trabaho para sa pera o sa hilig.

Mga Benepisyo ng Pagpili ng Trabaho para sa Pera

Kung pagiging praktikal ang paiiralin para magtrabaho, masasabing mas madali itong gawain. Ito rin ang magbibigay sa’yo ng iba’t ibang benepisyo para piliing magtrabaho para sa pera:

Pagkakaroon ng Sahod para sa Pangangailangan at Gusto

Isa sa primaryang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang tao ay upang mabili niya ang mga bagay na gusto at kailangan niyang bilhin. Mula rito, hindi na rin niya kailangang humingi o umutang pa mula sa iba.

Mas Makilala ka ng Ibang Tao o Grupo

Ang pagkakaroon ng trabaho na may maayos na pasok ng pera ay isang pinto para magkaroon ka ng mas magandang reputasyon sa lipunan. Ito rin ay maaaring magpataas ng impluwensya sa lipunan, at pati na rin ng kumpyansa sa sarili.

Magkakaroon ng Higit na Ipon

Kung sakaling pinag-iisipan mong maghanapbuhay para sa iyong kikitain, hindi ka lamang makakabili ng mga bagay na gusto mong bilhin, maaari kang makapag-ipon ng pera para sa mga emerdyensya o biglaang paggastos. Bukod pa rito, makakapaglaan ka pa rin sa mga plano mong pag-iipon, para sa pagpapagawa ng bahay, o pagbili ng lupa at sasakyan, patin na rin sa iyong kinabukasan.

May Malakas na Koneksyon

Sa pagpili ng trabaho, dito mo matutuklasan ang mga industriya o kompanyang may malakas na koneksyo, halimbawa na ang mga propesyonal o mayayamang negosyante. Maaari kang magkaroon ng higit pang oportunidad upang matuto, makakuha ng promosyon, o makahanap ng mas magandang pagkakakitaan.

Mga Benepisyo ng Pagpili ng Trabaho Gamit ang Iyong Hilig

Bukod sa pagtatrabaho para kumita ng malaking pera, pwede mo rin namang ikonsidera ang mga benepisyo ng pagpili ng trabaho base sa iyong tunay na nais o hilig:

Higit na Produktibo

Kapag mahal mo ang iyong ginagawa, mas produktibo, malikhain, at maalam ka. Hindi lamang sa pamilyar ka na sa iyong gawain, naiiwasan mo ring mangapa, at balikan ang mga saligang kaalaman. Nandito rin ang kapanatagan na matatapos mo kaagad ang iyong trabaho.

Maayos na Kalusugan

Ang pagkakaroon ng mahal mong trabaho ay hindi lamang nakatutulong sa’yo para maging produktibo sa lahat ng oras, natutulungan din nito ang iyong pisikal, emosyonal, at kalusugang pangkaisipan dahil hindi ka naiinip, at naiiwasan din ang madalas na pagkapagod.

Payapang Kapaligiran sa Trabaho

Kung pipiliin mo ang trabahong mahal mo talaga, mas malaki ang tyansang makatrabaho mo rin ang mga indibidwal na may kapareho mong prinsipyo. Hindi ka mahihirapang sanayin ang iyong sarili sa lugar na iyong ginagalawa, at naroon din ang pakiramdam na gugustuhin mo parating pumasok dahil kasama mo sila.

Higit na Masaya sa Pakiramdam

Tunay na masarap sa pakiramdam kung mahal mo ang trabahong ginagawa mo. At dahil marami ngayon ang gumugugol ng kanilang panahon para lang magtrabaho sa umaga o gabi, ang pagtatrabaho base sa iyong gusto ay may malaking ambag upang maiwasan ang iyong pagkapagod, pagkainip, at pagkawalang-gana. Ang kasiyasahn sa trabaho ay nakadaragdag din ng kumpyansa at tapang para manatiling sa kompanya o industriya nang mas matagal na panahon.

Ano ang mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanap ng Trabaho?

Bago ka magtrabaho, kailangan mong isipin ang mga sumusunod na salik, at kung ano ang higit na matimbang sa’yo:

Mga Bayarin at Gastusin

Marahil ay hindi ka pa nagtatrabaho, naiisip mo na agad ang listahan ng mga bagay na dapat mong bayaran o pag-ipunan bawat buwan. Dipende sa antas ng iyong kabuhayan, kailangang isaalang-alang mo rin ang saklaw ng iyong sahod base sa pangangailangan at gastusing nakaatang sa atin.

Kasiyahan sa Trabaho

Hindi ka lamang nagtatrabaho para kumita. Piliin mo rin ang trabaho makakapagpaligaya sa iyo sa loob ng mahabang panahon. Piliin mo ang trabahong makapagbibigay sa iyo ng oportunidad na dumiskubre pa ng ibang bagay o aktibidad nang hindi nakokompromiso ang iyong tunay na trabaho.

Magkaroon ng Pera para sa Sarili

Kung may gastusin o dapat bayaran, isipin mo rin ang sarili mong kapakanan. Magtira ka para sa iyong sariling naisin; kasama na rito ang pagbili ng mga bagay para sa iyong sarili, paggawa ng iyong libangan, pamamasyal o paglalakbay sa iba’t ibang destinasyon.

Pagbabago ng Karera

Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang libangan at interes ng mga tao. Kung may pagkakataong ika’y inalok ng trabaho na nakalinya sa iyong hilig, pag-isipang mabuti kung gaano katagal mo gustong manatili sa larangang ito at kung may posibilidad na magbago ka ng karera.


Tandaan ding walang mahirap o madali sa paghahanap ng trabaho. Subalit kailangan mong isaalang-alang ang iyong kapakanan, hindi lamang base sa pera o sa totoong interes.

Para sa iba pang mga payo, palagi lang bumisita sa website ng Epicareer, at sumuskribi para hanapin ang iyong karera.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles