4 min read
10 Konsiderasyong dapat Pagtuunan sa Paghahanap ng Trabaho
Handa ka na ba sa mundo ng pagtatrabaho? Alamin ang mga dapat mong asahan at mga konsiderasyon bago ka mag-apply sa trabahong nais mo."
Updated May 3, 2024
Hindi biro ang pagpasok sa mundo ng pagtatrabaho. Iba-iba ang kultura, indibidwal, pati na ang mga dapat mong asahan kapag dumating ang panahon ng iyong pagsisimula.
Kasama sa proseso ang magsaliksik ng mga dapat mong isaalang-alang kung ikaw ay maghahanap ng trabaho.
Sa trabahong nais mong aplayan, maaari kang matulungan ng mga sumusunod na konsiderasyon na ito:
1. Kasaysayan ng Kompanya, mga Bisyon, Misyon, at Tunguhin Nito
Walang nakakaalam kung anong kompanya ang maaari mong pasukan kapag nagdesisyon kang magtrabaho.
Isang primaryang bagay na dapat mong gawain ay magsaliksik tungkol sa kompanyang ninanais mo, kasama na ang kanilang mga misyon, tunguhin, at bisyon para sa kanilang mga empleyado.
Maaari mong tingnan ang mga sumusunod:
1. Ilang taon na nagpapatakbo ang kompanya?
2. Malawak na ba ang kanilang industriya at nagkaroon ng progreso?
3. Gaano kadalas nagtatanggal ng mga empleyado ang kompanya?
4. Nasabak na ba sa mga ilegal, at pinansyal na isyu ang kompanya?
2. Lugar ng Pagtatrabahuhan
Sa paghahanap ng trabaho, kailangan mo ring isaalang-alang ang lugar ng kompanyang iyong papasukan.
Kailangan mong suriin kung ito ba ay malapit sa iyong tahanan, gaano katagal ang magiging byahe, o kakailanganin mong lumipat ng titirahan o uupahan.
▶ Kaugnay na Artikulo: Sa Trabaho, Alin ang Nararapat na Piliin? Pera o Hilig?
3. Haba ng Oras sa Trabaho
Sa pagsasaalang-alang ng hanapbuhay, ikonsidera mo rin ang haba ng iyong magiging trabaho. Tasahin kung ikaw ay pang-umaga o panggabi, o kung ikaw ay nais magtrabaho bilang part-timer o freelancer.
Ang karaniwang oras ng trabaho rito sa Pilipinas kada linggo ayon sa Rippling ay 40 na oras. Bagaman, dipende pa rin ito sa uri ng trabahong maibibigay sa’yo.
4. Mga Responsibilidad ng Iyong Posisyon
Kung ikaw ay kasalukuyang nag-a-aplay, masipag na basahin ang deskripsyon ng trabahong iyong hinahanap.
Sa pamamagitan nito, magiging madali sa iyo kung ano ang mga inaasahan sa’yo ng tagapamahala o kompanya, at ang inaasahan mong gawain pagpasok sa kanila.
5. Sahod at Benepisyo
ng sahod na iyong matatamo ay nararapat na makatutulong sa’yo sa pang-araw-araw na pamumuhay, at pati na rin sa iyong iba pang plano sa hinaharap. Kung ikaw ay naghahanap na sa kasalukuyan, suriing mabuti ang iyong magiging badyet, at unawain ang lawak ng iyong gastusin kapag ikaw ay nag-umpisa na.
Bukod pa rito, tingnan din ang benepisyo ng kompanyang maipagkakaloob sa iyo, ngunit sa isang regular na trabaho, mayroong siyam na benepisyo ang ipinapagkaloob sa trabaho sa Pilipinas, ayon sa Attorneys of the Philippines:
- Social Security System (SSS)
- Pag-IBIG Fund
- PhilHealth
- 13th month pay
- Sick and Vacation Leav
- Paternity Leave
- Maternity Leave
- Benepisyo sa Pagreretiro
- Mga Benepisyo sa Espesyal na Panandaliang Bakasyon
▶ Basahin din: Mga Paraan para Matagpuan ang Tamang Karera
6. Pagkilala
Mahalaga para sa mga empleyado ang kilalanin sila sa kanilang mga nagiging kontribusyon dahil sa kanilang mahusay na paggawa.
Kung ikaw ay naghahanap ng pagkakakitaan, alamin kung paano hinihikayat ng isa kompanya o samahan ang kanilang mga manggagawa para higit na magkaroon ng motibasyon upang magtrabaho at magtagal sa kanilang kompanya.
7. Teknolohiya
Masasabing mas hitik na ang paggamit ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon, at karamihan sa mga tagapamahala ay nagbibigay ng pagsusulit sa kanilang mga aplikante sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter.
Kaya naman, kinakailangang ikaw ay maalam kung paano gumamit ng iba’t ibang gadyet kagaya ng selpon, tablet, laptop, at kompyuter. Nangangailangan din ng pagiging maalam sa iba’t ibang hardware, software, at iba pang operating system na gagamitin sa trabaho.
8. Kalikasan ng Iyong Trabaho
Bilang ikaw ay gugugol ng matagal na oras sa iyong pagtatrabaho, magandang ang iyong mapasukan ay payapa, at nababagay para sa’yo.
Kung ikaw ay naimbitahan para sa isang interbyu nang pisikal, pagmasdan ang kapaligiran pati na ang mga empleyado at tingnan kung sila ay masaya, o tahimik ang lugar, nakadamit nang maaoyos, at malinis.
9. Mga Kasamahan mo sa Trabaho
Ang mga magiging katrabaho mo sa hinaharap ay s’yang makakasama mo sa loob ng matagal na panahon. Kung sakaling ikaw ay walang kakilala sa loob ng kompanya, maaari kang magbasa ng mga rebyu na maaaring matagpuan sa kanilang mga website at iba pang social media accounts.
Kung ikaw naman ay may kamag-anak o kaibigan, maaari rin silang magbigay ng kapaki-pakinabang na detale ukol sa kalikasan ng trabaho.
10. Iba pang Oportunidad para sa Progreso ng iyong Karera
Ang pag-uumpisa ng trabaho ay isang magandang hakbang upang magbukas ang iba pang oportunidad.
Mayroong mga kompanya o industriyang nagbibigay sa kanilang mga empleyado ng libre at kalidad na pagsasanay, pagkakaroon ng team building, at nag-aalok ng pagkakataon na magtrabaho sa ibang departamento ng kompanya.
Kung ikaw ay nagsisimula o mag-uumpisa pa lamang sa trabaho, tandaang ang Epicareer ay makatutulong sa iyo upang mapagtagumpayan mo ito.
Sumuskribi sa website ng Epicareer, at ito na ang iyong magiging hakbang ng progreso.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article