Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide 10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod

4 min read

10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod

Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!

Lovely Ann

Updated Aug 12, 2024

10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod

Kung kasalukuyan kang naghahanap ng trabaho na may maayos na sweldo, maaari kang manaliksik pa. Hindi mo kailangan ng maraming taon serbisyo or mas mataas na digri to para makakamit ng hinahangad na posisyon.

Upang malaman kung ano ang mga in-demand na posisyon na pwede mong ma-apply-an, narito ang sampung trabaho ng Epicareer para sa’yo:

1. Software Engineer

Karaniwang Sahod: P40 000 - P50 000

Ang mga software engineer ay isa sa patok na trabaho sa Pilipinas ngayong taon. Karaniwang siya ay nagbabahagi ng mga teknikal na suporta at pangangailangan base sa nais ng kliyente.

Kinakailangang siya ay nagtapos ng Computer Science, IT, o iba pang kaugnay na kurso. Sa posisyong ito, priyoridad niya rin ang pagsasaayos ng mga ulat ng Development Plan, kasama na ang mga sabay-sabay na proyekto.

Maaaring siya ay pamilyar sa mga sumusunod:

  • Codeigniter
  • NodeJS
  • VueJS
  • Typescript
  • AWS
  • Google Cloud

2. Product Manager

Karaniwang Sahod: P40 000

Bilang isang product manager, trabaho mong mag-organisa at makipag-ugnayan para sa pananaliksik at pagbuo, pagsusulit, at pagtatasa ng mga kailangan para masigurado ang kalidad ng isang produkto. Ikaw ang nangongolekta, magbubuod, at mag-aanalisa ng mga linya, at kagamitan nito para sa kumpanya.

3. Marketing Specialist

Karaniwang Sahod: P25 000 - P35 000

Kung nais mong pasukin ang pagiging marketing specialist, ang ilan sa iyong mga responsibilidad ay ang pagtatasa ng mga mahahalagang metriko na maaaring makaapekto sa trapiko ng website, target na tao, at benta sa onlayn. Trabaho mo rin ang pagdidisenyo at pagsusulat ng mga elektronikong liham at anunsyo at ito at ipapaskil sa iba’t ibang plataporma.

4. Project Manager

Karaniwang Sahod: P60 000

Ang responsibilidad ng mga project manager ay nagpaplano at lumilikha ng ideya ng isang proyekto. Sila rin ang gumagawa at namumuno sa buong oragnisasyon, nagbabantay ng proyeto at nagtatakda ng timeline. Kung may suliranin, sila rin ang lumulutas at humahanap na potensyal na solusyon, at sila rin ang humahawak ng badyet.

5. Data Scientist

Karaniwang Sahod: P204, 000

Ang Data Scientist ay isang dalubhasang espesyalista na naglalapat ng mga kasanayan sa matematika, paglutas ng problema, at coding para pamahalaan ang malaking datos, na kumukuha ng mahahalagang ideya. Nagdidisenyo sila ng mga pinasadyang solusyon mula sa detalyeng ito, na tumutulong sa mga organisasyon sa pagkamit ng kanilang mga natatanging layunin.

6. Information security analyst

Karaniwang Sahod: P43 876

Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho bilang isang information security analyst, ang primarya nilang tungkulin ay subaybayan ang mga network ng kanilang organisasyon para sa mga paglabag sa seguridad at mag-imbestiga kapag may nangyari. Nagsasagawa rin sila ng pagsusuri sa panloob at panlabas na mga sistema upang matukoy at mabawasan ang mga natukoy na kahinaan.

7. Attorney/Lawyer

Karaniwang Sahod: P47 808

Isa sa mga pangunahing trabaho ng mga abogado ay nakipagnegosasyon sa mga transaksyon at kasunduan na namamahala sa paglilisensya, pagpapaupa, pakikipagsosyo, at mga madiskarteng alyansa sa mga entidad at organisasyon ng negosyo sa labas.

Sila ay nararapat na may karampatang kaalaman sa batas ng kontrata, batas sa intelektwal na ari-arian, batas sa real estate, batas sa trabaho, at marami pang iba.

8. Accountant/Auditors

Karaniwang Sahod: P25, 000

Ang mga accountant ay karaniwang may espesyalisasyon sa mga sumusunod:

  • Internal audit
  • Corporate finance
  • Forensic accounting
  • Taxation
  • Management accounting

Ilan sa tipikal nilang tungkulin ay paghahanda ng mga account at pagbabalik ng buwis, pag-audit ng impormasyon sa pananalapi, pag-iipon at paglalahad ng mga ulat, badyet, plano sa negosyo, komentaryo at mga pahayag sa pananalapi, pagsusuri ng mga plano sa negosyo, at pagbibigay ng mga serbisyo sa pagpaplano ng buwis batay sa kasalukuyang batas.

9. Software developers

Karaniwang Sahod: P33 000 - P43 000

Sa pagiging software developer, sila ay tipikal na nagdidisenyo, gumagawa ng code, at nag-aayos ng iba’t ibang aplikasyon sa iba’t iba ring software language.

Sila ay bihasa sa pagtukoy ng kahulugan ng problema, mga kinakailangan, at pagbuo ng solusyon. Kinakailangang sila ay may abilidad na makagawa ng software sa pamamagitan ng C, C++, C#, Java, at iba pang lenggawahe.

10. Financial managers

Karaniwang Sahod: P47, 885

Ang deskripsyon sa pagiging financial manager ay base sa iba’t ibang tungkulin kagaya ng pagpaplano ng badyet, pagpapayo tungkol sa pinansyal na kondisyon, at pagsusuri nito. Para makamit itong trabaho, nararapat na siya ay nakapagtapos ng Accountancy, Economic, o Finance.


Gusto mo na bang pasukin ang isa sa mga trabaho na ito? Gawin mo na ang iyong resume at ipasa ito sa Epicareer para sa mas magandang oportunidad ng progreso ng karera at pagtaas ng sahod.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles