Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Mga Dapat Malaman sa mga Nalilipat na Kasanayan

6 min read

Mga Dapat Malaman sa mga Nalilipat na Kasanayan

Nais mo bang mas maging produktibo at epektibo sa trabaho? Alamin ang mga nalilipat na kasanayan na pwede mong gamitin kahit saan. Simulan na ang iyong pag-unlad!

Lovely Ann

Updated Aug 5, 2024

Mga Dapat Malaman sa mga Nalilipat na Kasanayan

Magkakaiba ang galing at kailidad ng bawat indibidwal sa trabaho. Ito ay maaaring likas o nahasa sa loob ng matagal na panahon.

Maraming uri ng nalilipat na kasanayan, at ilan dito ay iyong malakas na kasanayan.

Kahulugan ng Kasanayang Nalilipat (Transferable Skills)

Ang kasanayang nalilipat ay tumutukoy sa abilidad at talento na pwedeng magamit sa iba’t ibang karera at trabaho. Maaari itong makuha simula pagkabata, noong nagsimula ka mag-aral, pumasok sa internship, at magtrabaho.

Importanteng malaman ang mga ito nang sa gayon ay matimbang mo rin ang iyong sarili sa kung ano ang maaari mong sanayin sa loob ng matagal pang panahon.

Kahalagahang ng mga Kasanayang Nalilipat

Bakit mahalagang mayakap mo ang iyong sariling kakayahan? Inilalahad ng Epicareer ang importanteng dapat itimo sa sarili para sa kasanayang nalilipat:

Pinahusay na kahusayan at pagiging produktibo

Ang katotohana’y hindi napuputol ang iyong kapasidad upang hasain mo ang iyong nalilipat na kasanayan. Ito ay mahalaga dahil mas nagiging pursigido at produktibo ka sa mga gawaing nakaatang sa’yo sa trabaho.

Pinalakas na koneksyon at relasyon sa mga katrabaho

Kung ikaw ay bihasa sa mga kasanayang nalilipat, pinapalakas nito ang relasyon mo hindi lamang sa iyong mga katrabaho, kundi pati na rin sa buong operasyon ng inyong opisina. Maaari mo silang matulungan o maturuan sa mga pagkakataong sila’y nangangailangan, at ganoon din sila sa iyo.

Higit na dinamikong at kapaki-pakinabang na kakahayahan

Kung kilala mo ang iyong sarili at alam mo ang mga kasanayang nalilipat, higit kang nagkakaroon ng dinamikong at maayos na usad sa iyong pagtatrabaho. Ito ay nakakapagtulak sa’yong magpatuloy, at palakasin ang mga kasanayang mayroon ka.

Mas mabilis na pakikibagay

Kung ikaw ay may sapat na kasanayan, hindi ka lamang makakabuo ng koneksyon sa inyong negosyo, mas higit kang magiging bukas upang makibagay hindi lamang sa loob, kundi pati na rin sa labas ng iyong trabaho.

Pagbukas ng mas marami pang oportunidad

Para sa mga nalilipat na kasanayan, dito rin umuusbong ang iba pang oportunidad na naghihintay sa iyo. Maaaring ikaw ay kinakitaan nila ng kakaibang potensyal, at maaari kang maging kasangkapan para sa mas progresibo, at makakamit ng magang resulta.

Ilang Halimbawa ng Nalilipat na Kasanayan

Nais mong malaman ang ilan sa mga nalilipat na kasanayan? Basahin ang mga halimbawa sa ibaba:

Pagiging maaasahan

Mabilis makabuo ng koneksyon ang isang empleyadong tunay na maaasahan. Bukod sa siya’y madaling lapitan sa tuwing may tanong o pangangailangan, hindi rin niya sinasara ang sarili sa pakikipagkomunikasyon.

Pamumuno at pamamahala ng pangkat

Ang kasanayang mamuno ay kinapapalooban ng kapasidad mong mangasiwa ng isang ispesipikong proyekto at mahila ang grupo na sumunod, and matapos ang isang gawain. Ito ay posible kung ang isang lider ay magaling magresolba ng problema, makisama, at makipag-ugnayan.

Pagtugon sa suliranin

Kung ikaw ay mahusay tumugon sa suliranin, siguradong alam mo rin kung paano tumukoy kung ano ba ang tunay na sanhi. Pinahahalagahan ito ng mga lider kapag natukoy ng isang empleyado ang mga pagkukulang sa isang proseso o pamamaraan. Gayunpaman, lalo silang nagpapasalamat kapag nag-aalok din ang mga kawani ng mga solusyon sa mga isyung iyon.

Pagsusuri sa datos

Isa pang kasanayang nalilipat ay ang mahusay na pagsusuri ng datos. Alam niya kung ano ang mga basihan na may sapat na impormasyon, at hindi lamang basta-basta gumagawa ng buod, report, o anumang sintesis.

Mabisang pakikipagkomunikasyon

Ang pakikipagkomunikasyon ay para sa lahat, subalit ito ay nagkakaiba-iba sa paraan ng bawat empleyado o trabaho, at kung paano nila ihatid ang kanilang mensahe sa iba pang tao. Ito ay isa sa primaryang dapat hasain nang sa gayon ay hindi ito maging sanhi ng di pagkakaunawaan.

Pamamahala ng sariling oras

Bilang manggagawa, nararapat na mahal mo rin ang iyong oras. Ang tamang pamamahala ay magdudulot sa iyon upang higit na maging produktibo, at magkaroon ka ng kalayaan na magawa ang iyong mga panlabas na interes.

Kakayahang umangkop

Isa pa sa mga kasanayang nalilipat ay ang kakayahang makiangkop o makibagay sa loob ng kumpanya. Kahit ano man ang personalidad o ugali na kanilang pinapakita, kailangan mong timbangin, at palawakin ang iyong pang-unawa, na ang bawat tao ay magkakaiba, pati na ang kanilang pinanggalingan.

Teknolohikal na karunungan bumasa at sumulat

Sa panahon ngayon, higit nang nakalalamang ang mga empleyadong marunong gumamit ng teknolohiya. Mula sa kasanayang ito, sinisiguro rin nito ang iyong kagalingang sumulat, magbasa, at mag-analisa ng mga datos at detalye na kailangan para sa trabaho.

Pagiging organisado

Kung ikaw ay organisado sa iyong sarili, maaari mo itong madala sa iyong pagtatrabaho. Ito ay kagamitan upang mas maging sistematiko at maiwasan ang iyong kalituhan habang gumagawa ng mga gawaing nakaatang sa iyo.

Pagtutulungan ng magkakasama

Ang mga relasyon ay madalas na pangunahing bloke ng pagbuo ng anumang kumpanya. Kung hindi maayos ang relasyon, mahihirapan din ang bawat isa na magtulungan upang magawa ang kanilang mga tunguhin.

Kritikal na pag-iisip

Ang kritikal na pag-iisip ay ang pagsusuri at interpretasyon ng impormasyon upang makagawa ng paghatol, magkaroon ng konklusyon, o pumili ng isang paraan ng pagkilos. Ito ay pagtingin sa mga inihaing ebidensya, at mataya kung ang impormasyon ay may katotohanan o hindi, bago gamitin sa pagpapasya.

Pagkamalikhain

Ang pagiging malikhain ay maaaring maging likas na katangian, subalit ito ay isa ring mahalagang kasanayang nalilipat dahil tinutulungan ka nitong harapin ang trabaho mo nang maayos,. Ito ay ginagamit upang matulungan ang organisasyon na makita ang mga bagay-bagay nang wala sa kahon, and masolusyonan ang sitwasyon sa kakaibang paraan.

Pamamahala ng proyekto

Ang pamamahala ng proyekto ay higit sa pagbibigay ng kontribusyon sa kumpanya. Sinisigurado rin nito na matutulungan ang mga empleyado na matapos ang gawain nang matiwasay, at magabayan sila upang malampasan ang mga balakid na maaari nilang kaharapin.

Paano Ipakita ang mga Kasanayang Nalilipat sa Trabaho?

Pwede kang mag-apply ng trabaho kahit ikaw ay hindi lubos na dalubhasa sa isang trabaho, o plano mong magbago ng karera.

Sa ganitong kondisyon, maaaring tumingin ang mga recruiter o hiring manager sa iyong nalilipat na kasanayan upang makita ang iyong potensyal. Narito ang ilang paraan na maaari mong i-highlight ang iyong mga naililipat na kasanayan sa panahon ng proseso ng pagkuha:

Sa paggawa ng resume, maaari kang gumawa ng listahan ng iyong mga matitigas at malalambot na kasanayan. Piliin ang mga nalilipat na kakayahan na kailangan o makatutulong para sa posisyong nais mo. Bukod dito, pwede mo ring basahin o rebyuhin ang deskripsyon ng trabaho na iyong nais pasukin.

Paggawa ng Cover Letter o aplikasyong liham

Pagdating naman sa pagsusulat ng liham para sa aplikasyon, mahalagang maglagay ng dalawa o higit pang kasanayang nalilipat. Maaari kang magbigay ng partikular na halimbawa na iyong natutunan o naipakita mula sa iyong nakaraang trabaho.

Halimbawa: “Bilang tutor, sinisigurado kong magawa ang lahat ng takdang-aralin ng aking estudyante, makapagrebyu para sa susunod na ulit-aral, at maghanda kung sila man ay magkaroon ng pagsusulit.

Paglalahad sa kalagitnaan ng isang Interbyu

Sa isang interbyu, madalas tanungin kung ano ang iyong kalakasan o kahinaan.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga tanong sa pag-uugali na magbigay ng isang partikular na halimbawa ng paggamit ng iyong mga kasanayan sa lugar ng trabaho, kaya siguraduhing gamitin ang paraan ng STAR upang ipaliwanag ang sitwasyon, ang gawain na mayroon ka, ang mga aksyon na ginawa mo, at ang mga resulta ng iyong pagsusumikap.

Halimbawa: “Noong ako ay stage manager, lahat ng papel, kopya, at impormasyon ng departamento ay organisado kong inayos. Sinigurado kong nagagabayan nang maayos ang aking mga aktor, at kung may makaligtaan man, ay matulungan silang mabalikan ito.


Mahalagang matutukan mo ang iyong sariling kasanayan upang matulungan ka nitong palaguin ang iyong karera. At dito, maaari kang mag-umpisa sa Epicareer!

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles