5 min read
Mga Paraan para Matagpuan ang Tamang Karera
Mahalaga ang tamang pagpili ng karera para sa kasiyahan at tagumpay. Alamin ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng karera, kabilang ang personal na interes, sosyal na pressure, pinansyal na hadlang, at gabay ng iba.
Updated May 22, 2024
Sa murang edad, madalas mong tanong sa iyong sarili kung ano nga ba ang pangarap na gusto mong abutin sa tamang panahon.
Kapag tinanong ka ng ibang tao, partikular na ang iyong mga magulang, nariyan din ang samu’t saring suhestyon o komento na maririnig mo sa kadahilanang ang bagay na iyon “daw” ang makakapagpaganda ng buhay o makakaahon sa hirap.
Marahil ay may iba sa inyong nagpasyang kumuha ng programa o kursong nakaugnay sa nais ng iyong ama o ina, dahil maaaring hindi nila ito nakamit noong sila’y bata pa.
Sa ibang banda, maaaring nariyan din ang kaba na ikaw ay hindi sadyang naikukumpara sa iba, sanhi upang magkaroon ng presyur sa sarili na ito ang landas na tunguhin.
Bukod dito, marami pang ibang dahilan bakit ang isang tao ay nahihirapang hanapin ang kanyang nais na karera.
Mga Rason at Problema sa Pagpili ng Tamang Karera
Ang tamang pagpili ng karera na nais mong tahakin ay importanteng hakbang pagkatapos ng iyong edukasyon.
Ito ay desisyon na kailangan mong isaalang-alang, ngunit minsan, hindi naiiwasan ang mga problema na nagiging sanhi upang hindi masunod ang iyong nais.
Walang Sapat na Pera
Ang kakulangan sa pera ang isa sa pinakapangunahing sanhi kung bakit mas pinipili ng mga tao ang maghanap ng praktikal na trabaho.
Sa pagtapos ng kanilang pag-aaral, nauuwi ang karamihan sa trabahong hindi nakalinya sa kanilang kinuhang kurso, dulot na kailangang makaipon o walang sapat na pera para piliin ang sariling karera.
Kulang sa Paggabay
Ang gabay ay hindi lamang nagmumula sa bahay o sa eskwelahan, ito rin ay nanggagaling sa mga tao o grupong nakakasalamuha o pinapakisamahan.
Sa pagtahak mo ng iyong landas, mahirap ang magiging proseso mo kung matatakot kang humingi ng payo mula sa mga indibidwal na mayroon nang karanasan.
Pagsunod sa Gusto ng Ibang Tao
Kadalasan, ang tanging pagsunod sa gusto ng ibang tao ang nagiging pinakamalaking problema upang itigil ang nasimulang karera.
Marahil sa takot na sasabihin nila, hindi natin naikokonsidera ang ating sariling desisyon.
Pagkatakot na Bumagsak
Isa sa pinakamahirap na maaaring kaharapin ng isang indibidwal ay ang pagtamo ng pagbagsak. Hindi ang karamihan na mabigo sa unang pagkakataon na sumubok, kaya naman, iniiwasan din nila ang sumubok ng mga panibagong bagay na makatutulong sa kanilang karera.
Hindi maiiwasan ang pagkabigo, subalit, mayroon din namang mga pamamaraan upang matamo ang ninanais mong tagumpay sa iyong karera.
Pamamaraan sa Pagpili ng Tamang Karera
Mahalagang mayroong balangkas o bisyon ang isang nilalang upang mahanap ang karerang kanyang inaasam.
Narito ang ilang hakbang na maaari mong ikonsidera upang matagpuan mo ang iyong tatahaking landas:
1. Kilalaning higit ang sarili
Ang karerang iyong tatahakin ang magiging hagdan ng iyong pangmatagalang estado sa buhay. Ito ang magdidikta ng iyong kaligayahan at pagiging kuntento.
Bago iyan, higit na kailangan mong kilalanin ang iyong sarili. Maari mong isipin ang mga sumusunod na ideya:
- Ano ba talaga ang iyong nais paglaki o pagtanda?
- Mayroon ka bang malakas at malambot na kakayahan?
- Alin sa iyong mga abilidad ang madalas punahin ng mga taong nasa iyong paligid?
- Nasubukan mo na bang suriin ang iyong sarili?
2. Magsaliksik ng mga karerang maaari mong subukan o pasukin
Sa paghahanap ng karera, tinuturuan ka rin nitong galugarin ang iba pang oportunidad na naghihintay sa iyo. Kaya’t mahalagang kilala mo ang iyong sarili, upang masiyasat mo rin ang iyong potensyal at matuklasan ang iyong kalakasan at kahinaan.
Sa pamamagitan nito, mailalapat mo sa iyong listahan ang mga karerang maaari mong subukin o pasukin matapos ang mahabang proseso ng pagpaplano at pagpapasya.
3. Isaalang-alang ang mga personal na kondisyon
Habang gumagawa ka ng iyong pangalan o reputasyon, nararapat na isaalang-alang mo rin ang mga sirkumstansyang nakapaligid sa iyo. Maaari mong ikonsidera ang tunay mong hilig, mga abilidad, libangang madalas mong ginagawa, at buhay na iyong nakagisnan.
Bukod pa rito, kailangan mo ring isaalang-alang ang benepisyong matatamo mo sa karerang iyong papasukin. Kailangan mong tingnan kung ito ba ay makatutulong sa iyo para magtamo pa ng mas maraming oportunidad sa hinaharap.
4. Bumuo ng plano para sa iyong karera
Sa pagbuo ng pundasyon para sa iyong karera, hindi ito isang pitik lamang na makukuha; kailangan mo itong pagplanuhan. Bagaman, hindi pare-pareho ang landas o progreso ng bawat isa, maaari mong alamin ang susunod mong hakbang bago ang panibagong tunguhin
Maaari kang magdesisyon base sa iyong personal na kondisyon. Kung nakapagtapos ka na ng edukasyon, nakakakuha ng nasyonal na pagsusulit, nakakamit ng sertipiko sa isang programa, pwede mo nang ikonsidera ang susunod na hagdan ng iyong karera:
- Magsaliksik na mga potensyal na trabaho
- Kumpletuhin ang mahahalagang dokumento na maaaring hanapin para sa iyong kwalipikasyon sa trabaho kagaya ng resume o curriculum vitae, diploma, sertipiko ng pagtatapos, talaan ng grado, at marami pang iba
- Ihanda ang iyong sarili sa pagsagot ng pagsusulit at pakikipanayam ng kompanya
- Isaalang-alang din ang saklaw ng sahod at benepisyo
- Bumuo ng talaarawan.
5. Pagpasyahan ang karerang makapagdudulot sa’yo ng kasiyahan
Sa ating karera, importanteng saklaw rin nito ang ating kaligayahan.
Mahalagang hindi tayo nakalilimot sa ating sarili at kung ano ang mabuti sa ating kalusugang pangkaisipan. Kailangan din nating makita kung ang karera na ito ay nararapat para sa atin o hindi.
6. Maging handa sa mga hamong kakaharapin
Hindi palaging panalo sa pagkamit ng iyong tunguhin sa buhay. Sa paghahanap ng iyong karera, asahan mong may mga balakid ding naghihintay kagaya ng kakulangan sa pinansyal o badyet, problema sa pamilya o sarili, nakalalason na kapaligirang nakakaapekto sa iyong kalusugang pangkaisipan, emosyonal, at pisikal, at pagtatalo ng iyong desisyon.
Sa mga ganitong uri ng hakbang o pamamaraan, maaari mong makamit ang ninanais mong landas para sa iyong sarili. Ang bawat karera ay hindi isang guhit lamang, ito ay pinaghahandaan.
At para sa mas marami pang plano na maaari mong gawain, magsuskribi lamang sa Epicareer, upang makatanggap ng marami pang notipikasyon sa paghahanap ng iyong karera.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article