5 min read
8 na mga Tip para sa Mas Epektibong Proseso ng Paghahanap ng Trabaho
Hindi alam kung paano magsimula sa paghahanap ng trabaho? Alamin ang 9 na epektibong tip mula sa Epicareer upang mapadali at maging matagumpay ang iyong job application. Maging handa at organisado sa bawat hakbang!
Updated May 29, 2024
Isa ka rin ba sa naguguluhan o nalilito kung paano mag-umpisa sa paghahanap ng trabaho?
Marami sa mga aplikante, estudyante man na malapit nang magtapos ng edukasyon, o kasalukuyang empleyado ng kompanya na balak lumipat o magpalit ng karera, o mga taong ngayon pa lamang nagdesisyon na magtrabaho ay hindi alam kung ano ba ang mga hakbang para magkatrabaho at kumita ng sweldo.
Marami sa atin ay pinapairal na ang pagiging praktikal, at biglang isang araw ay maiisip na gusto na nilang magtrabaho para mabili ang mga gusto, o makatulong sa pamilya.
Kung gayon, narito ang siyam na mga tip mula sa Epicareer para magkaroon ng epektibong paraan upang makahanap ng trabaho.
▶ Basahin din: Sa Trabaho, Alin ang Nararapat na Piliin? Pera o Hilig?
1. Kilalanin ang iyong sarili
Isa sa pinakamahalagng bagay na dapat tandaan mo bilang isang aplikante at tao ay kilalanin ang iyong sarili, nang sa gayon, hindi ka mahirapan maghanap ng trabaho.
Kung alam mo ang iyong mga tunay na hilig, gusto, libangan, pati na iyong kalakasan at kahinaan, ito ay makakapagtulak sa’yong alamin din ang nais mong gawin para sa iyong trabaho.
Sa pamamagitan nito, hindi ka mahihirapan makiangkop sa kompanya o industriyang iyong papasukan.
2. Magtakda ng malinaw na Tunguhin para sa aplikasyon
Kapag sinabing malinaw na tunguhin, ito ay tumutukoy sa iyong target sa dulo ng iyong proseso ng paghahanap ng trabaho.
Maaari kang gumawa ng sarili mong Talaarawan upang doon ilathala lahat ng plano mo sa pag-a-apply.
Kung ikaw ay mayroong tunguhin, masisiyasat mo rito kung anong klase ng kompanya ang nais mo, uri ng trabaho na gusto mo, saklaw ng sweldo, kung ito ba ay may benepisyo o wala, malayo ba sa iyong tirahan o hindi, o sapat ba upang ikaw ay makaipon o mabigay ang iyong mga pangangailangan sa araw-araw.
3. Gumawa ng listahan para sa bawat aplikasyon
Ang pagiging organisado ay isang malambot na kakayahan na makatutulong sa’yo upang higit na maging epektibo ang proseso ng paghahanap ng iyong trabaho.
Maaari kang maglaan ng ilang oras upang lumikha ng sistema na gagana upang isaayos ang bawat aplikasyon.
Isang tip na pwede mong umpisahan ay gumawa ng spreadsheet kung saan nakapaloob doon ang mga link o website na iyong pinag-apply-an.
4. Huwag mag-alinlangang ayusin ang mga sariling asset
May mga matitigas at malalambot tayong kakayahan na maaaring ipamalas sa pagtatrabaho.
Mayroon mga kompanyang nagtatanong sa kanilang mga aplikante kung paano siya magiging asset ng kanilang organisasyon, at mula rito, maaari mong ilahad ang mga kakaibang mong abilidad kagaya ng iyong galing sa pakikipagkomunikasyon, pagiging organisado, matalinong paggamit ng teknolohiya at iba pang AI tools sa trabaho.
Dagdag pa rito, maaari mong ipahayag ang pagkakaroon ng matibay na motibasyon, may mabuting pagpapasya, at tagalutas ng problema.
5. Maghanap sa mga online website at gumamit ng social media
Aminin man natin o hindi, ang unang hakbang na ginagawa natin para makahanap ng trabaho ay magsaliksik sa mga bukas na plataporma, lalo na ng Google o kaya ay sumasali tayo sa mga group sa Facebook para ibenta ang ating resume at portpolyo, o kaya ay naghihintay ng paskil mula sa mga hiring manager at recruitment specialist dito para sumagot ng “I’m interested,” o “How to apply?” Kung minsan ay nagtatanong tayo sa ating mga kakilala at tinatanong sila kung may alam ba silang nag-aalok ng trabaho.
Maaaring epektibo naman ang mga ganitong pamamaraan, subalit, higit na maganda pa ring subukan na bumisita sa mga partikular na website kagaya ng Epicareer, LinkedIn, Indeed, OnlineJobs.ph, atpb. para humanap ng nais na trabaho.
Bukod pa rito, ang mga Pinoy bilang mahilig mag-scroll o gumamit ng social media, pwede nilang gamitin ito para gumawa ng propesyonal na account at isaayos ang sariling profile para mapansin ng mga kompanya.
6. Ayusin at i-update ang resume at ibang materyales para sa apllikasyon
Marami nang paraan ngayon para makagawa ng resume; maaari mong gamitin ang Enhance Resume mula sa Epicareer upang higit na mapabilis ang iyong paglikha nang walang binabayaran.
Sa ganitong hakbang, wala kang kahirap-hirap na makakabuo ng iyong resume dahil ito ay ginagamitan ng ATS model, makakabuo ng mga grupo ng salita, makakapag-ayos ng gramatika, naisasalin ang mga salita, at napapasimple.
Maliban sa pagpapaganda ng nilalaman ng iyong resume, kailangan mo ring pagsamahin at ayusin ang iba pang materyales ng iyong aplikasyon.
Nakabilang na rito ang iyong liham, portpolyo kung mayroon, grado, sertipiko ng pagtatapos o diploma, sertipiko ng trabaho, at ulat ng pagtatasa ng paggawa o performance evaluation report.
7. Gumawa ng sariling networking
Ang paggawa ng sariling network o koneksyon ay pagkakataon upang makipag-ugnayan sa mga indibidwal na may kaparehong kasanayan, layunin, interes.
Ito ay mahalaga dahil maaari kang masuportahan, mabigyan ng payo, at iba pang impormasyon sa iba’t ibang kalakaran ng industriya.
8. Ipasa sa Epicareer ang resume
Sundin lamang ang mga sumusunod na tip, at mas matulin kang makatatanggap ng mga notipikasyon sa iba’t ibang kompanyang iyong binisita. Huwag na huwag kakalimutang isumite ang iyong resume sa Epicareer para makuha ang tinatamasang posisyon sa trabaho.
Sa paghahanap ng trabaho, mahalagang maging matalino at organisado upang mas mapadali ang iyong proseso.
Ang mga tip na ito mula sa Epicareer ay makatutulong sa iyo na maging mas epektibong aplikante. Huwag kalimutang sundan ang mga ito at palaging paghandaan ang bawat hakbang.
Para sa mas marami pang tips at gabay sa paghahanap ng trabaho, bisitahin ang Career Guide by Epicareer Philippines. Mag-subscribe na para sa mga pinakabagong updates at payo na makakatulong sa iyong karera.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article