3 min read
Pagsusulat ng Digital Marketing Resume
Gusto mo bang maging digital marketing specialist? Alamin ang resume na magpapakita ng iyong kahusayan sa pagpaplano at pagpapatakbo ng mga kampanya at anunsyo.
Updated May 3, 2024
Sabik ka bang sumulat ng resume para sa digital marketing? Ang pagpasok sa posisyon bilang isang digital marketing specialist ay isang matalino at malikhaing nangangailangan ng estratehiya at maayos na pangangasiwa para sa mga lalamanin ng kampanya at anunsyo.
Kung ikaw ay interesado upang pasukin ang trabahong ito, mainam na alamin mo ang deskripsyon at mga uri na kinakailangan ng isang organisasyon o kompanya upang ikaw ay kanilan tanggapin.
▶ Kaugnay na Artikulo: Pagsusulat ng Digital Marketing Resume
Paano magsulat ng isang digital marketing resume
Narito ang Epicareer upang tulungan kang gumawa ng resume na maipakikita ang iyong mga kwalipikasyon:
1. Ipakilala mo ang iyong sarili
Makikita sa pagpapakilala sa sarili kung ano ang iyong pinagmulan o pinanggalingan. Matatanaw rin nila dito ang iyong pangalan, numero, pormal na email address, lokasyon, at website kung mayroon.
2. Magdagdag ng propesyonal na kasaysayan ng trabaho
Sa paglilista ng propesyonal na kasaysayan ng trabaho, ipakita o ilista lahat ng iyong napagtagumpayang, at magdagdag ng keyword o salita na nabanggit sa deskripsyon na kinakailangan sa trabaho.
Gumamit ng reverse-chronological na pagkakasunud-sunod upang ilista at ilarawan ang dalawa o tatlo sa iyong mga pinaka-kaugnay na propesyonal na tungkulin, simula sa iyong kasalukuyan o pinakahuling posisyon.
3. Magdagdag ng propesyonal na edukasyon
Idetalye ang iyong propesyonal na edukasyon sa isang seksyon na maglalarawan sa iyong mga pormal na pagsasanay na iyong natanggap kagaya ng Batsilyer sa Digital Marketing o Graphic Design. Ang kakaiba mong edukasyon ay makakapukaw sa kanila ng atensyon upang basahin ang buo mong resume. Huwag ding kalimutang ilagay ang pangalan ng iyong digire, paaralang iyong pinanggalingan, at taon kung kailan ka nagtapos.
4. Ipasok ang mga kaugnay na kasanayan
Magkaroon ka ng listahan para sa iyong mga kasanayan na naka-estilong bullet. Ikonsidera ang paglalagay ng tatlo hanggang apat na abilidad na may kaugnayan sa posisyon.
5. Magdagdag ng sertipikasyon
Ibahagi kung paano makakuha ng sertipikasyon at isang listahan ng mga digital marketing certification. At bilang digital marketing specialist, maaari kang makatamo ng mga sertipikasyon na may partikular na kasanayang itinuturo, programa o proseso.
6. Magrebisa
Bago ito ipasa o itago, kailangan mong balikan ang iyong mga ginawa upang ayusin ang nilalaman. Dito mo malalaman kung ikaw ay may nakaligtaang ilagay o kung may kaugnayan ba ang mga nilalaman para sa posisyon ng digital marketing specialist.
7. Ayusin ayon sa iba't ibang listahan ng trabaho
Marahil ay sabik ka magtrabaho, ngunit kailangan mong maging sistematiko at organisado sa pagsusumite ng iyong resume. Gumawa ayon sa hinahanap ng kumpanya, basahing ang deskripsyon ng trabaho, at masinsinan itong ayusin.
Pormat ng Isang Digital Marketing Resume
Para sa pormat na maaari mong pagbatayan, tingnan ang mga sumusunod:
[Buong Pangalan]
[Numero]
[Email Address]
[Tirahan]
[Buod ng Profile]
[Propesyonal na Karanasan]
[Kasanayan]
[Sertipikasyon]
[Edukasyon]
Halimbawa ng Isang Digital Marketing Resume
Ito ang mga halimbawa ng digital marketing resume:
Halimbawa 3:
Handa nang lumikha ng iyong sariling digital marketing resume?
Hindi na kailangang mag-alala. Maaari kang bumuo ng iyong sariling resume gamit ang Enhance Resume ng Epicareer. Tutulungan ka ng aming GPT na bumuo ng mga text para ilarawan ang karanasan sa trabaho, edukasyon, at tungkol sa iyo.
Subukan nang LIBRE ngayon! At, hanapin ang iyong mga trabaho sa digital marketing ngayon!
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho
Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho
Alamin kung paano mag-email sa recruiter para sa trabaho! Simple at praktikal na tips para mas mapansin ang application mo at magawa ang tamang first impression.
Posted Aug 13, 2024
4 min read
Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan
Bagong graduate at walang experience? Walang problema! Basahin ang mga simpleng tips na ito kung paano gumawa ng resume na magugustuhan ng recruiters. Bigyang-diin ang edukasyon at mga soft skills, at siguraduhing ATS-friendly ang format mo. Handa ka na bang sumabak sa trabaho? Alamin dito!
Posted Aug 13, 2024
7 min read
Paano Gumawa ng Email Cover Letter
Alamin kung paano gumawa ng email cover letter na standout at maganda ang dating sa mga hiring managers. Simple at diretsong mga tips para makuha ang trabaho mo!
Posted Aug 12, 2024
Share this article