Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan

4 min read

Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan

Bagong graduate at walang experience? Walang problema! Basahin ang mga simpleng tips na ito kung paano gumawa ng resume na magugustuhan ng recruiters. Bigyang-diin ang edukasyon at mga soft skills, at siguraduhing ATS-friendly ang format mo. Handa ka na bang sumabak sa trabaho? Alamin dito!

Lovely Ann

Updated Aug 13, 2024

Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan

Ang pagkuha ng trabaho pagkatapos ng pagtatapos sa kolehiyo ay maaaring maging isang hamon, lalo na kung wala ka pang gaanong karanasan sa larangan ng trabaho.

Maraming mga bagong graduate ang nahihirapan sa paggawa ng kanilang resume dahil sa kakulangan ng karanasan, at kadalasan, hindi nila alam kung ano ang ilalagay upang mapansin ng mga recruiter. Ngunit huwag kang mag-alala! Hindi naman kailangan magkaroon kaagad ng maraming karanasan para makagawa ng isang epektibong resume.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga mahahalagang aspeto ng paggawa ng resume para sa mga estudyanteng katatapos lamang mag-aral, kahit na wala pang gaanong karanasan.

Mula sa pagtuon sa iyong edukasyon at mga kaugnay na aktibidad, hanggang sa tamang pagbibigay-diin sa iyong mga kasanayan—ibibigay namin ang mga tips at hakbang na kailangan mong malaman.

Suriin ang paglalarawan ng trabaho

Sa paghahanap ng trabaho, ituon lamang ang paglalapat ng deskripsyon na payak at makatotohanan. Huwag maglagay ng kakayahan o kasanayan na hindi mo pa naman nasusubukan o nararanasan.

Halimbawa, kung nais mong mag-apply sa kompanya dahil maganda ang pasahod ngunit malayo sa iyong tunay na trabaho, mabuti pang sumuri ulit ng ibang posisyon.

Bigyang-diin ang iyong edukasyon

Ang edukasyon ang isa sa tinitingnang primaryang batayan ng mga kompanya para ang tao ay matanggap sa trabaho. Tumataas ang kanilang impresyon o pagkahanga sa aplikante lalo na kung siya ay may karangalan, may natatanging proyekto, at nakilahok sa mga seminar o proyekto.

Kung unang beses kang mag-a-apply, halimbawa, ilagay mo sa unang seksyon ng iyong resume ang iyong hanay ng edukasyon upang mabilis nila itong makita o marebyu.

  • Mga kaugnayang kursong nakamit
  • Kabuuang grado
  • Mga ugnay at mahahalagang proyekto
  • Sertipikasyon at kurso sa onlayn

Kaugnay na karanasan

Bilang ika’y aktibong estudyante noong ikaw ay nag-aaral pa, huwag kakalimutang ilagay ang mga kaugnay na karanasang maaari maging kapaki-pakinabang sa nininais mong trabaho o posisyon (boluntaryo, part-time, internship, mga ekstrakurikular na aktibidad, gawin ito sa mga bullet point at gumamit ng mga salitang aksyon, ipasok din ang mga naililipat na kasanayan).

Halimbawa na rito ang pagbanggit o paglilista ng mga boluntaryong gawain, mga part-time na trabaho, ekstrakurikular na aktibidad.

Gawin ito sa estilong bullet at maglahad ng buod ng mga aksyong iyong napagtagumpayan. Huwag din kakalimutang magsama ng mga kasanayan.

I-highlight ang iyong matigas at malambot na kasanayan

Kung kilala mong higit ang iyong sarili, pwede mong ilagay ang mga matigas o malambot na kasanayan na makatutulong sa iyo upang mas mapansin ng mga recruiter ang iyong inihandang resume.

Bukod dito, maging ispesipiko lamang sa paglalagay ng mga kasanayang na tunay na makapaglalarawan sa iyo. Ang matigas na kasanayan ay tumutukoy sa mga teknikal na kaalaman o pagsasanay na literal na magagamit sa trabaho.

Sa ibang banda, ang malambot na kasanayan ay ang mga personal na katangiang pwedeng magamit at mahasa habang ikaw ay nagtatrabaho. Halimbawa rito ang mga sumusunod:

Matigas na Kasanayan

  • UX Design
  • Adobe Software Suite
  • Programming Languages (PHP, Swift, Java)
  • SEO/SEM Marketing

Malambot na Kasanayan

  • Epektibong Pakikipagkomunikasyon
  • Pakikibagay
  • Bukas na Isipan
  • Pagkamalikhain

Huwag kalimutang magwasto at magrebisa kung kinakailangan

Mahahalata ng recruiter o manedyer ang iyong resume kung ito ay iyong pinaghandaan o hindi. Dahil sa dami ng mga kompanyang may bukas na posisyon, ang isa sa ating mga pagkakamali ay pasa lamang tayo nang pasa ng ating mga resume nang hindi ito nirerebyu o binabasang muli para tingnan kung mayroong kailangang baguhin.

Habang naghahanda tayo ng resume, isa-isahin muli natin ang mga seksyon at tasahin kung ang mga nilalaman ba nito ay angkop o hindi sa posisyong gusto nating pasukin.

Halimbawa, gusto mong maging manunulat pero ibang klase ng trabaho ang bukas at ito ay para sa search engine optimization at tila malayo sa paraan ng iyong pagsusulat. Bago ka mag-apply, mabuting suriin muna ang iyong sariling abilidad para sa trabaho.

Panatilihin itong maigsi

Sa dami ng mga aplikanteng gusto mag-apply kada oras o minuto, hindi lahat narerebyu ng recruiter o hiring assistant ang resume.

Kaya tandaan, mas maikli ay mas maganda lalo kung ikaw ay wala pang karanasan. Panatilihin itong nasa iisang pahina lamang kung kinakailangan. Huwag din magbanggit ng ibang detalye kung malayo naman ito sa posisyong iyong sinubukang apply-an.

Gawin itong human at robot-friendly (pormat ng ATS)

Kung nag-a-apply ka sa onlayn, siguro ay natanaw mo na ang rekomendasyon na kailangan mong idaan ang iyong ginawa resume sa applicant tracking system o ATS. Nangangahulugan ito na ang iyong resume ay dapat na mabilis na makita, may madaling basahin na pormat, malinaw na mga titulo ng seksyon, at maraming puting espasyo.


Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, huwag na huwag mong kakalimutang isumite ang iyong resume sa Epicareer upang agarang kang makahanap ng posisyong nais mo!

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article

Related Articles