Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Paano Gumawa ng Email Cover Letter

7 min read

Paano Gumawa ng Email Cover Letter

Alamin kung paano gumawa ng email cover letter na standout at maganda ang dating sa mga hiring managers. Simple at diretsong mga tips para makuha ang trabaho mo!

Lovely Ann

Updated Aug 12, 2024

Paano Gumawa ng Email Cover Letter

Kung bibigyang kahulugan ang email cover letter, ito ay isang maikling mensahe na nagpapaliwanag kung bakit mo ipinapasa ang iyong resume at anong klaseng potensyal ang mayroon ka para sa isang kompanyang naghahanap ng isang trabahador. Ito ay nakadaragdag ng puntos sa iyong aplikasyon.

Ano ang layunin ng isang email cover letter?

Sa isang merkadong maraming kakumpitensya, magandang inaayos mo ang iyong sarili.

Ang proseso ng aplikasyon ay masaya at nakakaengganyo lalo para sa mga taong unang beses pa lamang magtatrabaho. Bagamat ang pangunahing layunin nito ay makuha ang atensyon ng HR o hiring manager, at gumawa ng magandang impresyon sa kanila.

Cover letter bilang attachment o bilang body email?

Alinman- ngunit hindi pareho ang cover letter bilang body email o attachment. Mula rito, kung nag-apply ka sa pamamagitan ng isang email, iwsan maglagay ng attachment, tanging ang iyong resume lamang.

Paano gumawa ng email cover letter

Sa paggawa ng email cover letter, isaalang-alang ang mga nasa ibaba nga artikulo:

Paksa

Siguruhing inililista mo ang posisyon na iyong ina-apply-an sa subject line ng iyong email upang makita ng taga-empleyo kung anong klase ng trabaho ang gusto mo.

Halimbawa nito ay “Digital Illustrator - LOPEZ, Meralyn.” Madaling makikita at maiintindihan ng hiring manager ang iyong impormasyon sa ganitong lagay.

Pagpupugay

Ang katawan ng iyong cover letter ay nagbibigay-daan sa kompanya na malaman kung anong posisyon ang iyong ina-apply, bakit dapat kang ma-interbyu, at kung paano ka mag-follow-up. Ito ay binubuo ng unang talata, gitnang talata, at konklusyon.

Unang talata

Sa unang talata nakalahad ang dahilan ng iyong aplikasyon. Kailangang mabanggit ang posisyon na iyong gusto, at kung paano mo ito nahanap. Kung ikaw ay nirekomenda ng iyong kakilala, maaari mong banggitin din ang pangalan nito sa unang bahagi.

Pangalawang talata

Ang susunod na talata ay pumapaloob sa kontribusyong iyong maibabahagi sa kompanya. Iwasang kopyahin lamang ang detalye mula sa iyong resume; ang dapat mong gawin ay gumawa ng sariling network, at ilahad ang iyong mga malalakas at matitibay na kasanayan.

Konklusyon

Kung naglagay ka ng resume, banggitin mo ito sa iyong talata. Maaari mo ring sabihin ang iyong plano sa iyong pagpa-follow-up. Sa iyong konklusyon, huwag kalimutang magpasalamat sa taga-empleyo para sa pagkonsidera ng iyong aplikasyon.

Komplimentaryong pagsasara

Maglagay ng magalang na pagsasara, laktawan, at ilagay ang buong pangalan.

Gumagalang,

Buong Pangalan

Lagda

Ilagay ang iyong buong pangalan, tirahan, numero ng telepono, email address, at LinkedIN Profil URL kung mayroon. Mapapadali nito ang iyong pakikipag-ugnayan sa kompanya:

Buong Pangalan

Tirahan

Numero ng Telepono

Email Address

LinkedIn Profile

Paano mag-email ng cover letter

Gayong alam mo na ang bawat bahagi ng cover letter, paano naman ito idadaan sa pamamagitan ng email?

I-save nang tama ang iyong file

Itago ang cover letter sa mabilis na mabuksang pormat kagaya ng .pdf or .doc/.docx. Dagdag nito, maglagay rin ng maayos na subject line para sa mabilis na pagtutukoy.

Sundin ang mga tagubilin ng kumpanya

Tandaang iba-iba ang panuto ng mga kompanyang nag-aalok ng trabaho, kaya mabuting basahing mabuti ang bawat direksyong kanilang inilalahad. Kung mayroon silang pormat o prosesong ibinabahagi, ito ang iyong sundin.

Gumamit ng isang propesyonal na email address

Ang isang propesyonal na email address ang magtutulay sa iyo para sa mas pormal na pakikipag-ugnayan sa mga hiring recruiter o taga-empleyo. Iwasang gumamit ng mga dummy o personal na email address, upang hindi ka rin malito sa iyong proseso.

Magdagdag ng isang nagbibigay-kaalaman na linya ng paksa

Huwag magpaligoy-ligoy, ilahad nang diretso ang linya ng iyong paksa. Maaari mong ilagay ang sumusunod na halimbawa:

[APPLICATION] LOPEZ Meralyn

[GRAPHIC DESIGNER] LOPEZ Meralyn

Magsama ng maikling mensahe sa email

Huwag basta-bastang ipadala ang iyong aplikasyon, bagkus bumuo ng isang maikling mensaheng magbibigay notipikasyon sa talent acquisition team na ikaw ay isang aplikante na gustong pumasok sa isang posisyon para sa isang ispesipikong departamento.

Ipadala ang iyong cover letter bilang katawan ng isang email

Kung ikaw ay may nakahanda ng cover letter, ilagay ito bilang katawan ng email, nang sa gayon, makita kaagad ng hiring manager ang iyong liham, mabasa ito, at-download ang anumang attachment.

Magsama ng email signature

Huwag kalimutang maglagay ng maayos na emal signature upang isara ang iyong email nang sa gayon higit na maging madali para sa kompanya ang makausap ka. Ang halimbawa nito ay:

Buong Pangalan

Email Address

Numero ng Telepono

Padalhan ang iyong sarili ng isang pansubok na email

Bago mo ito direktang ipadala sa iyong kompanya, subukan mo munang ipadala ito sa iyong sarili email. I-download mo ang attachment para masigurong angkop, maayos ang pormat, may tamang gramatika, at payak itong estilo.

Halimbawa ng email cover letter

Upang makakita ng mga halimbawa ng email cover letter:

HALIMBAWA 1: Para sa Fresh Graduate na Nag-a-apply para sa Marketing Position

Paksa: Aplikasyon para sa Posisyon ng Marketing Associate - LOPEZ, Meralyn

Kagalang-galang na G. Santos,

Magandang araw po! Ako po si Meralyn Lopez, isang bagong nagtapos mula sa Unibersidad ng Pilipinas na may kursong Bachelor of Arts in Communication. Nais ko pong ipahayag ang aking interes sa posisyon ng Marketing Associate na inaalok ng inyong kompanya.

Sa aking mga karanasan bilang intern sa iba't ibang mga organisasyon, natutunan ko ang mga batayan ng digital marketing, social media management, at content creation. Naniniwala akong ang mga kasanayang ito ay makakatulong sa akin upang makapag-ambag sa pag-unlad ng inyong marketing team.

Kalakip ng email na ito ang aking resume para sa inyong masusing pagsasaalang-alang. Inaasahan ko pong magkaroon ng pagkakataon na makapanayam kayo upang mas maipakita ko ang aking kakayahan at dedikasyon sa posisyon.

Maraming salamat po sa inyong oras at konsiderasyon.

Gumagalang,

Meralyn Lopez

[Phone Number]

[Email Address]

HALIMBAWA 2: Para sa isang Sanay na Propesyonal na Nag-a-apply para sa Posisyon ng Sales Manager

Paksa: Aplikasyon para sa Posisyon ng Sales Manager - GARCIA, Miguel

Minamahal na G. Reyes,

Magandang araw po! Ako po si Miguel Garcia at nais kong ipahayag ang aking interes sa posisyon ng Sales Manager sa inyong kompanya. Sa loob ng pitong taon bilang Sales Team Leader sa [Dating Kumpanya], nakamit ko ang mga target na benta at naipakita ang husay sa pangangasiwa ng isang high-performing sales team.

Nakita ko po ang inyong anunsyo at napag-alaman kong tugma ang aking mga karanasan at kasanayan sa hinahanap ninyo. Bukod sa pagpapaunlad ng mga bagong sales strategies, nakatutok din po ako sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga kliyente, na nagresulta sa patuloy na kita para sa kumpanya.

Kasama sa email na ito ang aking resume para sa inyong pagsusuri. Inaasahan ko po ang pagkakataon na makapag-usap tayo nang personal upang mas mailahad ko ang aking plano sa pagpapalago ng inyong sales department.

Maraming salamat po at umaasa ako sa inyong positibong tugon.

Gumagalang,

Miguel Garcia

[Phone Number]

[Email Address]

HALIMBAWA 3: Para sa isang Career Shifter na nag-a-apply para sa isang Graphic Designer Position

Paksa: Aplikasyon para sa Posisyon ng Graphic Designer - DE LEON, Ana

Kagalang-galang na Gng. Dela Cruz,

Magandang araw po! Ako po si Ana De Leon, at nais kong ipahayag ang aking interes sa posisyon ng Graphic Designer sa inyong kumpanya. Sa loob ng ilang taon bilang isang freelance artist, nahasa ko ang aking mga kasanayan sa Adobe Creative Suite at nakabuo ng mga disenyo para sa iba't ibang kliyente.

Kahit na ang aking background ay nasa arts, nagdesisyon akong lumipat ng karera at mas pagtuunan ng pansin ang graphic design. Nakapagtapos ako ng ilang mga workshop at courses upang mapalawak ang aking kaalaman at kasanayan sa larangang ito. Naniniwala akong ang aking malikhain at masigasig na paglapit sa trabaho ay magbibigay ng bagong perspektiba sa inyong design team.

Kasama sa email na ito ang aking resume at portfolio. Hinihintay ko po ang pagkakataong makausap kayo upang maipaliwanag ko pa ang aking mga ideya at maipakita ang aking mga nagawa.

Maraming salamat po at umaasa ako sa inyong tugon.

Gumagalang,

Ana De Leon

[Phone Number]

[Email Address]


Bilang pagsasanay, simulan mo ang pagsusulat at paglikha ng iyong sariling email cover letter. Tandaan lamang ang mga paalala sa nilalamang ito para sa mas matagumpay na proseso ng aplikasyon.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article

Related Articles