Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide 10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho

6 min read

10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho

Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.

Lovely Ann

Updated Aug 20, 2024

10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho

Maraming oras at panahon ang inilalaan mo sa tuwing ikaw ay naghahanap ng trabaho.

Nariyang hindi mo alam kung ano ang iyong uunahin dahil sabik kang magsumite o magpasa ng iyong mga dokumento nang mabilisan subalit hindi mo alam na mayroong mga impormasyon sa iyong papel ang hindi mo naisasaayos.

Bakit mahalagang magkaroon ng isang mahusay na estratehikong plano sa paghahanap ng trabaho?

Ang paghahanap ng trabaho ay parang isang buong araw na gawain.

Kaya mahalagang mayroong maayos na paghahawak ngoras upang hindi mapunta sa kasayangan ang bawat pagpapasa ng resume at liham sa mga kompanyang maaaring naghihintay sa iyong pagdating.

Paano bumuo ng isang estratehikong plano sa paghahanap ng trabaho

Tinuruan tayo sa paaralan ng tamang paglikha ng resume at cover letter na magdadala sa atin upang makapasok sa posisyong gusto natin. Narito ang ilang mga paraan upang bumuo ng isang estratehikong plano para sa iyong paghahanap ng trabaho:

1. Tukuyin at ilista ang iyong mga layunin sa karera

Maaari mong ilagay ang mahaba o maikling hangarin mo kasama na ang iyong mga prinsipyo sa buhay.

Kapag nakabuo ka na ng listahan ng mga layunin at halaga para sa iyong ninanais na karera, maaari itong maging mas madali upang pumili ng mga posisyon na mas angkop sa iyong mga kagustuhan.

2. Isulat ang lahat ng kakayahan at kakayahan na mayroon ka

At kapag nalista mo na ang mga kompanyang gusto mong pasukan, maaari mong ilista ang iyong mga hangarin para sa iyong karera.

Isama mo na rito ang iyong karanasan, kakayahan, at mga kalakasan.

Ang paglista sa mga kasanayang ito ay nakakatulong sa iyo na mas maunawaan kung saan nakalagay ang iyong mga talento at kung maaari mong ilapat ang mga ito sa iba't ibang kumpanya at tungkulin.

3. Magsaliksik sa iyong napiling larangan

Hindi sapat na sa tingin mo’y magaling at bihasa ka na sa napili mong larangan. Nararapat pa ring magkaroon ka ng pananaliksik ukol nang sa gayon ay magkaroon ka pa ng ibang detayle o impormasyon na maaari mong matutunan at ilapat sa iyong paghahanap ng trabaho,

4. Mag-brainstorm ng mga mahuhusay na kumpanyang gusto mong magtrabaho

Ikonsider ang mga ito batay rin sa kanilang kultura sa pagtatrabaho, at kung anong prinsipyo ang sa tingin mong iyong maisasabuhay sa loob ng matagal na panahon.

5. Bumuo ng listahan ng gagawin para sa lahat ng mga item sa paghahanap ng trabaho.

Marahil ay madalang mo itong ginagawa sa tuwing ikaw ay naghahanap ng trabaho subalit, ang paglilista ng mga dapat mong gawin ay malaking benepisyon upang maingat mong makilala ang mga kompanya, masiyasat ang posisyon at deskripsyon nito, at mabuo mo ang iyong resume at reperensya.

6. Magsaliksik ng iyong perpektong kumpanya at titulo ng trabaho.

Sa iyong proseso, tandaang hindi lahat ng kompanyang gusto mo ay nag-aalok ng posisyon sa kasalukuyan. Kaya isaalang-alang mo rin ang ibang opsyon na sumubok mag-apply sa kompanyang naghahanap ng manggagawa na maaaring luminya sa iyong hangarin at halaga.

7. Bumuo ng diskarte sa pag-apply ng trabaho at sundin ito.

Saliksikin ang mga kompnya at kung ano ang kanilang mga kinakailangang papel; maaaring ito ay resume o curriculum vitae, cover letter, portpolyo, o ibang pang dokumento.

Ang iyong estratehiya ang maglalagay sa iyo sa posisyong gusto mong pasukin kaya naman higit na maging matalino rin sa paghawak ng iyong oras upang hindi masayang ang iyong preparasyon.

8. Lumikha ng iyong personal na tatak.

Habang nag-a-apply ka sa isang posisyon, mangyaring bumuo ka rin ng isang personal na tatak.

Ang iyong brand ang magiging iyong mukha kung paano ka titingnan at kikilalanin ng mga kompanyang pwedeng tumanggap sa’yo.

9. Makilahok sa mga pagkakataon sa networking.

Ang pagne-network ay isang mabisang hakbang upang ikaw ay makilala ng ibang taga-empleyo, pati na ang iyong kakayahan o abilidad sa isang gawain o proyekto. Pwede mong i-network ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagdalo sa mga job fair.

10. Ayusin ang listahan ng mga kumpanya kung saan ka nag-apply.

Isang tip na maaari mong gawain ay magbukas ng spreadsheet o sheet at ilista ang mga posisyong iyong na-applyan, at ano ang mga susunod na hakbang ang iyong gagawin sa iyong proseso.

Ano ang gagawin kapag ang plano ay isinasagawa?

Ano ang gagawin kapag ang plano ay isinasagawa?

Sa pagsasaayos ng plano para sa paghahanap ng trabaho, basahin sa ibaba ang mga nararapat na gawin upang maging epektibo:

I-update ang iyong resume

Kung mayroon ka nang nagawang resume, isang tip na ito ay i-update lalo kung ikaw ay may bagong karanasan, kakayahan, pagsasanay, at sertipikasyon. Kung ikaw ay nakatapos at nakamit ang iyong diploma sa edukasyon, maaari mo rin itong ilagay.

Buuin ang iyong network

Ang iyong network ay mahalaga upang magkaroon ng malawak na kaugnayan sa mga tao sa kompanya o industriya. Sila ang maaaring magbigay ng payo sa iyo sa paghahanap ng iyong karera, o tulungan ka sa pamamagitang ng referral.

Subaybayan ang mga bagay

Habang ginagawa mo ang iyong plano, iwasang hayaan lamang ito o iwan na lang sa isang tabi. Kung ikaw ay nakapag-apply-apply ka na, mangyaring ilagay mo sa isang sheet ang iyong mga natapos upang ikaw ay laging updated.

Iposisyon ang iyong sarili bilang isang perpektong kandidato

Tandaan na kahit gaano kaganda at kabenta ang iyong resume, maraming tao sa iyong paligid ang nag-excel din sa kani-kanilang mga pinagmulang industriya o programa. Ang tamang pagpoposisyon sa iyong sarili bilang isang perpektong kandidato ay magdadagdag sa iyo ng mataas na kumpyansa.

Panatilihin ang pag-aaral habang naghihintay ka

Sa kabila ng iyong kagalingan, bigyan mo pa rin ng oras ang iyong sarili na maghasa at magsanay ng iba’t ibang kurso o kasanayan upang pataasin ang antas ng iyong pagkatuto. Hindi natatapos ang edukayon sa pagpasok ng eskwelahan, dahil ito ay natututunan sa pagtapak ng iyong karera.

Sanayin ang iyong mga kasanayan sa pakikipanayam

Sa pamamagitan ng maayos na pakikipagkomunikasyon, maaari mong ipasa ang iyong pakikipanayam. Bagamat sa ganitong kasanayan, kinakailangan mo ring maghanda, at magsaliksik ng mga posibleng tanong na ibabato sa’yo ng taga-empleyo.

Magpadala ng follow-up sa anumang mga lead sa trabaho

Kung ikaw ay nag-umpisa nang mag-apply, masanay na magpadala ng follow-up sa mga lead sa trabaho. Ito ay makatutulong sa iyo para maging updated at malaman ang estado ng iyong aplikasyong.

Makipag-ayos sa iyong alok

Bilang aplikante, ang maayos na pakikipagnegosasyon o pag-alok ay makatutulong sa iyo upang makita nila ang iyong halaga. Bukod sa marami kang isinasaalang-alang na salik, at bukas na oportunidad, ang bukas na pag-aalok ay kailangan para sa pag-asang ikaw ay makakapasa


Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article

Related Articles