Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho

7 min read

Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho

Alamin kung paano mag-email sa recruiter para sa trabaho! Simple at praktikal na tips para mas mapansin ang application mo at magawa ang tamang first impression.

Lovely Ann

Updated Aug 13, 2024

Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho

Marami sa atin ang hindi maalam kung paano ang angkop na pagpapadala ng email sa trabaho. Ang iba’y basta na lamang nagpapadala ng walang kahit anong laman o katawan ng email upang madiskubre na ito pala ay isang email para sa trabaho.

Kaya naman, upang maging mabisa ang iyong mensahe, basahin ang artikulo para sa mas marami pang impormasyon.

Saan ka makakahanap ng mga email address ng recruiter?

Bago ka magsimulang magpadala ng mga email sa mga recruiter, kailangan mong malaman kung paano makipag-ugnayan sa kanila. Maaaring kailanganin mong mag-email sa maraming kompanya bago ka makatanggap ng tugon o mahanap ang tamang tao na makakatrabaho mo:

Mga listahan ng trabaho

Pwede kang maghanap ng mga nakapaskil na trabaho sa iyong industriya at hanapin ang email address ng recruiter sa listahan upang makontak mo sila tungkol sa iba pang katulad na mga pagkakataon.

Mga pahina ng karera ng kumpanya

Kung interesado kang magtrabaho sa isang partikular na kumpanya, maaari mong mahanap ang impormasyon ng isang recruiter sa pahina ng karera ng kanilang website.

Mga ahensya ng staffing at headhunting

Bukod pa, maaari ka ring makahanap ng isang recruiter sa pamamagitan ng pagpunta sa isang ahensya ng kawani na nakikipagtulungan sa parehong mga taong naghahanap ng trabaho at mga kompanyang kumukuha ng mga bagong empleyado.

Kailan ka dapat mag-email sa isang recruiter?

Ang papadala ng email sa isang kompanya ay hindi isang paraan ng pakikipag-text o chat lamang sa iyong mga kaibigan o kamag-anak. Ito ay isinasaayos sa pamamagitan ng drafting at binabasa nang paulit-ulit upang makita kung tama o angkop ang mga detalye o katawan ng liham na nakalagay.

Bago mag-apply

Ang pakikipag-ugnayan sa isang recuriter sa simula ng iyong paghahanap ng trabaho ay makakatulong na magbukas sa mas mahusay at mas kumikitang mga oportunidad. Matutulungan ka rin nila na maghanda para sa proseso ng aplikasyon at matiyak na ang iyong resume o curriculum vitae ay ang pinakamahusay na magagawa nito.

Kapag handa ka nang makapanayam

Isang pang tamang panahon na padalhan ng mensahe ang iyong recruiter ay ang araw bago ang iyong interbyu. Ang paghihintay ay mahalaga rin habang ina-update mo ang iyong resume, naghahanap sa merkado, at hinahanda ang iyong LinkedIn profile.

Kapag kailangan mo ng pagbabago

Kung ikaw ay naghahangad ng pagkakaroon ng promosyon o pagtaas ng ranggo para sa iyong karera, isa rin itong magandang panahon para magpadala ng email. Mula ritom pwede ka nilang matulungan para sa panibagong antos ng inyong karanasan, at makipagnegosasyon sa bagong sweldong maaari mong matamo.

Paano magsulat ng magandang email sa isang recruiter para sa paghahanap ng trabaho

Bago natin tingnan ang isang halimbawa ng magandang email sa isang recruiter, basahin natin ang ilang paraan ng pagsulat nito:

Maging direkta sa iyong linya ng paksa

Kilalanin ang iyong sarili nang mabuti, at bumuo ng linya ng paksa nang angkop at sakto upang madali nilang malaman kung ano ang lalamanin ng iyong email.

Gamitin ang pangalan ng recruiter kapag isinusulat ang iyong pagbati sa email.

Sa pagbubukas ng iyong email, hanapin at ilagay ang pangalan ng recruiter upang makuha mo ang kanilang atensyon. Kahit na nakikipag-ugnayan ka sa maramingkompanya, dapat mong isaayos at gawing partikular ang bawat email para maramdaman nilang sila ang iyong unang pinili para sa tulong sa iyong paghahanap ng trabaho.

Ipaliwanag kung paano mo mahahanap ang kanilang kontak

Bumuo ng koneksyon sa recruiter sa pamamagitan ng paglalarawan kung paano nakita ang kanilang detalye ng kontak.

Bigyan ang recruiter tungkol sa iyong karanasan sa trabaho

Ngayong ikaw ay nakalikha na ng pagpapakilala sa iyong sarili, ilarawan mo rin ang iyong karanasan at mga kontribusyong maaari mong ihandog sa kanilang kompanya. Nakakatulong ito sa kanila na matukoy kung maaari kang maging angkop para sa alinman sa kanilang mga kliyente bago sumulong.

larawan ang iyong mga layunin sa karera

Ang recruiter ay may kasanayang timbangin ang iyong mga tunguhin para sa iyong karera kaya kinakailangang maibahagi mo sa kanila ang iyong nakaraan at hinaharap na balak para sa iyong karera.

Banggitin kung anong uri ng karera o pagbabago sa trabaho ang hinahanap mo para malaman agad nila kung matutulungan ka nila.

Humingi ng pakikipagtulungan (CTA)

Sanggunian ang pangkalahatang uri ng mga posisyon na iyong isinasaalang-alang sa halip na makaligtaan ang mga potensyal na pagkakataon sa pamamagitan ng pagiging masyadong partikular.

Bigyan ang recruiter ng anumang bagay na maaaring kailanganin nila upang makatulong sa iyong paghahanap ng trabaho (resume, cover letter, mga halimbawa ng trabaho, at portpolyo)

Bilang isang aplikante, mangyaring ilagay mo ang mahahalagang papel upang ikaw ay kanilang higit na makilala. Ilan na rito ay resume o curriculum vitae, cover letter, at portpolyo kung mayroon.

Mga Tip sa Paggawa ng Email para sa Recruiter

Upang bigyan ka ng gabay sa paggawa ng email para sa recruiter, narito ang mga sumusunod:

Maging maigsi at propesyonal

Laging tandaan na hindi paggawa ng sanaysay ang pagsulat ng email. Ilatag ang pagiging propesyonal, at siguraduhing madaling matutumpok ng recruiter ang layunin ng iyong mensahe.

Manatiling konektado sa recruiter

Pagkatapos mong padalhan ang recruiter ng iyong email, panatilihin ang koneksyon sa kanila upang hindi ka nila makalimutan. Sa dami ng aplikanteng nais pumasok sa kanilang kompanya, maiging magpatuloy sa inyong ugnayan sa pamamagitan ng pagpapadala ng follow-up, ngunit hindi parati.

Gawing madali ang pagtugon

Sa pagtugon, maging payak at simple sa iyong mga sagot. Manigurong nasagot mo ang kanilang hinahanap o kinakailangan nang sa gayon ay hindi sila mahirap sa beripikasyon sa iyo.

Mga Halimbawa ng Email para sa isang Recruiter

Para sa mga halimbawa ng email para sa recruiter, i-tsek ang mga sumusunod sa wikang Ingles:

Halimbawa 1

Subject: Inquiry Regarding Job Opportunities

Dear [Recruiter's Name],

I hope this email finds you well. I am writing to express my interest in potential job opportunities within [Company Name], as I have recently come across some exciting developments within your organization.

With [X years/months] of experience in [your field/industry], I have honed my skills in [mention relevant skills or experiences]. I am particularly drawn to [Company Name]'s reputation for [mention specific aspects like innovation, company culture, or industry leadership].

I have attached my resume for your consideration. I would greatly appreciate the opportunity to discuss how my background, skills, and enthusiasm can contribute to [Company Name]'s continued success. I am eager to learn more about any openings that align with my expertise and career goals.

Thank you for considering my application. I look forward to the possibility of discussing how I can contribute to [Company Name] in further detail.

Warm regards,

[Your Name]

[Your Contact Information]

Halimbawa 2

Subject: Follow-up on Job Application: [Position Title]

Dear [Recruiter's Name],

I hope this email finds you well. I wanted to follow up on the status of my application for the [Position Title] role at [Company Name], which I submitted on [Date of Submission]. I am enthusiastic about the opportunity to contribute to [Company Name]'s team and believe my skills and experiences align well with the requirements of the position.

I understand that the recruitment process can be quite busy, and I wanted to reaffirm my interest in the role. If there are any updates regarding the status of my application or if there are any additional materials or information you require from me, please do not hesitate to let me know.

Thank you very much for considering my application. I am eager to hear back from you and to potentially discuss how I can contribute to the success of [Company Name].

Warm regards,

[Your Name]

[Your Contact Information]

Halimbawa 3

Halimbawa ng email sa wikang Filipino:

Subject: Paghuhulog sa Aking Aplikasyon: [Pangalan ng Posisyon]

Magandang araw [Pangalan ng Recruiter],

Nais ko lamang pong ituloy ang aking pakikipag-ugnayan tungkol sa aking aplikasyon para sa posisyong [Pangalan ng Posisyon] sa [Pangalan ng Kumpanya], na aking isinumite noong [Petsa ng Pagsusumite]. Lubos po akong nagnanais na makatulong at magbigay ng aking kontribusyon sa inyong kumpanya.

Ako po ay lubos na nangangarap na maging bahagi ng inyong organisasyon at naniniwala akong ang aking kasanayan at karanasan ay tugma sa mga kinakailangan ng posisyon.

Naiintindihan ko po na maaaring abala ang inyong recruitment process, kaya't nais ko lamang pong patuloy na ipahayag ang aking interes sa posisyon. Kung mayroon po kayong anumang update tungkol sa aking aplikasyon o kung may karagdagang impormasyon na kailangan ninyo mula sa akin, huwag po kayong mag-atubiling ipaalam sa akin.

Maraming salamat po sa pagkonsidera sa aking aplikasyon. Lubos kong inaasahan ang inyong tugon at ang pagkakataon na makausap kayo upang pag-usapan kung paano ko maipapakita ang aking kakayahan sa [Pangalan ng Kumpanya].

Makakaasa kayo sa aking pagmamalasakit,

[Inyong Pangalan]

[Inyong Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan]



Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article

Related Articles