Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Mga Tip sa Paggawa ng Liham na para sa Marketing

6 min read

Mga Tip sa Paggawa ng Liham na para sa Marketing

Matuto ng tamang paggawa ng marketing cover letter at mag-apply sa mga karera sa industriya ng Marketing. Basahin ang aming artikulo para sa mga tip at halimbawa.

Lovely Ann

Updated May 3, 2024

Mga Tip sa Paggawa ng Liham na para sa Marketing

Ang industriya ng Marketing ay isa sa pinakapatok na gustong pasukin ng mga indibidwal dahil sa iba-iba nitong aspeto at serbisyong kumokonekta sa iba’t iba pang trabaho at negosyo. Maraming karera ang maaari mong subukan kagaya ng retail, edukasyon, at iba pang gawaing pangkorporasyon.

Kung kabilang ka sa mga gustong mag-apply, kinakailangan mo ring matutunan ang tamang paggawa ng marketing cover letter. Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang mga tip at magbibigay ng pormat at halimbawa sa paggawa nito.

Ano ang isang Marketing Cover Letter?

Ang marketing cover letter ay isang uri ng liham na ginagawa kung gusto mong mapabilang sa industriya ng marketing. Ito ay nakatutulong sa isang aplikante na mailahad ang kanilang kasanayan, karanasan, at mga napagtagumpayan.

Karaniwang sinusuri ng mga tagapamahala ang iyong cover letter bago ang iyong resume o curriculum vitae upang ikaw ay higit nilang makilala bilang isang propesyonal.

Ano ang isasama sa isang Cover Letter sa Marketing?

Para malaman kung ano-ano ang mga kabilang sa isang marketing cover letter, narito ang mga sumusunod:

Panimula

Ang panimula ay kadalasang nagpapakita ng sarili o personal na impormasyon ng isang aplikante. Narito ang iyong buong pangalan, tirahan, numerp ng telepono, at propesyonal na email address. Ang mga detalyeng ito ang ginagamit ng kompanya upang ikaw ay matawagan o mapadalan ng mensahe.

Sa ilalim ng iyong impormasyon, mahalagang ilagay rin ang petsa ng iyong liham, pati na ang pangalan ng iyong hiring manager at lokasyon ng kompanya.

Natatanging halaga

Importanteng kilala mo ang iyong sariling halaga. Maaari kang maglagay ng mga impormasyon ukol sa iyong karanasan sa marketing at kakayahang akma sa iyong posisyon. Isaalang-alang ang paggamit ng mga mapaglarawang salita na pinakamahusay na naglalarawan sa iyong etika sa trabaho at karanasan sa industriya ng marketing.

Masusukat na mga nagawa

Sa pagpapakilala ng sarili, kailangan mo ring bigyan ng diskusyon ang iyong sariling kwalipikasyon. Isaalang-alang ang paglalagay ng ispesipikong responsibilidad mula sa iyong huling trabaho at ano ang naging resulta nito sa pamamagitan ng paglilista ng mahahalaga at kaugnay na napagtagumpayan.

Bilang ikaw ay nag-a-apply para makapasok sa industriya ng marketing, pwede mong ibahagi ang iyong serbisyo sa paggawa ng mga nilalaman, paggamit ng socila media, at pag-aaral ng mga estratehiya

Mga tiyak na kasanayan

Kadalasang tumitingin ang kompanya sa kasanayang iyong natamo o natutunan. Sa pagbabahagi nito, banggitin mo ang partikular na kakayahang iyong napaghusayan. Halimbawa nito ay ang paglalahad kung paano mo nasanay ang paggamit ng social media, at paggamit ng mga AI tools.

Ang iyong dahilan ay nag-aplay para sa posisyon

Makatutulong ang malinaw na hangarin para sa isang aplikante upang hindi siya maligaw sa industriyang gusto niyang pasukin. Sa pamamagitan nito, pwede kang matanaw bilang isang hinaharap na asset para sa isang kompanya.

Sertipikasyon

Huwag ding kalimutang magbanggit ng mga sertipikasyong iyong natapos at natamo. Isa itong hagdan upang higit kang mapansin ng iyong tagapamahala. Ito ay dagdag ding lakas para higit na maging mabisa ang iyong aplikasyon.

Mga Tip sa Paggawa ng Cover Letter sa Marketing

Narito ang ilang tip upang matulungan kang lumikha ng mataas na kalidad na cover letter para sa isang posisyon sa marketing:

Gumawa ng balangkas

Kapag natapos na ang iyong marketing resume, oras na para magsimula sa isang liham. Bumuo muna ng maayos at malinaw na balangkas upang hindi ka gumugol ng matagal na oras sa paggawa ng iyong liham.

Gumamit ng mga keyword para sa paglalarawan ng trabaho

Maiging magsaliksik ng mga keyword na akma at umuugnay sa posisyon ng marketing na iyong natitipuhan. Mas malaki ang tyansa na mapansin ang iyong aplikasyon kung alam mo ang deskripsyon na kanilang hinahanap.

Magbahagi ng makabuluhang kwento

Kung ikaw ay may karanasan na sa industriya ng marketing, at may malaman ka ng portpolyo, subukan mo ring ibahagi ang iyong kwento sa pagtatrabaho kasama na ang iyong mga nagawa at napagtagumpayan.

Hanapin ang pangalan ng recruiter at direktang tugunan ang sulat sa kanila

Karaniwan sa mga job ads, hindi tuwirang nakalahad ang pangalan ng kanilang pinuno, ngunit may ilan din namang kompanya at buhay na website kung makikita roon ang pangalan ng kanilang tagapamahala. Kung hindi mo man makita, maaari mong ilagay na lamang ang pangalan ng kompanya.

Tandaan ang mga batayan ng marketing at isama ang mga ito

Mapapansin ng kompanya kung tunay ang mga nakalagay sa iyong liham. Kaya isang mahalagang bagay na mailahad at matandaan mo ang batayan ng marketing at isama ito sa paglikha ng iyong marketing cover letter.

Magsagawa ng pananaliksik sa kompanya o posisyon

Isa sa pagkamamali natin bilang aplikante ay pasa lamang tayo nang pasa ng ating resume at cover letter nang hindi natin inaayos at inaangkop ang nilalaman ng liham batay sa kompanya o posisyong ating gustong apply-an. Ang primaryang bagay na dapat mong gawin ay magsaliksik sa kompanya at posisyong iyong nahanap. Mula rito, malalaman mo ang kanilang kalakaran at serbisyo.

Ilagay ang iyong kontak na impormasyon

Tandaan na ilagay ang iyong pormal na numero at email address sa iyong liham. Magiging kapaki-pakinabang ito upang mabilis at madali ka nilang kontakin o matawagan.

Magdagdag ng Call to Action/CTA

Ang call to action o CTA ay isang subok at totoong teknik ng marketing na ginagamit ng mga advertiser upang humimok ng mga benta at pakikipag-ugnayan sa kustomer. Sa dulo ng iyong liham, magsama ng maikling CTA na naghihikayat sa hiring recruiter na magpadala ng follow-up sa iyo.

Ayusin at linisin ang kabuuan ng liham

Bago mo isumite ang iyong marketing cover letter, basahin at ayusin itong mabuti upang makita pa kung mayroong kailangang tanggalin o dagdagan. Maaanalisa mo rin dito kung kumpleto at angkop ang nilalaman ng iyong liham para sa posisyong iyong hinahanap.

Template o Pormat ng Cover Letter sa Marketing

[Buong Pangalan]

[Lokasyon]

[Numero ng Telepono]

[Email Address]

[Petsa]

[Pangalan ng Hiring Manager]

[Pangalan ng Kompanya]

[Lokasyon ng Kompanya]

Magandang araw Bb. o G. [Pangalan ng Hiring Manager],

Ako si [buong pangalan], at ako ay interesado sa posisyon ng [posisyon] sa [pangalan ng kompanya]. Naniniwala ako na ang [bilang ng taon] ng aking pagiging [posisyon sa huling trabaho] ay makatutulong sa akin upang maging mabisang kandidato para sa trabahong ito.

Madalas akong [maglahad ng mga responsibilidad at obligasyon], at ito ay katumabas ng progresong aking napagtagumpayan upang makamit ang iba’t ibang kasanayan kagaya ng [banggitin ang mga natutunang kasanayan]. Nagtrabaho din ako bilang isang [posisyon], kung saan ako [paglalarawan ng tungkulin sa marketing]. Sa panahong ito, nagtrabaho ako sa [paglalarawan ng proyekto sa marketing] at natapos ang [paglalarawan ng gawain]. Bilang resulta, ako [paglalarawan ng tagumpay].

Habang nagtatrabaho para sa iyong kompanya, umaasa akong [paglalarawan ng layunin]. Salamat sa iyong oras sa pagsusuri sa aking aplikasyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa akin upang bumuo ng isang panayam o pag-usapan ang aking mga kwalipikasyon.

Gumagalang,

[buong pangalan]

Halimbawa ng Cover Letter sa Marketing

Ang ilang halimbawa ng liham para sa marketing ay ang mga sumusunod:

Halimbawa 2: Marketing Executive

Halimbawa 4: Market Research Analyst


Kung handa ka nang sumulat ng liham, manatiling nakatutok sa notipikasyon ng Epicareer para sa susunod na posisyong iyong gusto.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article

Related Articles