6 min read
Gabay sa Paggawa ng Cover Letter: Istraktura, Mga Tip, Ano ang Dapat Iwasan, at Suriin
Alamin kung paano gumawa ng epektibong cover letter! Tuklasin ang istraktura, mga tips, at mga dapat iwasan para mapansin ng mga employer at makuha ang trabaho mo.
Updated Aug 12, 2024
Ang isang cover letter ay isang mahalagang bahagi ng iyong aplikasyon sa trabaho.
May ilang mga taga-empleyo na nangangailangan nito ngunit may iba rin naman hindi na kasama sa mga opsyon. Ito ay isa ring malaking kagamitan upang mangingibabaw ang iyong aplikasyon sa posisyong gusto mo.
Pagbuo ng Isang Cover Letter
Sabi ng marami’y, “Madali lang ang paggawa ng liham para sa trabaho,” pero marami kang dapat isipin, at isaalang-alang upang maging epektibo at mabisa ang iyong cover letter bago mo ipasa:
Isang panimula na kinabibilangan ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Ang cover letter ay maypanimula at kinapapalooban ito ng detalye mula sa iyong sarili. Mayroon itong buong pangalan, iyong tirahan, numero ng telepono, at pormal na email address. Sa panimula, narito rin ang petsa, pangalan ng hiring manager, kompanya, at lokasyon nito.
Isang pagbati
Sa liham, mayroon itong pagbati, at pwede mong magamit ang “Magandang umaga o araw,” at idadagdag ang pangalan ng hiring manager ng kompanya. Bukod dito, kailangan ding malagyan ng katawagan na kakabit ng pangalan kagaya ng Ginoo o G., Binibini o Bb. o Ginang o Gng.
Isang maikling pagpapakilala na nagpapakita sa iyo bilang isang kandidato
Sa unang talata ng iyong liham, ang pagpapakilala sa sarili ay importante pati na ang paglalagay ng iyong pinanggalingang paaralan o ano ang tinapos mong kurso o programa. Ito rin ay isang pormal na introduksyon para sa iyo at sa posisyon na iyong kinaiinteresan.
Ang katawan ng iyong liham na may mga tiyak na tagumpay
Nararapat na ilahad sa iyong liham ang mga tiyak na napagtagumpayan nang sa gayon ay matuklasan at makilala nila ang iyong natatangi ring kakayahan at karanasan sa huli mong trabaho. Pwede kang maglista ng ispesipikong tagumpay na ibabahagi at may kaunting paliwanag ng iyong natutunan mula rito.
Ano ang Pinakamahalaga sa Isang Cover Letter?
Ang katawan ang pinakamahalaga dahil itinatampok nito ang iyong mga tagumpay at karanasan sa karera. Importante ang pagbabahagi ng iyong karakter, motibasyon, kaalaman, kasanayan, at interest.
Ito rin ang yong pagkakataon kung bakit ikaw ang kanilang piliin para sa posisyong iyong inaasam.
Mga Tip sa Paggawa ng Cover Letter
Tandaan na ang pangunahing punto ng pagpapasa ng iyong liham ay upang matulungan ang mga recruiter na makapagdesisyon kung ikaw ang nararapat para sa posisyon. Sa rasong ito, iwasang bumuo ng mga generic write-ups at sundin ang mga hakbanging ito:
Magsaliksik
Unang bagay na dapat mong gawin ay ang pananaliksik; hindi lamang upang makakuha ng halimbawa ng cover letter na iyong gagawin kundi kung ano o sino ang mga dapat mong padalhan nito.
Bigyang-diin ang iyong personal na halaga
Kilalanin mong higit ang iyong sarili nang sa gayon ay maalay mo rin ang iyong personal na halaga sa kanila. Hindi lamang ito nagtatapos sa iyong kasanayan o karanasan, kailangan mo ring ipakita kung gaano ka kainteresado sa trabahong maaaring ialok sa’yo.
Bigyang-pansin ang iyong tono ng pagsulat
Ang pagsulat ng cover letter ay hindi lamang isang kaswal na uri. Kailangan mong maging pormal at propesyonal sa pagkakataong ito, at siguraduhin ang bawat bahagi ng pangungusap ay tunog-magalang at may dating na karespe-respeto.
Magbigay ng malakas na pambungad
Kapag sinabing malakas na pambungad, hindi ito nangangahulugan ng paglalahad ng mahahalimuyak na salita upang maging kapansin-pansin. Ilahad mo ang iyong personal na pangalan, kursong iyong tinapos, eskwelahan, at mga napagtagumpayan.
Ano ang dapat suriin bago ipadala ang iyong cover letter?
Gayong alam mo ang mga tip, ano-ano naman ang dapat mong suriin bago mo ipasa ang iyong cover letter?
Puting espasyo
Tingnan ang bawat espasyo ng bawat talata, at kung ay may maayos na paglalaktaw. Siguraduhing mababasa ang bawat pangungusap nang maayos, at may tamang pagbabalangkas.
Personal na Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Lagingt tandaan na sa itaas na bahagi ng iyong liham, matatagpuan ang personal mong kontak o impormasyon. Isa ito sa dapat mong tingnan palagi upang masigurong tama at walang labis o kulang sa iyong impormasyon.
Panimula
Huwag basta-basta ipadala ang iyong cover letter. Mangyaring isa-isahin mo ang bawat talata at pangungusap upang makita kung kumpleto, sakto, at maayos ang konstruksyon ng iyong panimula. Bukod sa personal na impormasyon, ilagay mo rin ang dahilan bakit ikaw ang nararapat na piliin para sa isang posisyon.
Gupitin ang tagapuno
Iwasan ang paglalagay ng tagapuno sa isang liham lalo kung ang hindi naman tunay na mahalaga. Maging direkta sa mga bagay na gusto mong iparating sa hiring manager, at maging payak sa lahat ng paglalahad at paliwanag.
Ipakita ang iyong mga kwalipikasyon
Tandaang ang iyong kwalipikasyon ang magiging tulay iupang ikaw ay tanggapin ng taga-empleyo ng kompanya sa trabaho. Maaari kang maglahad ng ilang halimbawa kagaya na lang kung saan ka nag-aral at nagtapos, ano ang iyong mga nakaraang danas, at ano ang ilan sa mga iyong tagumpay.
Mga tagubilin sa aplikasyon
Bago mo ipasa ang cover letter, maiging tingnan at basahing mabuti ang mga panuto ng iyong aplikasyon. Tutulungan ka nitong ayusin ang bawat pormat o template ng iyong liham, ano ang dapat na maging titulo ng iyong papel, at sino ang iyong pagpapasahan.
Mga keyword
Suriin din ang mga keyword na mababasa sa iyong liham-aplikasyon. Tasahin kung ito ay makikita sa deskripsyon ng posisyong iyong ina-apply-an. Ang mga keyword ay maaari mong mahanap sa Internet para higit na mangibabaw ang iyong aplikasyon.
Estilo ng cover letter
Silipin ding mabuti ang estilo ng ginawa mong cover letter, at kung ito ba ay may angkop na estruktura o pagbuo. Irepaso ang mga titulo at pangungusap, pati na ang espasyo na naglalaktaw sa bawat salita, pangungusap, at talata.
Call to Action o CTA
Sa pagsasara ng iyong cover letter, suriin ang nilahad mong CTA upang maging gabay ng mga taga-empleyong iyong ina-apply-an. Siguraduhin tama ang numero at email address na iyong binanggit dahil dito ka nila maaaring kontakin.
Pagbabaybay at Gramatika
Sa pagsulat ng cover letter, ang pinal na liham na ito ay kinakailangan ng maayos na gramatika at pagbabaybay. Kung maayos ang bawat pagbuo ng salita o parirala, madali itong mauunawaan ng hiring manager na magbabasa o susuri sa iyong papel.
Ano ang dapat iwasan kapag gumagawa ng cover letter?
Sa pagsusuri ng liham para sa iyong aplikasyon, kailangan mo ring iwasan ang mga sumusunod:
Paggamit ng maling pormat
Iwasang lumikha ng cover letter na walang pinagbabasehang pormat. Hindi ito parang essay-type na papel na ilalagay mo ang lahat ng gusto mong ilagay nang hindi inaayos ang iyong estilo.
Paggamit ng parehong cover letter para sa bawat aplikasyon
Kagaya ng isinaad kanina, iwasan ang pagbuo ng generic dahil dito mag-uumpisa ang mga pagkakamali. Ang bawat cover letter ay pinag-iisipan at pinagpaplanuhang mabuti; suriin kung anong posisyon ang iyong ina-apply, ano ang mga pangalan ng kompanya, at deskripsyon ng trabahong hinahanap nila.
Pagsusulat nang hindi muna sinasaliksik ang kumpanya at posisyon
Kaugnay ng nasa itaas, isa rin sa pagkakamali ay hindi pananaliksik sa kompanya at posisyon. Iba-iba ang paglalarawan ng mga trabaho at kung gagamitin mo lamang ang iisang cover letter na iyong inihanda, maaaring hindi magtugma ang mga nilalaman nito sa trabahong ina-applyan mo.
Pagtalakay sa walang kaugnayang karanasan sa trabaho o kakulangan ng karanasan
Isa pang nauugnay na pagkakamali na dapat mong iwasan ay ang pagtalakay ng karanasan sa trabaho ng walang kaugnayan. Ang kakulangan din ng paglalahad sa mga ito ay hindi makatutulong sa iyo upang makapasok sa trabaho.
Nabigong i-highlight ang iyong pinakamalakas o pinakanauugnay na mga kasanayan
Ang cover letter ay pagpapakilala ng iyong sariling kasanayan at tagumpay sa kompanya. Dito rin magsisimula ang iyong karera, kaya naman ang pagkabigong ma-highlight ang iyong mga pinakamalakas na abilidad ay maaaring malagpasan ng mga taga-empleyo dahil sa kakulangan ng elaborasyon at pagpapaliwanag.
Ito na ang panahon upang pagtuunan ng pansin ang iyong pagsulat ng cover letter dahil isa ito sa magiging sangkap upang ikaw ay mapili at manguna sa iyong aplikasyon.
Popular jobs in Philippines:
Virtual Assistant | WFH Call Center | Remote Customer Service | Marketing Communication Specialist | Account Manager | Data Engineer | UI/UX Designer | Accountant | Software Engineer | App Developer | Mobile Developer | Project Coordinator | Technical Support
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho
Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho
Alamin kung paano mag-email sa recruiter para sa trabaho! Simple at praktikal na tips para mas mapansin ang application mo at magawa ang tamang first impression.
Posted Aug 13, 2024
4 min read
Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan
Bagong graduate at walang experience? Walang problema! Basahin ang mga simpleng tips na ito kung paano gumawa ng resume na magugustuhan ng recruiters. Bigyang-diin ang edukasyon at mga soft skills, at siguraduhing ATS-friendly ang format mo. Handa ka na bang sumabak sa trabaho? Alamin dito!
Posted Aug 13, 2024
7 min read
Paano Gumawa ng Email Cover Letter
Alamin kung paano gumawa ng email cover letter na standout at maganda ang dating sa mga hiring managers. Simple at diretsong mga tips para makuha ang trabaho mo!
Posted Aug 12, 2024
Share this article