5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Updated Aug 20, 2024
Masasabing kakaiba ang potensyal ng mga tao pagdating sa pagkayod sa araw-araw.
Tanungin mo sila’t hindi sila tatanggi dahil “alam nilang kaya nila ang isang gawain.” Gayunpaman, tila nakatutok pa rin ang karamihan sa tradisyunal na antas ng paghahabi ng sariling karera mula sa pag-aaral, pagpili ng strand, kurso, at paghahanap ng nais na trabaho.
Sa kabila nito, hindi nagtatapos ang tyansa na makakamit ng posisyon na maaaring makatulong sa kanila upang simulan ang kanilang karera, at sila ay partikular na may hindi tuwid na uri ng paghahanapbuhay.
Ano ang Isang Hindi Tuwid na Karera?
Ang pagtahak mo sa iyong karera ay tipikal na mga hakbang na tumutulong sa iyong lumago.
Ngunit sa hindi tuwid na karera, binibigyan ka nito ng daan upang tahakin ang mga oportunidad na makakakuha sa iyong interest at potensyal.
Ito ay tumutukoy sa pagtungo sa iba’t ibang direksyon ng trabahong nais mong galugarin sa loob ng matagal na panahon.
Bakit Pinipili ng mga Tao ang mga Hindi Tuwid na Landas sa Karera?
Subukan mong makipag-ugnayan sa mga taong may hindi tuwid na karera at makikita mo ang iba’t ibang rason, Una, sa kanilang edad, sila ay nakakaramdam pa rin ng pagkasabig na dumiskubre ng kanilang kasanayan o kakayahan.
Maaaring humahanap din sila ng kalikasan na sa tingin nila’y higit na makatutulong sa kanila na lumago. Ang iba nama’y higit na nagiging praktikal o di kaya’y gustong sundin ang kanilang mahal na gawain o libangan.
Saad ng World Economic Forum na papalitan ng automation ang 85 na milyong trabaho sa buong mundo, ngunit binanggit na bubuo ang teknolohiya ng 97 na milyong trabaho para sa mga tao.
Mga Kalamangan at Kahinaan ng Isang Hindi Tuwid na Landas sa Karera
Kung ikaw ay nagtataka paano nagagawa ng ibang manggagawa ang pumasok sa ganitong uri ng landas, tandaan ding nakakaranas sila ng mga mabuti at di maburing dulot dito.
Mga Kalamangan
Para sa mga kalamangang dapat mong mabasa:
Personal na paglago
Totoong hindi maitatanggi na ikaw ay makakaramdam ng personal na paglago sa pagsabak sa ganitong uri ng karera. Dito mo rin matutuklasan sa iyong sarili na ikay ay may natatago pa palang kakayahang pwede mong gamitin sa iyong pag-unlad sa trabaho.
Nadagdagang pag-angkop sa trabaho
Mayroong mga trabahong kumakailangan ng ibang kasanayan lalo na kung ito ay pangkalahatan. Sa ganitong kondisyon, hindi ka lamang magiging maalam, madaragdagan din ang iyong pagiging produktibo.
Pagkakaroon ng magkakaibang karanasan
Kung ikaw ay may hangaring aralin at matutunan lahat ng posisyong iyong inaasam, isang oportunidad ito para mahasa ang iyong kakayahan, at magamit sa iyong karera.
Maaaring ikaw ay magaling sa IT pero may potensyal ka pala sa SEO, at nais mong subukan ang karerang ito.
Pagpapalaki ng iyong network
Sa pagtahak sa hindi tuwid na landas ng karera, lalago rin ang bilang ng iyong koneksyon sa maraming organisasyon o grupo. Mula rito, pwede silang maging sanggunian para magbukas ng ibang trabaho na nais mong pasukin.
Hindi Mabuting Dulot
Sa pagkakaroon ng kalamangan, hindi rin mawawala ang mabuting dulot nito:
Mas kaunting katatagan
Tunay na hindi matibay ang iyong pundasyon kung ikaw ay papalit-palit ng nais na posisyon. Bukod sa maaaring kaunti lamang ang iyong matutunan, hindi rin ito matatag na makatutulong para makita ng kompanya ang tunay mong potensyal sa pagtatrabaho.
Mas pipiliin ng ilang hiring manager ang isang taong may “standard” na tahakin sa karera
Sa panahon ngayon, mas mataas na ang “standard” ng mga kompanya o organisasyon. Mas gusto nilang tumanggap ng aplikanteng may ilan taon nang pagseserbisyo o karanasan sa trabaho.
Ngunit, mayroon din namang mga kompanya nagtitiwala nang wagas kahit na wala pang karanasan ang isand indibidwal.
Kaya sila tumitingin sa taong may “standard” na tahakin sa karera ay dahil nais nilang higit na maging madali ang operasyon ng kanilang bawat proyekto at gawain.
Limitadong lalim ng kasanayan
Ang paiba-ibang landas ng karera ay magtutulak sa iyong magkaroon ng mas mababang pokus o konsentrasyon upang palaguin ang iyong sariling kakayahan. Dahil gusto mong masubukan lahat, hindi mo napapansing lumalayo ka na pala sa tunay mong hangarin.
Kahirapan sa pagbuo ng isang malinaw na tilapon ng karera
Gustuhin mo mang maging mahusay sa lahat ng aspeto, hindi ito maaari sapagkat pababagalin lamang nito ang iyong progreso.
Mahihirapan ka ring magkaroon ng malinaw na tilapon ng karera dahil wala kang matatag na pundasyon ng pagpapasya kung saan mo nais paghusayin pa ang iyong kakayahan.
Kahirapan sa pagbuo ng isang reputasyon
Bukod sa malabong tilapon ng karera, magiging matumal din ang paglikha mo ng iyong pangalan sa industriya. Maaari itong magbigay sa iyo ng kalituhan dahil ikaw ay walang sapat na katatagan upang magpokus sa iyong landas na gustong tahakin.
Mga halimbawa ng mga hindi linear na karera
Ang iyong pagpipilian ay walang katapusan. Magsaliksik ka lamang sa iyong social media, at may pupukaw na sa iyo ng atensyon.
Halimbawa nito ay maaari kang magsimula bilang isang clerk sa opisina, ngunit nakita mo ang iyong sarili na magaling sa event management o production management.
Napansin mo ring mahusay ka pala sa finance dulot na nakuha ng iyong interes kung paano ang tamang pagbabadyet sa produksyon.
Walang masama kung hindi mo susubukan. Iyan ang palaging linya ng karamihan. Wala ring masama kung sa iyong proseso ay may pagdadalawang-isip na nararamdaman, dahil ang pagbuo ng karera ay hindi isang pitik lamang.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 na Pambahay na Trabaho na Nag-aalok ng Magandang Sahod
Nag-aalala ka ba sa pag-commute at pag-iiwan ng pamilya? Tingnan ang mga pambahay na trabaho na nag-aalok ng mataas na sahod! Mula sa software developer hanggang digital marketer, alamin ang mga trabahong puwedeng gawin mula sa bahay na may magagandang sweldo. Find the perfect work-from-home job for you!
Posted Aug 12, 2024
Share this article