6 min read
Paano Kumuha ng Unang Trabaho sa Digital Marketing nang walang Karanasan?
Lahat ng manggagawa ay nagsisimula sa umpisa– kung saan sila ay walang kahit na anong karanasan sa digital marketing. Ang iba’y mistulang nangangapa kung paano ito sisimulan, anong kagamitan ang dapat gamitin, ano ang saliksikin, o sino ang kakausapin. Ngunit sa kondisyong ito, malinaw rin naman sa na ang digital marketing ay umiikot sa pag-optimista ng social media at teknolohiya. Ang digital marketer ay isang indibidwal na gumagamit ng iba’t ibang lagusan upang makalapit sa mga kustomer, nagpapakilala ng produkto at serbisyo, at nagpapataas ng reputasyon ng isang brand.

Updated 4d ago

Paano makakuha ng unang trabaho sa digital marketing nang walang karanasan
Kung ikaw ay wala pang karanasan para maging isang ganap na bahagi ng negosyong ito, nagtala ang Epicareer ng ilang rekomendasyon:
Bumuo ng pundasyon ng kaalaman
Para maging digital marketer, kailangang bumuo ng matibay na pang-unawa sa konsepto at pagsasanay ng digital advertising. Mas maigi kung ikaw ay may pormal na edukasyon o sertipikasyon para sa mga iba’t ibang klase ng espesyalisasyon. Makakatulong din ang panonood ng mga tyutoryal, blog, mga thread, at iba pang libreng sanggunian para sa iyong pagkatuto.
Magsimulang matuto kung paano gumawa ng content
Mayroon mga bidyo o tyutoryal ang makapaggagabay sa iyo gumawa ng nilalaman. Kung nangangamba kang baka sa umpisa ay mali ang mga hakbang na ginagawa mo, tandaang walang magaling kaagad sa simula.
Kung gusto mong maging SEO, bumuo ng isang website/blog
Para maging isang SEO, ang paglikha ng mga dekalidad na nilalaman ay kinakailangan para sa mas mataas na resulta ng mga ranggo online. Maaari mong aralin ang mga kasanayan kagaya ng mga sumusunod para makapagsimula ka sa iyong pagsulat ng blog.
1. Link building
2. Pagsulat
3. Algoritmo
4. Pag-aanalisa ng datos
5. Pagpapasya
6. Paggamit ng mga kagamitan ng SEO
7. Pagsasaliksik ng keyword
Kung gusto mong maging Social Media Specialist, gumawa ng content sa socials
Mataas na kumpyansa ang kinakailangan para maging Social Media Specialist. Maaari mong subukan ang pagpapaskil ng mga imahe, bidyo, o blog sa iba’t ibang plataporma habang gumagamit ka ng navigator para makita ang algoritmo nito base sa impresyon nga mga nakakita.
Nagmemerkado sa pagganap? Subukang magbenta ng isang bagay sa internet, gumamit ng mga ad
Madalas sa atin, nagsisimulang magmerkado sa mga kilalaning aplikasyon kagaya ng TikTok, Facebook, Instagram, at X. Sa ganitong kalagayan, pwede kang gumamit ng mga ad upang ito ay lalong kumalat o mapalaganap sa ibang kustomer o mamimili, at dito mo makikita ang sukat ng interes nila.
Bumuo ng iyong sariling proyekto at bumuo ng isang portpolyo
Para mapatunayan ang tunay mong potensyal sa iyong tagapamahala, kailangan mo nang nakakaengganyo at nakakapanabik na presensya sa online at iyong personal na brand. Kung wala ka pang karanasan, narito ang mga suhestyon:
Tulungan ka ng pamilya at mga kaibigan
Ang pinakamalalapit na tao ang s’yang una mong pwedeng maging kliyente, libre man o may bayad. Maaari kang mag-alok ng iyong serbisyo sa mga kaibigan at kamag-anak, tanungin ang kanilang kailangan upang mapalaganap ang kanilang negosyo, at gumamit ng mga kagamitan para higit itong mapabilis.
Magboluntaryo
Ang pagboboluntaryo ay isang epektibong hakbang para makilala ang iyong kakayahan sa digital marketing. Kung sino man ang iyong makasalamuha, dito palang, makakabuo ka na agad ng iyong network dulot na ikaw ay hindi nagsasara sa mga oportunidad sa iyong paligid.
Lumikha ng portpolyo
Ang pagbuo ng portpolyo ay hindi lamang pagbibigay introduksyon sa sarili. Isa rin itong pagbabahagi sa iyong mga ipinamalas na kasanayan, at natamong karanasan bago sumalang sa iyong paglalakbay bilang isang digital marketer.
Bumuo ng personal na brand
Ang paglikha ng personal na brand ay maaaring maproseso para sa iyong baguhan, ngunit dito mo rin matutuklasan na ang mga propesyonal na may matataas ng rating sa kanilang mga plataporma ay nagsimula ring ibenta ang kanilang potensyal sa merkado.
Isaalang-alang ang internship o entry-level na mga trabaho
Bukod sa pagbuo ng mga proyekto at portpolyo, maging tunguhin mo rin ang pumasok sa mga programa ng internship o entry-level na mga trabaho.
Isaalang-alang ang mga kaugnay na trabaho upang maipasok ang iyong paa sa pintuan
Ang entry-level na posisyon ang pinakaunang trabaho sa iyong karera. Hindi tulad sa mga senyor na trabaho, hindi naghahanap ang kompanya ng may maraming taon nang pagseserbisyo. Mula rito, pwede mong ikonsidera ang mga kaugnay na trabaho para magamit mo ang iyong mga nasanay na kakayahan.
I-personalize ang iyong resume at portfolio
Ang resume at portpolyo ay isang pagkakataong mapangibabaw ang iyong halaga para ikaw ay tanggapin ng kompanya. Ngunit, hindi lahat sa kanila ay nangangailangan ng pare-parehong posisyon; ito ay depende sa kasanayang kanilang hinahanap, at kung sa tingin mong ito ay konektado sa iyo, maaari mong ipasa ang iyong dokumento.
Maging mahusay sa pakikipanayam
Paghandaan ang iyong interbyu kung sakaling ikaw ay makatanggap ng imbitasyon mula sa kompanyang nag-aalok ng digital marketing na trabaho. Siguruhing totoo ang mga potensyal na mayroon ka, nakapagsaliksik sa kanilang kompanya, malinaw ang deskripsyon sa in-apply-an, at may sapat na preparasyon.
Network online at sa personal
Para makatapak sa unang mong trabaho sa digital marketing, siguraduhing ikaw ay mayroong network, online man o personal. Pwedeng makisalamuha ka sa mga digital marketing associate, at maraming plataporma na pwede mong bisitahin palagi katulad ng Facebook, X, at LinkedIn.
Ano ang aasahan mula sa paglalakbay patungo sa iyong unang propesyonal na trabaho
Katulad ng ibang trabaho, mayroon ka ring mga bagay na dapat asahan patungo sa unang propesyonal na trabaho.
Walang katapusang pag-aaral
Malinaw na kapag pinasok mo ang landas na ito, kailangan mong hasain ang iyong mga kasanayan upang maging mas epektibo ang iyong pagtatrabaho. Patuloy kang mag-aral, manood ng mga bidyo ng mga ekspert, dumalo sa mga webinar o seminar, o kumuha ng mga digital na sertipikasyon.
Maraming pananaliksik
Hindi natatapos ang pagtatrabaho sa mga nakagawian mo nang gawain. Kinakailangan mo pa ring maglaan ng panahon upang magsaliksik ng iba pang potensyal o impormasyong makatutulong sa iyong trabaho. Pwede ka ring magbasa ng mga testimonya para nang sa gayon ay mayroon kang batayan.
Walang katapusang resume at pagsadya ng portpolyo
Sa mundo ng pagtatrabaho, ang resume at portpolyo ang iyong mga sandata sa pagbebenta ng iyong sariling abilidad sa mga kompanya at organisasyon. Palagiing mag-update nito upang hindi mo makalimutan ang mga impormasyon tungkol sa iyo, at maging sunod sa uso base sa trends ng digital marketing.
Pagsisimula ng mga proseso ng pagbuo
Ang isang kasanayang kailangan mong buksan ay ang pagiging organisado. Maaari kang maglaan ng oras sa pagpaplano, pagbabalangkas, at paggawa ng mga ito upang magtuloy-tuloy ang iyong pag-usad.
Iba Pang Tips
Para sa iba pang tips sa iyong wala pang karanasan sa digital marketing, isaalang-alang mo rin ito:
Isaalang-alang ang iyong mga naililipat na kasanayan
Huwag baliwalain ang iyong mga nalilipat na kasanayan. Ito ang magdadala as iyo mula sa isang trabaho tungo sa iba pang trabaho. Maaari itong maging matibay o malambot na kasanayan, at napagtanto mo man o hindi, malamang na taglay mo na ang ilan sa mga kasanayang kailangan mo para gawin ang iyong susunod na trabaho, kahit na hindi ka pa nagtrabaho sa larangan noon.
Magpatotohanan
Maaari kang humingi ng suporta mula sa iyong mga karakter na sanggunian upang mapatunayan na buo, kalidad, at matibay ang iyong potensyal para sa trabaho ng digital marketing.
Huwag huminto
Importanteng mapahalagahan mo ang iyong sinimulan, nang sa gayong magkaroon ka ng motibasyon na magpatuloy sa iyong trabaho. Kung ito ay pinasok mo lang dahil uso para sa marami, maaari mo itong pag-isipan kung itong trabaho ay nararapat sa’yo talaga.
Panatilihin ito at suriin ang iyong mga taktika
Bukod sa pagpapanatili ng iyong nasimulan, palaging magkaroon ng pag-ebalwasyon sa sarili upang higit na mapalawak ang iyong taktika sa larangan ng digital marketing. Tingnan din ang iyong mga likas na kalakasan at kahinaan nang sa gayon ay matimbang mo ito para sa pangmatagalang pagtatrabaho.

Content Writer
Topic tags
Share this article





Related Articles
3 min read
Paghahanda ng Resume para sa Software Engineer na Posisyon
Sa talento at mataas na demand sa industriya ng IT, hindi maikakaila ang magiging kontribusyon ng mga software engineer. Upang mangingibabaw ka sa iyong aplikasyon, ang kakaibang resume na iyong ipapasa ang magiging kasangkapan mo upang magtagumpay.


Posted 6d ago
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.


Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.


Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.


Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.


Posted Aug 20, 2024
6 min read
10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho
Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.


Posted Aug 20, 2024
Share this article




