6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Updated Aug 20, 2024
Nasanay ang tao na mag-apply sa pamamagitan ng email, o pagsusumite ng resume o curriculum vitae sa mismong website na nag-aalok, ngunit may iba pang plataporma kung saan maaari kang makipag-ugnayan para sa iyong aplikasyon, at ito ang WhatsApp.
Ang WhatsApp ay isang uri ng app na ginagamit sa pakikipag-ugnayan, at dito karaniwang bumubuo ng group chat ang mga kompanya para sa kanilang mga empleyado, o kaya ay ang pakikipagkomunikasyon para sa bukas na posisyon sa trabaho.
Mayroon itong iba’t ibang katangian at tampok na kagamitan upang maengganyo ang mga user, kagaya ng voice message, vdieo
Kung nagdadalawang-isip kang mag-apply sa WhatsApp, magpatuloy basahin ang artikulong ito para sa mas marami pang impormasyon.
Mga bagay na dapat isaalang-alang bago mag-apply sa pamamagitan ng WhatsApp
Bago sa lahat, kinakailangan mo munang i-download ang WhatsApp sa iyong selpon, o kaya bisitahin ang kanilang website, whatsapp.com kung gusto mong gumamit ng kompyuter, laptop, o tablet sa iyong pag-a-apply. Kapag nagawa mo na ito, isaalang-alang ang mga sumusunod:
Magsagawa ng pananaliksik sa trabaho at kompanya
Isa sa pagkakamali ng isang aplikante ang apply lang nang apply nang hindi nagpa-fact check sa mga kompanya at trabahong inaalok sa onlayn.
Sa kagustuhang makahanap kaagad ng trabahong mapapasukan, sumite lamang sila nang sumite nang hindi nagbabasa ng mga rebyu o bumibisita ng mga kaugnay na impormasyon ukol sa kompanyang may bukas na posisyon.
Sa ganitong palagay, bilang aplikante, nararapat na ikaw ay mahusay na manaliksik at sumuri sa tunay o hindi.
Ito ay iyong makukumpara base sa paraan ng kanilang pagpapaskil, impormasyong nakalahad, deskripsyon ng trabaho, email, website, sahod na nakalagay, at iba pang detalye.
Matatasa mo rin ito batay sa paraan ng pagbuo ng panuto, salita, at pangungusap, kung ito ba ay angkop, maayos, at madaling unawain, may tamang gramatika, at hindi lamang kinopya kung saan.
Ihanda ang mga kinakailangang dokumento
Sa iyong aplikasyon, importanteng mayroon kang dokumento na madalas hanapin ng mga kompanya kagaya ng updated na resume, ispesipikong liham para sa tagapamahala, portpolyo kung ikaw ay mayroon nang karanasan, sertipikasyon, o pagsasanay.
Kung mayroon mang mga nakapaskil sa iba’t ibang plataporma, at sila ay tuwirang nag-aalok, iwasang magkomento lamang ng “How?” o “I’m interested,” dahil mas malaki ang tyansa na hindi ikaw mapansin ng kompanya, lalo’t higit kung isa sa kanilang panuto ay magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng WhatsApp.
Paano Magtanong Tungkol sa Pagbubukas ng Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Kagaya ng pagsulat ng mga pang-aplikasyon na liham, maaari mong gamitin ang pamamaraan na ito kapag ikaw ay nagpadala ng mensahe sa WhatsApp.
Tandaang iba ito sa karaniwang pinagsusumitehan natin ng resume o curriculum vitae, dahil ito ay isang messaging app; kaya namang mahalaga kung paano ang maayos na konstruksyon ng iyong mensahe sa mga kompanya.
Bago ka magmensahe, tingnan muna ang oras at ito ay ikonsidera kung angkop ba o sila ay bukas. Madali kung ikaw ay sa lokal lamang nag-a-apply subalit kung ikaw ay sumubok sa internasyonal, kailangan mong malamang ang kanilang oras.
Pagbati
Bilang pagbati, maging magalang, at gumamit ng mga pagbati kagaya ng “Hello,” “Good morning/afternoon/evening,” o “Good day.” Ito ay isang magandang umpisa para sa maayos na usapan.
Panimula
Umiwas gumamit ng mga kaswal na pamamaraan ng mensahe na animo’y sila ay iyong kaibigan o kamag-anak.
Tandaang ikaw ay nasa propesyonal na plataporma kaya nararapat na maging pormal at may respeto sa paraaan ng pakikipagpalitan ng detalye o katanungan. Mula rito, ilahad mo kaagad ang iyong malinaw na intensyon kung bakit ka nag-apply.
Layunin at intensyon ng estado
Kung interesado ka sa pagbubukas ng trabaho, humingi ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan at responsibilidad sa trabaho.
Maging malinaw sa iyong intensyon, at huwag maghahadaling magtanong kaagad kung magkano ang sweldo. Maigi ring ilahad kung paano mo nakita ang job ad, sa pamamagitan ng pagbanggit ng sanggunian.
Pagsasara
Isara ang mensahe sa pagtatanong o paghingi ng permiso na ikaw ay kanilang balikan sa pamamagitan ng pagtawag sa iyong numero o pagpapadala ng email. Huwag ding kalimutang magpasalamat.
Halimbawa ng Pag-abot sa Mga Employer sa pamamagitan ng WhatsApp
Halimbawa ng paghahanap ng trabaho sa wikang Ingles/English
“Good morning. I am Ranjit Soraya. I’m interested in job vacancies in the Visual Arts field that may be available at your organization. I have experience as a Graphic Designer, Multimedia Editor. Do you have further details about open positions?”
Halimbawa ng paghahanap ng trabaho sa wikang Filipino
“Magandang araw. Ako po si Leovine Marcelo. Ako po ay interesado sa pagpapasa ng aking resume para sa bukas na posisyon ng Visual Arts na maaaring bukas sa inyong kompanya. Mayroon na akong karanasan bilang Graphic Designer at pagiging Multimedia Editor. Mayroon ka bang karagdagang mga detalye tungkol sa mga bukas na posisyon?"
Halimbawa ng paghahanap ng trabaho sa WhatsApp nang pormal
“Good day, Mr/Ms. Lopez, my name is Daniel Dumpit. I’m interested in exploring various opportunities in the field of Visual Arts that may be present at your company. I was a Graphic Designer and Multimedia Editor, and have previous experience in creating social media campaigns and posters. Could you please provide more details should there be any relevant jobs available? Thank you very much!”
Mga Tip
Para sa mga halimbawang naipakita sa taas ng artikulong ito, narito naman ang ilang tips na maaari mong sundin upang maging matagumpay ang iyong aplikasyon sa WhatsApp:
Gumamit ng tamang larawan sa profile
Kung ikaw ay pormal nang nag-a-apply sa WhatsApp, iwasang gumamit ng mga profile na hindi akma kagaya ng anime, emoji, mukha ng mga artista, o iba pang litrato na hindi kaugnay sa iyong interes.
Ayusin ang iyong larawan at siguraduhing kita ang iyong kabuuang mukha, may maayos na background, at may angkop na kasuotan sa imahe.
Panatilihing maikli at malinaw
Sa iyong aplikasyon sa WhatsApp, manatiling magkaroon ng maikli at malinaw na mensahe sa iyong makakausap na hiring specialist o manedyer.
Iwasan ang mahahabang detalye sa iyong sarili, at maging simple at payak lamang sa pagpapahayag ng iyong kagustuhang makapasok sa kanilang organisasyon.
Huwag ding kalimutang ilahad ang iyong karanasan sa karera na magtutulak sa iyo upang mangingibabaw.
Gumamit ng magalang at kumpletong wika
Natural na sa mga Pilipino ang nagpapaikli o gumagamit ng ibang pamamaraan ng pagtiipa ng mga salita habang nagmemensahe.
Subalit sa pag-a-apply, nararapat na gumamiT ng kumpletong wika, at buong salita. Gumamit din ng tamang pagbabantas sa mga pangungusap upang madaling maunawaan.
Magtanong o magpadala ng mga aplikasyon sa oras ng trabaho (Hindi maiiskedyul ang WhatsApp)
Hindi naiiskedyul ang WhatsApp kaya alamin ang tamang oras upang magmensahe. Siguraduhing ikaw ay nagsaliksik muna bago magpadala ng mensahe sa kanila upang masigurong sila ay kaagad na sasagot sa iyong aplikasyon.
Gumamit ng mga link para sa paglakip ng mga resume at portfolio
Manigurong ikaw ay may kumpletong dokumento sa iyong aplikasyon kalakip ang iyong resume o curriculum vitae, at portpolyo kung mayroon man. Sa paglalapat ng link sa WhatsApp, siguraduhing ang bawat link ay gumagana at bumubukas kapag ito ay napindot ng kompanya.
Handa ka na bang gumamit ng WhatsApp?
Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa at simulan mo na ang iyong aplikasyon para sa matagumpay na paghahanap ng iyong inaasam na trabaho!
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 na Pambahay na Trabaho na Nag-aalok ng Magandang Sahod
Nag-aalala ka ba sa pag-commute at pag-iiwan ng pamilya? Tingnan ang mga pambahay na trabaho na nag-aalok ng mataas na sahod! Mula sa software developer hanggang digital marketer, alamin ang mga trabahong puwedeng gawin mula sa bahay na may magagandang sweldo. Find the perfect work-from-home job for you!
Posted Aug 12, 2024
Share this article