Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal

5 min read

Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal

Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.

Lovely Ann

Updated Aug 12, 2024

Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal

Isa ba sa iyong konsiderasyon ang magtrabaho na lang sa loob ng iyong tahanan?

Noong dumating ang pandemik at lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo, higit dumami rin ang mga nagengganyong maghanap ng trabaho sa malayo. Ang iba naman ay napilitang kumuha ng bakanteng trabaho na kayang gawin sa loob ng bahay.

Sa ganitong kondisyon, marami rin sa mga empleyado ang napagtantong may mga benepisyong hatid din naman pala ang paghahanapbuhay kahit wala ka sa opisina o pisikal na lugar ng iyong trabaho.

1. Developer

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Ang mga developer ay responsable sa kabuuang teknikal na aspeto kagaya ng bilis at search engine optimization. Sila rin ang nagpapanatili, lumilikha, at nagreresolba ng mga website upang magkaroon ng maayos na teknolohiya, edukasyon, at negosyo.

Kabuang Sahod: P34, 528

2. Digital Marketer

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Sa mga kumpanyang mayroong website, sila ay lubos ding nangangailangan ng digital marketer. Ang kasanayan sa trabahong ito ay maaaring base rin sa organisasyon, espesyalisasyon, at industriyang tutunguhan, ngunit maaari kang maging bihasa sa paggawa ng mga content, search engine optimization, at pag-promote ng mga produkto, serbisyo, o brand gamit ang iba't ibang espasyo sa midya.

Kabuang Sahod: P47, 626

3. Social Media Manager

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Sa katunayan, ang lahat ng tao ay gumagamit ng iba’t ibang plataporma kagaya ng Facebook, X, Instagram, TikTok, LinkedIn, at YouTube. Maaari mong gawin ito bilang isang freelancer, at pamahalaan ang mga social media account ng maraming maliliit na kumpanya.

Kabuang Sahod: P43, 137

4. Writer

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Ang pinakamabilis mong maaaring makuhang trabaho ay ang pagiging manunulat. Batay sa iyon niche at estilo, maaari kang maging content writer, technical writer, UX writer, o copywriter.

Kabuang Sahod: P20 000 - P40 000

5. Project Manager

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Sa halos lahat ng indsutriya ay mayroong gumaganap na project manager. Sila ang namamahala sa pangkalahatang proyekto, nagbibigay ng gawain sa mga empleyado, at responsable sa pag-o-organisa at pagsasaayos nito bago ipasa sa kanilang kliyente.

Kabuang Sahod: P40, 000

6. Designer (UI/UX, Graphic Design)

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Isa rin ito sa patok na trabaho sa kasalukuyan para sa mga gusto sumubok na lumipat sa onlayn. Kung ay interesadong maging designer, maaari mong simulan ang pag-aaral ng web designing para malaman ang iba’t ibang elemento ng kulay, layout, graphic, at ibang disenyo. Sa trabahong ito, lubos kang magtutuon sa kung ano ang nakikita ng isang indibidwal kapag nakikipag-ugnayan sa software at website ng iyong kumpanya.

Kabuang Sahod: P17, 000 - P25, 562

7. Product Manager

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Sa pagiging product manager, ilan sa mga responsibilidad mo ang pagkolekta ng komento ng iyong mga kustomer, magbigay-alam sa kondisyon ng produkto. Ikaw rin ang mangungunang mamuno sa pagbuo ng produkto, at pagsusuri sa sa kabuuang pagganap at resulta nito.

Kabuang Sahod: P57, 939

8. Financial Advisor

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Ang mga financial advisor ay karaniwang nagtatrabaho nang full time, at nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kliyente tuwing gabi o katapusan ng linggo. Ang kanilang trabaho ay magbigay ng payo upang matulungan ang mga indibidwal na pamahalaan ang kanilang pera at magplano para sa kanilang pinansiyal na hinaharap.

Kabuang Sahod: P22, 728 - P32, 990

9. Data Analyst

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Sa totoo lang, in-demand ang trabaho bilang data analyst. Sila ay nag-aayos at nag-aanalisa ng iba’t ibang impormasyon para masuportahan ang desisyon ng isang korporasyon. Sila ay bihasa sa pagtukoy ng mga asset ng datos ng kompanya at nakikipagtulungan sa ilan ding maliliit na kagawaran.

Kabuang Sahod: P40, 000 - P50, 000

10. Customer Service Representative

Mga Tungkulin at Responsibilidad: Kung ikaw ay komportableng humawak ng iba’t ibang kagamitan kagaya ng kompyuter, headshet, at magaling sa pakikipagkomunikasyon, maaari kang magtrabaho bilang customer service representative. Tipikal na sakop ng iyong trabaho ay ang pagsagot ng mga tawa at katanungan mula sa iyong kliyente at matugunan nang lubos ang kanilang pangangailangan.

Kabuang Sahod: P17, 000

5 na Benepisyo ng Pagtatrabaho sa Malayo

Narito ang limang benepisyo ng pagtatrabaho sa malayo:

Balanse sa buhay sa trabaho

Kung ikaw ay naghahangad na magtrabaho sa malayo o onlayn, magkakaroon ka ng balanse sa pagitan ng iyong buhay at trabaho. Habang ikaw ay nasa loob ng iyong tahanan, may panahon ka pa rin sa iyong sarili, pamilya, at mga libangan. Hindi mo na kailangan magtakda ng oras upang ito ay gawin.

Kabawasan ng oras sa byahe

Ang isang benepisyo pa ay ang kabawasan ng iyong oras sa byahe. Karaniwan, higit na pagod ang mga manggagawa sa pagbyahe sa araw-araw kaysa ang matagal na pananatili nila sa loob ng opisina o lokasyon ng kanilang trabaho. Kung ikaw ay nasa bahay lamang, hindi mo na kailangan pang gumising kaagad nang maaga, o maghanda para sa kinabukasan, o maglaan ng pamasahe at pagkain bago pumasok.

Higit na pagiging produktibo

Sa paghahanapbuhay sa loob ng tahanan, kaya mong maging produktibo dahil wala kang pangamba sa iyong paligid. Magaan kang makakagalaw sa anumang oras na nais mo.

Mas tipis sa gastusin

Bukod sa nabanggit na kabawasan ng oras sa byahe, hindi mo na rin kailangang gumastos nang mas malaki dahil una, hindi ka na magkokomyut, hindi mo na kailangang bumili ng pagkain, o maglaan ng pera kung sakaling bigla kang ayain ng iyong mga katrabaho mamasyal o tumambay saglit bago umuwi.

Pagtatrabaho kahit saan

Kung hindi pisikal ang iyong trabaho, ibig sabihin ay mas makapaglalan ka ng panahon para gumala o mamasyal habang ikaw ay nagtatrabaho kahit saan. Kailangan mo lang dalin ang iyong gadyet sa trabaho, at ikaw ay malayang makakapagtrabaho kahit saan.


May ideya ka na ba sa gusto mong maging trabaho? Ihanda at iayos mo na ang iyong resume o curriculum vitae, at pagkatapos ay ipasa sa Epicareer!

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles