5 min read
Paano Gumawa ng Resume ang mga Bagong Gradweyt na Walang Karanasan?
Bagong gradweyt at walang job experience? Alamin kung paano gumawa ng winning resume para sa mga walang karanasan at simulan ang iyong career journey nang may kumpiyansa!
Updated Aug 5, 2024
Kakagradweyt mo lang ba, at walang karanasa sa trabaho noong nag-aaral pa? Paano mo ito malalampasan nang hindi nakakaramdam ng pagkaligaw o pangamba sa pagsisimula ng iyong karera?
Sa katotohanan, marami sa mga mag-aaral na katatapos lamang ang hirap kung paano mag-uumpisang “muli,” matapos ng kanilang tagumpay na makakamit ng diploma. Narito na naman ang presyur at pagkabalisa kung paano nga ba mabilis makakahanap ng trabaho.
Sa kabilang banda, isa sa pangangailangan ng institusyon, mga guro, estudyante, at bawat departamento, ang pangangailangang dumaan sa internship o on-the-job training ng mga kabataan bago sila patuntungin sa entablado sa araw ng pagtatapos. Sa sirkumstansyang ito, mayroon na silang pundasyon at ito ang kanilang resume bilang intern.
At gayong sila ay nasa mundo na ng reyalidad, mahalagang alamin nila ang mga lalamanin ng gagawin nilang resume lalo kung sila’y wala pang naging trabaho.
Format ng Resume para sa mga Graduate na walang Karanasan
Sa isang asignatura ng pag-aaral, itinuro ng mga guro at nagbigay rin sila ng halimbawa ng pormat para makagawa ng isang resume, ngunit iba-iba ang tinatawag na pamantayan ng mga industriya at kompanya. At para maging matagumpay ka sa paggawa nito, sundin lamang ang mga sumusunod na alintuntunin:
1. Magdesisyon sa pormat na gagamitin para sa resume
Maraming uri ng resume ang pwedeng pagbatayan subalit bilang baguhan sa karera, maaari mong gamitin ang kronoholikal na pormat para sa pagbabalangkas ng iyong impormasyon.
2. Gumamit ng mahahalagang ulo ng resume
Para naman sa iyong profile, huwag kalimutang ipakilala ang sarili. Ilagay mo ang mahahalagang detalye kagaya ng iyong buong pangalan, email address, at link ng iyong portpolyo kung mayroon man.
Halimbawa:
[Buong Pangalan]
[Tirahan]
[Numero ng Telepono]
[Email Address]
3. Magsama ng buod na pahayag
Ang buod na pahayag ay palaging matatanaw sa umpisa at ibabaw ng iyong resume. Dito mo madidikta ang iyong karanasan, kakayahan, at magiging kontribusyon at tunguhin mo para sa isang partikular na kompanya.
4. Ilista ang iyong kakahayan
Mayroong matigas at malambot na kakayahang tinatawag. Ang matitigas na abilidad ay tumutukoy sa mga teknikal na gawain kagaya ng pagsusulat, coding, pag-a-analisa ng datos, SEO, at marami pang iba pa.
Para naman sa malalambot na kakayahan, ito ang mga katangiang hinahasa mo sa matagal na panahon. Ito ay maaaring ang kagalingan mo sa pakikipag-ugnayan sa ibang miyembro ng kompanya, pagiging organisado, pagsunod sa tamang oras ng pagsusumite ng gawain, pagiging aktibo at matulungin, at iba pa.
5. Maglapat ng mga kaugnay na karanasan
Kung ikaw ay walang karanasan noong nag-aaral ka pa, maaari mong ilista ang mga karanasan kagaya ng pagdalo sa mga pagsasanay o internship program, pagtungo sa mga seminar o webinar, pagsali mga iba’t ibang tagisan, at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa a-apply-an mong posisyon.
6. Bigyang-diin ang iyong edukasyon
Isang salik na makapagpapa-ungos ng iyong aplikasyon ay ang iyong edukasyon. Mula rito, makikita nila kung saan ka nagtapos, ano ang programang kinuha mo noong nag-aaral ka pa, at ilang taon kang nag-aral. Matatanaw rin dito ang listahan ng mga iyong napagtagumpayan sa loob ng ilang taon mong pag-aaral.
Halimbawa:
[Pangalan ng Paaralan]
[Kurso]
[Taon - Taon, Lugar ng Paaralan]
[Grado]
- Aktibidad/Gawain Iyong Nagawa (opsyonal)
- Mga Napagtagumpayan (opsyonal)
7. Ilagay ang sertipikasyon at ibang online na kurso
Kung ikaw ay aktibo na magparehistro at magpatala sa mga online na kurso, at ikaw ay nakakakuha ng sertipikasyon mula rito, libre at pribiliheyo mo itong mailalagay sa iyong resume. Ito ay nakakapagpataas ng kalidad ng iyong aplikasyon, at makakatulong sa iyong trabaho sa hinaharap.
Mga Tip para Gumawa ng Resume na Walang Karanasan
Ang paggawa ng resume ay hindi paunahan; ito ay pinaglalaanan ng panahon at atensyon upang maisaayos ang bawat konteksto nito. Para sa mga payak na hakbang na maaari mong gawin, maging pamilya sa mga pamamaraan na ito:
I-proofread nang mabuti ang nilikhang resume
Siguraduhing magkakaugnay ang bawat ideya ng nilalaman ng iyong resume, at hindi paligoy-ligoy. Maiging suriin din ang mga salita, gramatika, pati na ang pinal na pormat nito. Tingnan kung may naiiwan o nahihiwalay na seksyon, o kung pantay-pantay ba ang bawat mardyin.
Magkaroon ng matibay na kumpyansa
Sa paggawa ng resume, kinakailangang ikaw ay may sapat na kumpyansa sa iyong sarili. Hindi ito isang proseso na sa isang sungkit mo lamang ay makukuha mo na ang resulta. Kailangan mo itong pagtrabahuhan at bigyang-atensyon upang magtuloy-tuloy ang iyong progreso, at siguraduhing ang lahat ng nilalaman ay iyong isinasabuhay.
Panatilihin itong maigsi
Simple lamang. Ilista mo ang lahat ng iyong napagtagumpayan, maging direkta sa paglalapat, at huwag gumamit ng mabubulaklak na mga salita. Ang resume ay iyong pormal na identidad sa pagpasok sa reyalidad, at ito ang tutulong sa iyong makamit ang ninanais mong karera sa buhay.
Halimbawa at Template ng Resume para sa mga Walang Karanasan na Gradweyt
Upang ikaw ay matulungang maghanda ng iyong resume, tingnan ang halimbawa ng template na inihanda ng Epicareer para sa’yo:
Juana C. Dela Cruz
Malate, Manila, Philippines
+63 915 000 0000
Isang propesyonal na manggagawa na nagbibitaw ng kalidad na resulta sa isang gawain. May karanasan bilang Service Agent noong nagsasanay bilang Intern sa [Pangalan ng Kompanya]. May kasanayan sa pagsagot ng mga katanungan sa email o tawag, at kayang maihatid ang mga responsibilidad sa tamang oras.
Edukasyon
School of the Arts
Performing Arts Major in Theatre Arts
2018 - 2022, Manila, Philippines
GWA: 1.26
Kaugnay na Kurso
- Stage Management Course
- Analysis and Directing
- Pedagogical Approach Course
Mga Gantimpala
- President’s List, 2018 - 2022
- Summa Cum Laude, 2022
- Outstanding Leader, 2020
- External Vice President, Theatre Guild, 2019 - 2021
Mga Karanasan
Assistant Stage Manager | 2020 - 2021, Arts of Freedom Organization, Arts of School, Manila, Philippines
- Suporta sa Produksyon: Tumulong sa pamamahala ng mga aktibidad sa backstage, kabilang ang pag-aayos ng props, costumes, at set pieces para sa maayos na daloy ng produksyon.
- Pakikipag-ugnayan sa Koponan: Nakipag-ugnayan sa mga aktor, direktor, at iba pang miyembro ng produksyon upang tiyakin ang tamang timing at eksaktong pagsunod sa script.
- Pagtutok sa Detalye: Siguradong lahat ng bahagi ng produksyon ay nasa tamang lugar at maayos, mula sa mga teknikal na aspeto hanggang sa stage cues, upang mapanatili ang mataas na kalidad ng pagtatanghal.
- Pamamahala ng Oras: Inayos ang oras ng rehearsals at actual performances upang masiguro na natutugunan ang lahat ng deadlines at nagpapakita ng propesyonalismo sa bawat yugto ng produksyon.
- Pagresolba ng Problema: Agad na inaaksyunan ang mga hindi inaasahang isyu sa stage, tulad ng mga teknikal na problema o pagkukulang sa props, upang maiwasan ang pagkakaantala ng mga pagtatanghal.
Mga Kakayahan
- Directing
- Acting
- Stage Management
- Production Management
- Procurement
- Business Development
- Leadership
- Presentation Skills
Gamit na Lenggwahe
Filipino, Ingles
Ang template sa itaas ang magsisilbi mong gabay upang higit na kilalanin ang iyong sarili. Gayundin, para sa mas mabilis na paghahanap ng una mong trabaho, isumite ang iyong ihahandang resume sa website ng Epicareer para palawakin ang iyong oportunidad na tumalon sa iyong unang karera.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho
Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho
Alamin kung paano mag-email sa recruiter para sa trabaho! Simple at praktikal na tips para mas mapansin ang application mo at magawa ang tamang first impression.
Posted Aug 13, 2024
4 min read
Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan
Bagong graduate at walang experience? Walang problema! Basahin ang mga simpleng tips na ito kung paano gumawa ng resume na magugustuhan ng recruiters. Bigyang-diin ang edukasyon at mga soft skills, at siguraduhing ATS-friendly ang format mo. Handa ka na bang sumabak sa trabaho? Alamin dito!
Posted Aug 13, 2024
7 min read
Paano Gumawa ng Email Cover Letter
Alamin kung paano gumawa ng email cover letter na standout at maganda ang dating sa mga hiring managers. Simple at diretsong mga tips para makuha ang trabaho mo!
Posted Aug 12, 2024
Share this article