6 min read
Paano Panatilihing Produktibo ang Sarili sa Trabaho?
Isa ka rin ba sa naghahanap ng paraan kung paano mapanatili ang iyong produktibidad sa trabaho? Alamin ang mga mahahalagang tip at diskarte upang maging epektibo at maging mas magaan ang iyong trabaho sa Career Guide by Epicareer Philippines. Basahin ang higit pang impormasyon at magsimula nang mapabuti ang iyong karera ngayon pa lang.
Updated May 29, 2024
Para sa marami sa atin, ang pagiging produktibo ay isang ganap na kabutihan, isang malinaw na layunin para sa ating sarili tulad ng sa lugar kung saan tayo nagtatrabaho.
Ito ay tila isang direktang salamin ng ating simula at kasalukuyang progreso sa buhay, subalit hindi tayo tuwirang makapagbibigay ng tamang depinisyon para dito.
Ano ang pagiging Produktibo sa Lugar ng Trabaho?
Sa trabaho, hindi ibig sabihin na ikaw ay may listahan ng mga dapat gawain, ikaw na ay produktibo.
Sa personal na buhay, trabaho, at iba pang aktibidad, maaari kang maging produktibo, subalit bilang empleyado, iba ang tunay na kahulugan at kondisyon nito.
Ayon sa Bureau of Labor Statistics, ang pagiging produktibo ay isang sukatan ng pagganap sa ekonomiya na naghahambing sa dami ng mga produkto at serbisyong ginawa.
Kaugnay nito, ang pagiging produktibo ay susi sa kakayahang kumita at makadama ng pangmatagalang tagumpay ng isang kumpanya. Sinusukat nito kung gaano karaming output ang maaaring gawin ng isang organisasyon mula sa mga mapagkukunan tulad ng paggawa, kapital o hilaw na materyales.
Kahalagahan ng pagiging Produktibo
Kung mapapalago ng isang organisasyon at kanilang mga miyembro ang kanilang pagiging produktibo, maaari silang makalikha ng mas maraming resulta mula sa mga mapagkukunan nito.
Mayroong iba’t ibang perspektibo kung paano natin tinitingnan ang ating pagiging produktibo bilang indibidwal.
- Pagmasdan ang mga ekonomista, politiko; madalas nilang pinag-uusapan ang mga malalawak na antas nito.
- Ang mga pinuno at tagapamahala ng negosyo ay nag-iisip tungkol dito sa mga tuntunin ng kanilang mga koponan at empleyado na nagtatrabaho sa isang hybrid na kapaligiran.
- At tayo naman ay gumagawa ng ilang pagtatasa kung tayo ay "nakadama" na napakaproduktibo natin sa isang partikular na araw.
▶ Kaugnay na Artikulo: Nangungunang 10 na mga Kumpanya ng Virtual Assistant na may Malaking Benepisyo
Mga Salik na Nakakaapekto sa pagiging Produktibo ng Empleyado
Kung gusto mong palawakin ang iyong pang-unawa sa mga salik na nakakaapekto sa empleyado at pagiging produktibo nito, basahin ang mga detalye sa ibaba:
Lugar ng Trabaho
Malaki ang impluwensya ng lugar ng trabaho sa pagganap ng isang empleado.
Kasama na rito ang kanilang estilo sa pamamahala, kultura at halaga ng kumpanya, paraan ng pakikipagkomunikasyon, at tiwala.
Ang pamumuhunan sa pagpapabuti ng bawat isa sa mga lugar na ito ay nakakatulong na maiwasan ang isang nakakalason na kapaligiran sa trabaho at mapapataas ang pagiging produktibo.
Pagdami ng Oportunidad
Bilang manggagawa, tayo ay sumusubok pa ng ibang pagkakataon upang palaguin ang ating karera.
Hinahamon nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng iba pang aktibidad, pagtuklas ng ibang kakayahan, at bumubuo ng kanilang network.
Pagkakataong Makipag-ugnayan
Ang totoo, mayroong mga empleyado na hindi mahilig makipag-ugnayan, sila ay klase ng tao na trabaho lang ang itinungo sa opisina, at pagkatapos ay uuwi na.
Subalit, mahalaga rin na ikaw ay pasimple at nagiging bukas sa pakikipag-usap dahil makakatulong ito upang magkaroon kayo ng mas maraming ideya upang palaguin ang inyong organisasyson.
Pagtanggap ng Komento sa Manager at Katrabaho
Ang pagkakaroon ng ebalwasyon sa trabaho at pagtanggap ng kritisismo at komento mula sa iyong lider at mga kasama ay isang paraan upang higit na kilalanin ang iyong sarili, at timbangin din ang iyong kabuuang pagganap.
Sikolohikal na Pangkaligtasan
Ang makaramdam ng sikolohikal na pangkaligtasan ay nagsisilbing pundasyon upang matulungan ang bawat grupo ng kumpanya na hindi lamang magtrabaho, kundi patibayin nito ang kumpyansa ng bawat isa upang makilahok sa mga gawain at proyekto, lalo kung kayo ay nasa remote na trabaho.
Paggamit ng instrumento at iba pang kagamitan
Isa pa sa mga mahalagang salik na dapat ikonsidera sa pagiging produktibo ay ang kanilang kakayahang gumamit ng iba’t ibang instrumento at iba pang kasangkapan upang magtrabaho pa nang maigi. Ang pagkakaroon ng mga sistema at proseso sa lugar para sa mga empleyado.
Malinaw na Pag-asa
Ang pagkakaroon ng malinaw na pag-asa bago simulan ang isang proyekto ay maaaring magsalba sa mga grupo partikualar na ang kanilang oras. Ang pamumuhunan sa oras nang higit maaga ay nakakabawas sa oras na kailangan para sa mga rebisyon o pag-uulit ng gawain.
Paano Hasain ang Sarili upang maging Produktibo?
Maghanap ng mga tao bilang mga huwaran
Kung nakakakita ka ng mga taong bihasa sa paggamit ng kanilang pagiging produktibo, maaari mo silang tanungin kung paano nila pinapabuti ang kanilang mga sarili at ginagamit ang kanilang mga diskarte upang maiwasan ang pagsasayang ng oras o pagpapaliban.
Lumikha ng listahan ng dapat gawin at mga dapat iwasan
Isang pambihirang alternatibo ay ang ilista ang mga dapat gawin at mga dapat iwasan upang hindi mabawasan ang pagiging produktibo, ngunit magsisilbi itong paalala para masukat mo ang iyong kakayahang hatiin ang iyong atensyon nang balanse at patas.
Magkaroon ng saglit na paghinto sa trabaho
Tandaan na ang pagbibigay ng isandaang porsyentong oras at pokus sa trabaho ay kapaki-pakinabang subalit kailangan mo ring magkaroon ng saglit na paghinto sa bawat gawaing mayroon ka.
Maaari kang gumamit ng mga work timer upang matulungan kang makatapos nang maayos sa iyong trabaho,
Iwasan ang mga nakakagambalang aktibidad
Sa trabaho, maaaring maraming makagambala sa iyo lalo kung katabi mo ang iyong sariling gadyet kagaya ng selpon, tablet, o iba pa.
Kung sa gitna na iyong gawain ay nagkaroon ka ng panandaliang paghinto, iwasan din ang pag-scroll o pagtingin sa social media o ibang bagay na makahahati ng iyong atensyon.
Matuto mula sa nakaraan
Kung may mga panahon o oras ka sa iyong mga nakaraang gawain na may negatibong resulta mula sa iyong paggawa, maaari mo itong alalahanin, upang mabawasan o hindi mo na ito maulit pa.
Tuklasin kung kailan ka pinakaproduktibo
Nalilito ka pa rin paano mo ilalapat ang iyong sarili upang maging produktibo?
Maaari mong subaybayan ang iyong mga aktibidad araw-araw at pag-isipan kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa kalidad at halaga ng resulta upang makita kung kailan ka pinakaproduktibo.
Kung nakikita mo ang iyong sarili na madalas lumiliban o nahihirapang magpokus, tandaang hindi ka nag-isa. Sa tulong ng Epicareer, madadagan mo ang iyong pagiging produktibo at tataas ang iyong kumpyansa at halaga sa trabaho.
▶ Kaugnay na Artikulo: Kailan Maaaring Magbago ng Karera sa Buhay?
Sa pagiging produktibo sa trabaho, mahalaga ang pag-unawa sa mga salik na nakakaapekto rito at ang pagpapakilos sa mga hakbang upang mapabuti ang iyong sarili.
Subukan ang mga tips na nabanggit sa artikulong ito at palaging pagtuunan ng pansin ang iyong pag-unlad.
Para sa iba pang mga gabay at payo sa karera, basahin ang Career Guide by Epicareer Philippines. Makakaasa kang makakakuha ka ng mas marami pang impormasyon at kagiliw-giliw na tips na makakatulong sa iyong tagumpay sa karera.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article