Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Mga Hakbangin sa Pagsulat ng Internship Resume ng mga Estudyante

7 min read

Mga Hakbangin sa Pagsulat ng Internship Resume ng mga Estudyante

Alamin kung paano gumawa ng epektibong internship resume para sa mga estudyante. Sundin ang mga hakbang at tips upang mapansin ng mga kompanya at makapagsimula sa iyong OJT nang maayos.

Lovely Ann

Updated Jun 5, 2024

Mga Hakbangin sa Pagsulat ng Internship Resume ng mga Estudyante

Isa sa mga pinakaimportanteng bagay na dapat matutunan ng isang estudyante bago magtapos ng pag-aaral ay gumawa ng kanilang resume.

At para sa mga gagradweyt, daraan muna sila sa pagsasanay o tinatawag na internship o on-the-job training program. Ito ay isang hakbang, kasama sa bilang at pangangailangan ng bawat programa o kurso bago makapasa ang isang estudyante, at tumuntong sa bagong landas ng pagtatrabaho.

Paano lumikha ng Isang Epektibong Resume?

Unti-unti kang bumuo ng isang resume sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:

1. Magsaliksik ng mga pangangailangan at responsibilidad

Bilang estudyante, mayroon ka nang pundasyon kung ano-anong klaseng trabaho o posisyon ang iyong pagsanayan kapag ikaw ay nag-umpisang maging intern.

Ngunit, mahalagang alam mo ang proseso kung paano ang sistema ng mga kompanya o industriyang tumatanggap o nagbubukas ng oportunidad para sa mga mag-aaral na sasabak sa On-The-Job Training o OJT.

2. Alamin ang mga bukas na organisasyon o industriya

Upang maging dakila ang iyong pagsasanay, maghanap ka ng mga organisasyon, industriya, o kompanya na makatutulong sa iyo upang makamit ang takda o pangangailan mong oras upang matapos mo ang Internship.

Maaari kang magtanong sa iyong mga kakilala, kaibigan, o iba pang network upang ikaw ay kanilang matulungan, o kung hindi mana ay makapagtanong din sa ibang koneksyon.

3. Bumuo ng listahan para sa mga trabaho o posisyong maaari mong pasukan sa hinaharap

Bago pa man mag-umpisa, ilista mo na ang mga trabahong nais mong sanayin para sa iyong OJT, nang sa gayon, hindi ka kapusin ng oras para maghanap ng mga bukas na posisyon, at hindi rin maubusan ng pagpipilian.

4. Magdesisyon sa mga impormasyong nararapat na nakapaloob sa isang resume

Iwasang maglagay ng mga impormasyong wala namang koneksyon sa lalamanin ng iyong resume. Manatiling payak at direkta sa paglalagay ng detalye upang mabilis itong mabusisi ng kompany o organisasyong pwedeng tumanggap sa iyo.

Ilan sa mga impormasyong maari mong gamitin sa pagbabalangkas ng iyong resume ay ang mga sumusunod:

  • Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan (numerong gagamitin para sa mga propesyonal o pormal na gawain)
  • Seksyon ng Profile (isang maikling pahayag na nakasulat sa itaas ng iyong resume tungkol sa iyong posisyon, kakayahan, o karanasan)
  • Edukasyon
  • Karanasan sa Trabaho at pagiging Lider (panloob o panlabas na gawain)
  • Kakayahan at Kwalipikasyon (matitigas at malalambot na kasanayan)

5. Sa seksyon ng profile, maglapat ng matibay na layunin na pahayag

Tandaang sa paglikha sa seksyon ng profile, kinakailangang ito ay makatotohanan at angkop sa a-apply-an mo para sa iyong OJT. Ito ay isang deskripsyong maglalarawan sa iyong kapasidad at karanasan.

6. Sa anumang nauugnay na mga seksyon, gamitin ang prinsipyo ng Action, Quantifiable, Specific (AQS)

Pataasin ang kalidad ng iyong internship resume gamit ang prinsipyo ng AQS (action, quantifiable, specific).

Bukod sa totoong impormasyon na makatutulong ikaw ay maging kwalipikado, gumamit ng mga pandiwa na magbibigay ng diin sa iyong karanasan at kakayahan.

Paglalagay ng numero o porsyento sa iyong kontribusyon sa trabaho ay isang salik din upang mapansin ang iyong resume katulad ng “Pinalaki ang benta ng 25%.”

7. Panghuli, ayusin ang pormat, i-edit, at tapusin ang resume

Kasama sa pagsasaayos ng iyong internship resume ang pagiging organisado.

Bago ito isumite sa mga website o email address ng kompanya o organisasyon, maiging pinuhin ang iyong inihandang resume. Ang pagwawasto ng salita, gramatika, pormat, titulo, at iba pang seksyon, malaki itong puntos upang ikaw ay makaungos sa aplikasyon.

Mga Paraang Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Internship Resume

Ilagay ang mga pinakamagandang kwalipikasyon sa umpisa ng resume

Sa panahon ng internship ng mga estudyanteng kagaya mo, siguradong hindi lamang ikaw ang naghahangad na makapasok agad sa isang organisasyon o kompanyang naghahanap ng sasanayin na indibidwal.

Nararapat na maging wais ka, at siguraduhin din na lahat ng nilalaman sa iyong internship resume ay kaugnay sa posisyong iyong papasukin.

Gumawa ng maikli ngunit malinaw na impormasyon

Sa paggawa ng resume, ang pinakasimple at diretsong detalye ang mas kapansin-pansin. Iwasang pahabain o maglagay ng maraming salitang hindi naman gaanong importante sa posisyong iyong a-applyan.

Huwag maglapat ng mga pekeng detalye tungkol sa sarili, maging direkta, at iwasang maglagay ng mga paligoy-ligoy na salita

Bilang mag-aaral, nasa panuto ng iyong mga instruktor na maging totoo sa anumang oras, at parating isaalang-alang ang etikal na konsiderasyon sa pagsasaayos at pagwawasto ng iyong internship resume.

Kaya naman, nararapat na kilala mo ang iyong sarili higit sa nino man, upang ikaw ay makapagbalangkas nang may integridad sa iyong darating na OJT.

Kumonsulta sa iyong sariling network upang makakuha ng puna at payo

Bagaman marami nang mga naglalabasang template at halimbawa ng resume sa Internet websites, mabuting kumonsulta para sa iyong network upang malaman mo ang mga dapat at di-dapat gawain sa iyong pagsasanay.

Sa ganitong kondisyon, hindi ka makakaramdam ng pagkagulat sa kultura ng isang organisasyon o kompanyang tatanggap sa iyong aplikasyon.

Mga Bagay na Dapat Iwasan sa Paglikha ng Internship Resume

Bilang sumisibol pa lamang ang iyong kaalaman sa paggawa ng internship resume, narito ang mga bagay na dapat mong iwasan sa iyong proseso:

Mga Pagkakamali sa Pagbabaybay at Gramatika

Di natin napapansin ang mga salitang nagagamit natin sa paggawa ng resume, kaya di rin naiiwasan na may mga mali sa baybayin, gramatika, at ideya.

Sa ganitong sitwasyon, huwag kalimutang iwasto ito bago ipasa sa iyong pag-a-apply-an na organisasyon.

Hindi Mahahalagang Personal na Impormasyon

Nakasanayan na nating maglagay ng mga impormasyon umiikot tungkol sa atin, ngunit sa resume, hindi mahalaga kung ano ang paborito mong kulay, gulay, o pasyalan, kaya ito ay iwasan.

Mga Dagdag na Nilalaman

Pakiiwasan din ang paglalagay ng mga sumusunod na detalye, malibang na lang kung kinakailangan ng isang partikular na kompanya:

  • Litrato
  • Mga Detalye ng Kontak para sa Iyong mga Sanggunian
  • Hindi pambihirang mga resulta ng akademiko

Hindi sa lahat ng panahon ay naglalagay tayo ng litrato, reperensya, at iba pang pang-akademikong tagumpay, dahil sa kasalukuyan, higit na nakapokus ang mga organisasyon sa iyong kakayahan at karanasan, o kung wala ay ang iyong pinakamahalagang kwalipikasyon at katangian para sa isang posisyon sa trabaho.

Paggamit lamang ng isang resume para sa lahat ng okasyon

Ang resume na ginagamit sa lahat ng okasyon ang isa sa pinakamaling gawain ng isang aplikanteng nagsisimulang humanap ng trabaho. Karaniwan ay binabalewala o tinatanggihan kaagad ito ng isang organisasyon o industriya lalo na kung hindi naman nakalinya sa posisyong hinahanap nila.

Halimbawa ng Internship Resume

Upang magabayan ka sa paggawa ng internship resume, maaari mong isaalang-alang ang mga sumusunod na balangkas ng detalye:

Seksyon na Profile

Ang seksyon na profile kagaya ng nabanggit sa itaas ng artikulo na ito ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong unang makikita ng hiring specialist o recruiter. Maiging gumamit nang maayos na pormat na mababasa at malinaw.

[Buong Pangalan]

[Tirahan]

[Numero ng Telepono]

[Email Address]

Pahayag na Layunin

Sa kabilang banda, mahalaga rin ang pahayag na layunin sapagkat ito ang magbibigay ng introduksyon sa iyo sa organisasyon. Magkakaroon sila ng ideya sa kung sino ka ba bilang aplikante o empleyado, at kung ano ang maaari mong maging asset para sa kanila.

Halimbawa:

Isang propesyonal na mag-aaral, lider, at empleyado. May higit isang (1) taon nang karanasan sa pagtulong sa mga kliyente o kustomer. May alam sa pagsagot ng mga katanungan, pagresolba ng mga isyu.

Kakayahan

Sa matitigas at malalambot na kakayahan din magbabase ang mga kompanya para sa maaaring maging kontribusyon mo sa kanila.

Halimbawa ng Matigas na Kakayahan:

  • Pagma-market ng SEO
  • Social Media
  • Project Management
  • Coding
  • Data Analysis

Halimbawa ng Malambot na Kakayahan:

  • Kasanayan sa Pakikipagkomunikasyon
  • Pagiging Organisado
  • Etika sa Trabaho
  • Integridad
  • Pamamahala ng Oras

Edukasyon

Ang edukasyon ay madaling ilapat kung ikaw ay nag-aaral pa. Subalit kung ikaw ay aktibo sa ibang pang-akademikong gawain partikular na sa pagiging pinuno o lider, at at pagboboluntaryo sa isang gawain para sa komunidad, maaari mo itong ilagay; idagdag mo rin ang iyong mga tagumpay,..

Halimbawa:

[Pangalan ng Paaralan]

[Taon - Taon, Lugar ng Paaralan]

  • Aktibidad/Gawain Iyong Nagawa
  • Mga Napagtagumpayan

Karanasan

Ang paglalagay ng karanasan sa iyong internship resume ay opsyonal lamang lalo’t higit kung ikaw ay isang working student.

Ngunit, hindi rin naman ito nagtatapos sa paglalagay ng karanasan kung ikaw ay maagang nagtrabaho; maari kang maglagay ng mga karanasan kung ikaw ay may mga gawain na hindi sakop ng iyong paaralan na makakatulong sa iyon upang higit na mangibabaw ang iyong aplikasyon.

Dagdag na Kwalipikasyon

Kung may iba pang kwalipikasyon na nauukol sa lalamanin ng iyong internship resume kagaya ng pagdalo ng mga seminar o webinar sa labas ng iyong eskwelahan, maaari rin itong maging sangkap para sa pagiging malaman ng iyong resume.


Ang halimbawa ng internship resume na makikita sa itaas ay isang template na maaaring gawin ng isang aplikante upang magsilbing gabay sa paghahanap ng magiging trabaho.

Para sa ibang pang hakbangin na maaari mong pagbatayan sa pagbuo ng iyong internship resume, hindi ka na muling mahihirapan, dahil narito ang Epicareer.

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Share this article

Related Articles