4 min read
Maayos na Paggawa ng Internship Resume para Matuling Matanggap
Gusto mong makuha ang iyong dream internship? Tingnan ang aming madaling sundan na guide para sa paggawa ng resume at makuha ang iyong spot sa internship program!

Updated Aug 5, 2024

Ang paggawa ng resume ay lubhang malaga para ikaw ay matanggap sa isang internship program. Kung unti-unti mo nang inihahanda ang iyong sarili sa pagtawid sa totoong mundo, kinakailangan mong malaman ang wastong paglalagay ng mga impormasyon sa iyong internship resume.
Tingnan kung paano sinusulat ang epektibong internship resume sa ibaba.
Mga Format sa bawat Seksyon ng Internship Resume
Pamagat
Sa simula ng pag-aayosng iyong resume, mahahalaga ang paglalahad ng mga detalye tungkol sa iyo partikular na ang iyong pangalan, numero ng telepono, at email address. Siguraduhin na ang email address na gagamitin ay pormal at propesyonal.
Maliban dito, klung ikaw ay nakagawa na ng account o plataporma para sa iyong LinkedIn, maaari mo itong ilapat din sa iyong resume, pati na ang ibang social media na pwedeng bisitahin ng kumpanyang iyong nais pasukan.
Buod
Ang buod ng iyong profile ay paglalahad din ng iyong tunguhin na magbibigay ng kaunting impormasyon sa iyong manedyer. Dito mo rin pwedeng ilahad ang iyong teknikal na kakayahan na makatutulong sa’yong internship.
Edukasyon
Dahil mag-aaral ka pa, mas mabuting ilagay ang seksyon ng edukasyon sa pahina sa itaas. Maaari mo ring idagdag ang iyong kabuuang grado o GWA para mangingibabaw ang impresyon nila sa iyo. Kung hindi ka pa nakapagtapos, ilagay ang tinantyang taon ng pagtatapos.
Karanasan sa pagtatrabaho
Sa seksyon ng iyong karanasan sa pagtatrabaho, gumamit ka ng mga salitang aksyon. Tumutok sa mga naililipat na kasanayan kagaya ng kasanayan sa pakikipagkomunikasyon, paglutas ng problema, at pagiging organisado.
Dito, maaari mo ring isama ang organisasyon, boluntaryo, komite, part-time, at karanasan na iyong nalahukan sa iyong internship resume. Kung ang karanasan ay may mga tagumpay, isama ito at ang kongkretong datos.
Sertipikasyon at mga parangal
Ang seksyon ng sertipikasyon at parangal ay pagpapakita rin ng mga natutunan at napagtagumpayan mong kasanayan at ito ay magiging kapaki-pakinabang sa loob ng matagal na panahon, lalo’t higit kung ikaw ay nakapagsimula nang mag-apply para sa iyong internship o on-the-job training.
Pagpopormat ng Resume
Ang pagpopormat ng resume ay maaaring bumatay sa uri ng iyong gagamitin. Ito rin ay makatutulong upang madaling makita at mabasa ng mga recruiter ang iyong impormasyon. Upang maayos na mapormat ang iyong internship resume, tandaan na gamitin ang mga sumusunod:
- Isang pahina lamang
- Paglalaktaw
- Mardyin
- Laki at uri ng font
- Pagsusuri ng gramatika
Gumawa ng Resume Internship sa Templong ito
Gamitin ang halimbawa ng internship resume na ito para magkaroon ka ng matagumpay na aplikasyon sa iyong pagsasanay:
[Buong Pangalan]
[Lokasyon o Tirahan]
[Numero ng Telepono]
[Email Address]
[LinkedIn Profile Link]
[Layunin]
Determinado at dedikadong indibidwal na naghahanap ng pagkakataon sa internship upang makakuha ng praktikal na karanasan at higit pang bumuo ng mga kasanayan sa [espesipikong larangan].
[Edukasyon]
Batsilyer ng [Digri], [Kurso]
[Pangalan ng Paaralan], [Lugar]
[Inaasahang Taon ng Pagtatapos]
[Kaugnaya na Kurso]
- [Kurso 1]: [Deskripsyon ng Kurso]
- [Kurso 2]: [Deskripsyon ng Kurso]
- [Kurso 3]: [Deskripsyon ng Kurso]
[Kasanayan]
- Teknikal na Kasanayan
- Pakikipagkomunikasyon
- Paglutas ng Problema
- Pakikipagtulungan
- Marunong Makibagay
- Kasanayan sa Organisasyon
[Kaugnayan na Karanasan sa Trabaho]
[Pangalan ng Kumpanya], [Lugar] | [Posisyon], [Taon]
- [Responsibilidad 1]: [Deskripsyon]
- [Responsibilidad 2]: [Deskripsyon]
[Kaugnay na Proyekto]
[Pangalan ng Proyekto], [Kumpanya ng Unibersidad], [Taon]
- [Deskripsyon tungkol sa Proyekto]
- [Mga Napagtagumpayan]
[Mga Aktibidad na Ekstrakurikular]
[Pangalan ng Kapisanan], [Posisyon], [Taon]
- [Deskripsyon ng Responsibilidad at Kontribusyon]
[Sertipikasyon]
- [Sertipikasyon 1]: [Awtoridad na Nagpapatunay], [Taon]
- [Sertipikasyon 2]: [Awtoridad na Nagpapatunay], [Taon]
Halimbawa ng resume ng internship
Juan Dela Cruz
1234 Kalye ng Pag-asa, Quezon City
0917-123-4567
linkedin.com/in/juandelacruz
Layunin
Isang masigasig at dedikadong estudyante na naghahanap ng pagkakataon sa internship upang makakuha ng praktikal na karanasan at higit pang bumuo ng mga kasanayan sa larangan ng Marketing. Nakatuon sa pagkatuto at pagpapalawak ng aking kaalaman upang maging asset sa anumang koponan.
Edukasyon
Batsilyer ng Sining sa Marketing,
Pangunahing Unibersidad ng Pilipinas, Quezon City
Inaasahang Taon ng Pagtatapos: 2025
- Pagsusuri ng Merkado: Pag-aaral ng mga estratehiya sa pagsusuri ng merkado at pagkilala sa mga trend.
- Pamamahala ng Produkto: Pag-unawa sa mga proseso ng pagbuo at pamamahala ng mga produkto.
- Pagpaplano ng Kampanya: Mga kasanayan sa pagbuo at pagpaplano ng mga kampanya sa marketing.
Karanasan sa Pagtatrabaho
Marketing Intern, ABC Corporation, Makati | Hunyo 2023 - Agosto 2023
- Tumulong sa pagbuo ng mga materyales sa marketing para sa mga bagong produkto.
- Nakipagtulungan sa koponan sa paglikha ng mga content para sa social media.
- Nag-analisa ng mga data mula sa kampanya upang makatulong sa pagpapabuti ng estratehiya.
Sales Assistant, XYZ Retail Store, Quezon City | Enero 2022 - Mayo 2023
- Nagbigay ng mahusay na serbisyo sa customer at nakatulong sa pag-aasikaso ng mga pagbili.
- Nag-ayos ng mga produkto at nagtulong sa pamamahala ng imbentaryo.
- Nakilahok sa mga benta at promosyon na kaganapan.
Kaugnay na Proyekto
Proyekto sa Pagpaplano ng Kampanya,
Pangunahing Unibersidad ng Pilipinas, Quezon City
Setyembre 2022 - Disyembre 2022
- Pinangunahan ang grupo sa pagbuo ng isang marketing campaign para sa isang lokal na negosyo.
- Nagdisenyo ng mga materyales at isinagawa ang mga pagsubok sa merkado.
- Nakamit ang 15% pagtaas sa pag-akit ng customer sa panahon ng kampanya.
Mga Aktibidad na Ekstrakurikular
Presidente,
Marketing Club, Pangunahing Unibersidad ng Pilipinas
Setyembre 2021 - Kasalukuyan
- Nag-organisa ng mga workshop at seminar sa mga paksa ng marketing.
- Nanguna sa mga pagpupulong at tinulungan ang mga miyembro na makibahagi sa mga aktibidad.
- Nagbuo ng mga estratehiya para sa pagpapalago ng samahan.
Sertipikasyon
- Pagsasanay sa Digital Marketing: Google Digital Garage, 2023
- Sertipikasyon sa Social Media Management: HubSpot Academy, 2023
Kasanayan
- Teknikal na Kasanayan: MS Office (Word, Excel, PowerPoint), Adobe Creative Suite
- Pakikipagkomunikasyon: Mahusay sa pagsasalita at pagsulat
- Paglutas ng Problema: Kakayahang mag-isip nang kritikal at maghanap ng solusyon
- Pakikipagtulungan: Epektibong makipagtulungan sa iba’t ibang tao
- Marunong Makibagay: Kakayahang umangkop sa mabilis na nagbabagong kapaligiran
- Kasanayan sa Organisasyon: Mahusay sa pamamahala ng oras at tungkulin
Ang halimbawa na ito ang maaari mong maging basihan upang masimulan mo ang iyong internship resume. At mula rito, maaari mo rin itong batayan upang makapag-apply sa Epicareer!
Popular jobs in Philippines:

SEO Content Writer
Topic tags
Share this article





Related Articles
6 min read
10 na mga Paraan para Gumawa ng Diskarte sa Paghahanap ng Trabaho
Alamin ang 10 epektibong paraan para bumuo ng matagumpay na estratehiya sa paghahanap ng trabaho. Mula sa paglista ng iyong mga layunin at kakayahan, hanggang sa pagbuo ng personal na tatak at pag-networking, makuha ang tamang tips upang maging mas organisado at epektibo sa iyong job search.


Posted Aug 20, 2024
7 min read
Ang Paraan ng Pagpapadala ng Email sa Recruiter para sa Isang Trabaho
Alamin kung paano mag-email sa recruiter para sa trabaho! Simple at praktikal na tips para mas mapansin ang application mo at magawa ang tamang first impression.


Posted Aug 13, 2024
4 min read
Mga Tip sa Paggawa ng Resume para sa mga Estudyanteng Katatapos Lamang na walang Karanasan
Bagong graduate at walang experience? Walang problema! Basahin ang mga simpleng tips na ito kung paano gumawa ng resume na magugustuhan ng recruiters. Bigyang-diin ang edukasyon at mga soft skills, at siguraduhing ATS-friendly ang format mo. Handa ka na bang sumabak sa trabaho? Alamin dito!


Posted Aug 13, 2024
7 min read
Paano Gumawa ng Email Cover Letter
Alamin kung paano gumawa ng email cover letter na standout at maganda ang dating sa mga hiring managers. Simple at diretsong mga tips para makuha ang trabaho mo!


Posted Aug 12, 2024
Share this article




