Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Pagkahumaling: Ang Kahulugan, Kaibahan nito sa Libangan, at Kahalagahan ng Pagkakaroon Nito

5 min read

Pagkahumaling: Ang Kahulugan, Kaibahan nito sa Libangan, at Kahalagahan ng Pagkakaroon Nito

Ang pagkahumaling ay hindi lamang simpleng interes, ito ay matinding pagmamahal at dedikasyon sa isang gawain. Ito'y nagbibigay hindi lamang ng kasiyahan kundi pati na rin ng lakas at motibasyon. Ngunit sa kabila ng kahalagahan nito, madalas itong mawala sa gitna ng mga hamon at panghuhusga ng lipunan.

Lovely Ann

Updated May 22, 2024

Pagkahumaling: Ang Kahulugan, Kaibahan nito sa Libangan, at Kahalagahan ng Pagkakaroon Nito

Madaling makakita ng taong may debosyon sa kanyang ginagawa kung napapansin mo ang ginugugol na oras niya para sa isang gawain. Ito ang pagkahumaling na hindi mapapantayan ng kahit na sino man. Ayon sa Merriam Webstar, ito ay tumutukoy sa matinding silakbo ng damdamin ng isang indibidwal sa isang bagay o sa isang gawain na kanyang sisimulan. Pero sabi nga sa pag-aaral ng Deloitte, ang pagkahumaling ay nagbibigay rin ng lakas at motibasyon para palalimin ang pagmamahal mo sa isang bagay.

Ang katotohanan sa likod ng pagkahumaling, lahat ng tao ay mayroon nito, ngunit dahil sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa kanyang kapaligiran, tila ito’y natatalikuran na ng karamihan lalo sa mundo ng pagtatrabaho. Halimbawa ng pag-ibig sa gawain ay pagluluto, pagtuturo ng mga bata, pagmamahal sa sining kagaya ng pagkanta, pagsayaw, paggawa ng musika, at pagbuo ng banda.

Sa ibang banda, dahil sa tradisyon at panghuhusga ng marami, hindi natin mistulang naiisip na pasukin ang mundo na ‘to, at tayo’y nagiging praktikal na lamang para masabing tayo’y umuusad sa karera ng ating buhay.

Ano ang pinagkaiba ng pagkahumaling sa libangan?

Sa iba’t ibang kultura, lokasyon, at pinagmulan, malinaw kung ano ang pinagkaiba ng pagkahumaling at libangan.

Ang libangan ay isang klase ng aktibidades upang gawaing pampatay-oras ng isang tao, o di kaya naman ay paboritong gawain sa araw ng pamamahinga. Ilang halimbawa ng mga libangan ay paglalaro ng basketball, volleyball, badminton, o tennis.

Ang iba’y naglalaro sa kompyuter o selpon, nananahi, tumutugtog ng instrumento, tumutungo sa gym para mag-ehersisyo, o magpunta sa iba’t ibang pasyalan. Sa kabilang banda, ang pagkahumaling ay matinding pag-ibig sa isang bagay o gawi at ito ay paglalaanan mo ng oras o panahon para hasain.

Nagbabago ba ang pagkahumaling ng tao sa isang bagay o gawain?

Sabi nga ng marami, “Walang permanent at lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago.” Gayundin sa pagkahumaling ng isang tao; maaaring noong bata ka pa, mahal mo ang ambisyon mo na maging guro, nars, o doktor, pero habang lumalaki ka, nagbabago ang tunguhin mo dahil sa karanasan mo habang tumatanda.

Dito mo nakikita na may angkin ka palang talento sa pagguhit, at gusrto mong maging arkitekto o pintor. Habang umuusad ang taon, mas nakikita mong pagsabayin ang iyong pagkahumaling at ito ay pagkakitaan, o gawing negosyo.

Ibig sabihin nito, habang patuloy kang nakararanas o nakakadiskubre ng bagong bagay o gawain sa isang lugar, maaaring mag-iba ang iyong layunin, at ito ‘yong gusto mo talagang yakapin sa loob ng matagal na panahon.

Mga dahilan kung bakit mahalagang mayroon kang kinahuhumalingang bagay o gawain

Ito ay nagbibigay ng motibasyon para magsikap pa.

Kung sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagkahilig sa mga bagay o gawain ay para lamang daw sa mga mayayaman o taong nagmula sa maperang pamilya.

Pero sa pagtagal ng panahon, sa kabila ng pagiging praktikal natin, naroon pa rin ang kagustuhan nating makamit lahat ng mga hilig o kinahuhumalingan nating pangarap. Ang ganitong uri ng isipin ay motibasyon para magpursige.

Maaari mong magamit kahit saan ang mga nahasang kakayahan.

Ito rin ay tutulong sa’yo para hasain ang mga kakayahan, matigas man o malambot, na pwede mong gamitin kahit saan ka pumunta, o kapag ay nagsimula nang magtrabaho.

Siyang magiging daan para kumita o magkapera.

Ito ang patuloy na pinagdidiskusyunan ng marami, “Mayroon nga bang pera sa sarili mong hilig?”

Marahil ang sasagutin nila, “Wala.” Nasanay ang tao na ningas cogon, o magaling lamang sa umpisa, kaya naiisip nila na wala namang patutunguhan ang ginagawa nila sa dulo. Datapwa’t, marami rin namang testamento na makikita na sa sariling naisin ay maaari kang kumita.

Halimbawa nito ang mga nagsumikap na pasukin ang sining.

Pwede kang maging inspirasyon sa marami.

Sa hirap ng buhay sa kasalukuyan, naghahanap pa rin tayo ng mga taong patuloy ang paggamit ng kanilang mga hilig para maging inspirasyon sa kanilang paligid.

Hindi man ito naaangkop para sa lahat, nakakatulong naman ito para umusad ang marami.

Maaari mong malampasan lahat ng hamon na darating sa iyo.

Ang totoo’y mahirap mahalin ang sariling hilig kung wala itong kawanggawa, at kung ang isang tao’y nainip kaagad sa proseso.

Ngunit, kung ito ay iyong malampasan, lahat ng darating sa’yong hamon, hindi man lahat ay madali, ay siguradong iyong malalampasan.

Ang pagmamahal mo sa iyong trabaho

Walang imposible sa taong nagsusumikap maabot ang kanyang mga mithiin. Pagdating sa paghahanap ng trabaho, dalawa ang maaari mong patunguhan: ang gusto at kailangan.

Ang isang katotohanan sa likod nito, hindi lahat ng tao’y nakukuha ang trabaho na nais nila pagkatapos nilang makapagtapos ng pag-aaral; ang iba’y nagiging praktikal para kumita ng pera at makapag-ipon.

Gayunpaman, maaari ka pa ring magtrabaho kahit hindi ito nakalinya sa iyong hilig. May sitwasyon na sa kumpanyang iyong papasukan, magawa mo pa rin ang mga bagay o pamamaraan na natutunan mo sa iyong nais na maging.

Paano mo mahahanap ang iyong tunay na hilig?

Ang tunay na pagkahumaling mo sa iyong bagay o gawain ay hindi lamang hinahanap ng iyong mga mata, ito ay pinagpaplanuhan at isinasagawa sa tamang pagkakataon. Ito ang ilan sa mga gawi na maaari mong isaalang-alang upang makamit mo ang iyong pag-ibig na hilig:

  • Gumawa ng isang personal na pananaw sa iyong tunay na kinahuhumalingan.
  • Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan.
  • Ilista ang iyong mga gusto at di-gustong gawin.
  • Tasahin ang iyong kalakasan at kahinaan.
  • Humingi ng tulong mula sa mga propesyonal.
  • Makipag-ugnayan sa mga taong may kaparehong hilig.

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles