Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Pagkakaiba ng Full-Time, Part-Time, at Freelance na Trabaho

3 min read

Pagkakaiba ng Full-Time, Part-Time, at Freelance na Trabaho

Alamin ang pagkakaiba ng full-time, part-time, at freelance na trabaho para malaman kung alin ang pinakaangkop sa iyong oras, kasanayan, at kalagayan. Basahin ang aming gabay tungkol sa mga benepisyo at kahinaan ng bawat uri ng trabaho upang makapili ng tama para sa iyo. Mag-apply na sa Epicareer para sa tamang trabaho na babagay sa iyong pangangailangan!

Lovely Ann

Updated Jul 3, 2024

Pagkakaiba ng Full-Time, Part-Time, at Freelance na Trabaho

Maraming uri ng trabaho ang naghihintay sa iyo, ngunit ikaw bilang aplikante, may mga bagay ka ring isinasaalang-alang sa paghahanap nito. Isa na rito ang sitwasyon mo sa iyong bahay, ang katayuan mo sa lipunan sa kasalukuyan, pati na ang kapasidad ng mental at emosyonal mong kalusugan.

At dahil sa hirap ng buhay ngayon, karamihan ay naghahangad nang makapagtrabaho kahit na nag-aaral pa lamang, o ang iba na kahit may trabaho na, ay naghahanap pa rin ng iba pang pagkakakitaan dahil hindi sapat ang sahod na natatanggap.

If you are looking for a job that fits your time, skills, and abilities, you also need to know the difference between full-time, part-time, and freelance work, as well as their advantages and disadvantages:

Full-Time na Trabaho

Sa paghahanap ng full-time na trabaho, marami kang benepisyong matatanggap kasama na rito ang pinansyal, seguridad, kalusugan, at iba pang benepisyong inihahandog ng kompanya para sa lahat ng mga manggagawa.

Maaari kang magtrabaho sa mismong lugar (on-site) o kahit sa bahay lamang nang may itinakdang oras (pang-umaga, pang-gabi, o mula gabi hanggang umaga).

Kalakasan ng Full-Time na Trabaho:

  • Matibay na buwanang sahod
  • Mga pagsasanay at propesyonal na payo mula sa mga tagapamahala
  • Pagkakataon upang magkaroon ng panibagong kasanayan
  • Pakikisalamuha sa mga bagong kakilala at potensyal na kasamahan

Kahinaan ng Full-Time na Trababo:

  • Pagkonsumo ng oras sa byahe (kung may pisikal na lugar na trabaho)
  • Kawalan ng abilidad na magkaroon ng pokus sa trabaho
  • Mahigpit na oras na dapat sundin
  • Pakiramdam ng madalas na pagod o stress

Part-Time na Trabaho

Kung ikaw ay nag-aaral pa, o parte ng organisasyon o grupo, subalit kinakailangan mong mag-ipon, maaari kang maghanap ng part-time na trabaho.

Ang kaibahan nito sa full-time, higit na mababa ang igugugol mo na oras, at hindi ito nakapirmi sa partikular na oras na inilahad ng kompanya.

Kalakasan ng Part-Time na Trabaho:

  • Higit na kayang pagkontrol sa sariling oras sa trabaho
  • Maayos at matatag na sahod
  • May ilang benepisyo mula sa kompanya o institusyon
  • Pagkakaroon ng karanasan at kakayahan

Kahinaan ng Part-Time na Trababo:

  • Higit na mababang sahod
  • Mas maliit na pagkakataon sa promosyon
  • Paghawak ng iba’t ibang obligasyon sa maliit na durasyon
  • Iilang benepisyo mula sa kompanya o institusyon

Freelance na Trabaho

Sa kasalukuyan, lumalago na ang populasyon ng mga empleyadong may freelance na trabaho. Kung nais mong hawakan ang sarili mong oras, magtrabaho mag-isa, at makaakit ng mga kliyente upang maging progresibo sa trabaho, ang trabahong ito ay para sa iyo!

Gayunpaman, may ilang freelance na trabaho na maaaring ikaw mismo ang mamahala sa iyong sarili, o di kaya ay may kompanyang magpapasok sa iyo bilang empleyado, ngunit ang kalamangan nito, ay may kalayaan kang magtrabaho sa sarili mong libreng panahon, na hindi nababawasan ang kalidad at dami ng kaya mong tapusing proyekto.

  • Walang partikular na oras para sa iyong trabaho
  • Maaari kang pumwesto ng trabaho kahit saan ka magtungo
  • May kakayahan kang magdesisyon kung anong panahon nais mong magsimula ng trabaho
  • Maaari kang makakuha ng ibang pang proyekto upang makadagdag sa iyong kita

Kahinaan ng Freelance na Trababo:

  • Walang regular na sahod buwan-buwan
  • Hindi makakatanggap ng ibang benepisyo mula sa isang kompanya
  • Walang kasiguraduhan kung mayroong kliyente sa araw-araw


Kung ikaw ay nakapagdesisyon nang makapagtrabaho, at kung sa tingin mo nais mong makahanap ng full-time, part-time, o freelance na trabaho na pasok sa iyong oras at kakayahan, maaari ka nang magpasa ng resumé sa Epicareer o kaya naman ay ilagay lamang ang iyong URL mula sa iyong LinkedIn Profile, at siguradong ang trabaho na mismo ang kusang lalapit sa iyo!

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles