Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Mentor: Depinisyon, Uri, at Paraan upang Makahanap nang Maayos na Tagapayo

7 min read

Mentor: Depinisyon, Uri, at Paraan upang Makahanap nang Maayos na Tagapayo

Naghahanap ng tamang mentor? Alamin ang depinisyon, uri, at mga paraan para makahanap ng mahusay na tagapayo na makakatulong sa pag-unlad ng iyong karera. Basahin ang aming gabay para sa mga tips at payo!

Lovely Ann

Updated Jun 5, 2024

Mentor: Depinisyon, Uri, at Paraan upang Makahanap nang Maayos na Tagapayo

Bilang baguhan sa industriya, ang mga mentor ay tagapagbigay ng kapaki-pakinabang na patnubay sa mga aplikante o tinatawag na mentee upang mapabuti ang daloy ng kanilang karera.

Sila ay bumubuo ng matatag na ugnayan sa isa’t isa upang matulungang magkaroon ng magandang progreso at gawing positibo ang kanilang mga buhay.

4 na Uri ng Mentor o Tagapayo

May malalawak na modelo na pagpapayo o mentorship, ngunit mayroong apat (4) na pangunahing kategorya ang mga mentor, at kung ikaw ay kasalukuyang naghahanap kung sino ang maaari mong makausap, basahin ang mga sumusunod:

Peer Mentor

Ang peer mentor ay isang propesyonal na indibidwal na nagbibigay ng payo sa kanyang mga mentee ukol sa mga tungkulin at responsibilidad kapag ang aplikante ay nagsimulang magtrabaho sa isang kompanya.

Karaniwan sa kanilang trabaho ay magbigay ng impormasyon sa kanilang mga mentee tungkol sa mga bukas na posisyon, at kung ano ang maaaring maranasan kultura mula rito.

Career Mentor

Mayroon namang higit na mataas na posisyon ang mga career mentor at sila ay karaniwang lider o superbisor ng kanilang mga mentee. Silay ay maaaring nasa ibang kompanya o kagawaran, at mas madalang sila makausap kumpara sa mga peer mentor.

Sa kabilang banda, kasama sa kanilang trabaho ang tumulong sa kanilang mga mentee na maunawaan ang kanilang kasalukuyang trabaho, at kung paano nila ito mas mapapalago.

Reverse Mentor

Ang reverse mentoring ayon sa Together ay ang sitwasyon kung ang higit na batang mentor ang tumutulong sa indibidwal na mas matanda sa kanya, partikular na sa pagkadalubhasa sa paggamit ng teknolohiya, gadyet, AI tools, at social media.

Life Mentor

Ang isang uri pa ng mentor ay tinatawag na life mentor at karaniwang umaabot na ng dekada o matagal na panahon sa pagtatrabaho.

Isa sa kanilang responsibilidad ay magpayo sa mga bagay na kailangang pagpasyahang maigi, magresolba ng mga isyu, katulad ng pag-alis sa trabaho o pagbabago ng karera.

Mga Katangian ng Magaling na Mentor

Ang mga mentor ay may angking katangian na tinataglay, at narito ang ilan sa kanilang mga kaugalian na masasabi mong kahanga-hanga:

Mahabang Pasensya

Sa katunayan, bihira sa isang mentor ang pagkakaroon ng mahabang pasensya para sa isang bagay, ngunit iba ito sa mga mentor sapagkat sinisigurado nilang sila ay may sapat na pisi upang maintindihan ang mga desisyon, paglalakbay, at problemang maaaring kaharapin ng kanilang mga mentee.

Marunong Makiramay

Ang isang mentor ay hindi makasarili at marunong makiramay sa kanyang mentee. Sa ganitong kondisyon, sinisiguro niyang bawat sulok ng proseso ng kanyang mentee ay malinaw niyang nauunawaan at napakinggan.

Iniiwasan niya rin ang pagkukumpara ng karanasan ng kanyang mentee sa ibang tao, upang hindi bumaba ang kumpyansa nito sa sarili.

Matalino

Marami ang uri ng talino ng bawat mentor ngunit hindi lamang ito pagiging matalino sa isip, pati na rin sa emosyonal na katalinuhan.

Ang pagkakaroon ng dunong ng isang mentor ay hindi lamang natural, siya rin ay dumaan sa ilang pag-aaral at pagsasanay upang matamo ang kalidad at antas ng kanyang pagpapayo, at masigurong ang bawat payo na kanyang maibabahagi ay may laman.

Bukas ang Isipan

Sa madaling salita, hindi mapanghusga ang isang mentor. Maaari itong iugnay sa kanyang pakikiramay sa kanyang mentee dahil sinisiguro niyang hindi ito nag-iisa sa proseso at daang tinatahak.

Tinuturuan niya rin ang mentee na maging bukas sa maraming posibilidad mula sa sarili, kanyang lugar na pinagtatrabahuhan, at iba pang eksternal na impluwensya.

Madaling Kausap

Ang magaling na mentor ay maayos makipagkomunikasyon sa kanyang mentee. Hindi nararamdaman ng tao na siya ay bagot o nagmamadali.

Siya ay may sapat na atensyon, nakauunawa ng sitwasyon o sirkumstansya, at nagpapayo ng mga bagay na makatutulong sa pagpapabuti.

May Integridad

Sa pagkakaroon ng matibay na integridad ng isang mentor, masisiguro rin ang kaligtasan ng kanyang mentee.

Ito ay katangian na kahit sinuman ay walang makakakuha, dahil siya bilang tagapayo, ay mayroong “isang salita,” at hindi tumatalikod sa kanyang tungkulin may nakakakita man o wala.

Ang Pagkakaiba ng Mentor sa Coach

Sa malawak na pagpapakahulugan, halos magkapareho lamang ang depinisyon ng mentoring at coaching sapagkat sila ay parehong nagpapayo at nagsasalin ng kaalaman sa bawat indibidwal upang lumago ang kanilang kapasidad.

Habang nabigyan ng salamin ang mentor at kanyang tungkulin sa umpisa ng artikulong ito, ang coach naman ay nakapokus sa pagtulong ng mga tao na lumikha ng kanilang sariling tunguhin, tukuyin ang kanilang kahinaan at lakas, at pagbutihin pa ang kanilang pangkalahatang pagganap.

Upang higit na maunawaan ang kanilang pagkakaiba, basahin ang mga sumusunod na ideya:

Pagsusuri ng Paggawa

Kagaya ng nabanggit, ang mga coach ay sumusukat ng pangkalahatang pagganap ng kanyang coachee, samantalang ang mga mentor ay hindi. Mayroong sangkot na pagbabalangkas ang mga coach para sa kanilang pagtatanong, repleksyon, at pagkilos.

Ang mga mentor naman ay nakatuon sa proseso, at tumutulong sa kanila na abutin ang tunguhin hindi alintana kung ano ang epekto nito sa kanilang kasalukuyang posisyon.

Tagasagwan ng Ugnayan sa Isa’t Isa

Kilala ang mga coach bilang lider ng relasyon sa pagitan nila ng kanilang coachee para mapabuti ang pagganap nito hanggang makuha ang resulta ng kanyang gawain.

Ngunit sa kabilang banda, ang mentee ang itinuturing na tagasagwan ng ugnayan dahil siya ang may higit na kailangan ng payo mula sa kanyang mentor para higit na mapabuti ang kanyang sarili at karera.

Pamamaraan ng Pagtuturo

Pagdating sa paraan ng pagtuturo, ang mentor at coach ay mayroong kanya-kanyang teknik upang matulungan ang kanilang mentee at coachee.

Kung ang mentor ay gumagamit ng mas personal na pamamaraan upang makipag-ugnayan sa mga tao, naglalan ng atensyon upang pakinggan ang bawat hakbang na ginagawa ng kanyang mentee, ang coach ay mayroon pamantayan na kasangkapan upang masuri ang paglaki at pagsulong ng kanyang coachee.

Mga Tip para Makahanap ng Maaasahang Mentor

Kung ikaw ay kasalukuyang naghahanap ng iyong magiging mentor para sa pagsisimula ng iyong paghahanap ng trabaho, ito ang mga tip upang ikaw ay tagumpay na makahanap:

Kilalanin ang mga lider sa iyong industriya na iginagalang

Kung sa tingin mo’y nahihirapan kang makahagilap ng mentor na tutulong sa’yong makapagsimula, maaari kang magtanong-tanong at kumilala ng mga pinuno na kilala sa iyong industriya.

Gumamit ng LinkedIn

Ang LinkedIn ay isa ring plataporma para gumawa ng interaksyon sa iba’t ibang mentor, at karamihan sa kanila ay nasa LinkedIn at nagbabahagi ng iba’t ibang payo at paalala para sa mga taong nag-uumpisa pa lamang sa paghahanap ng trabaho.

Kung minsan ay ibinabahagi nila ito nang libre, o kaya ay maaari mo silang tawagan o padalhan ng mensahe para sa mas malawakang pag-uusap/.

Dumalo sa mga kumperensya, webinar, at iba pa

Ngayong moderno na ang panahon at nasanay na rin ang mga industriya na gumamit ng online na plataporma para maghatid ng seminar, maaari kang maggalugad sa social media ng mga mentor na nag-aalok o umiimbita ng mga taong nais magsanay, makatuklas, o matuto ng mga proseso para sa epektibong paghahanap ng trabaho, pati na ang mga dapat at di dapat gawin.

Lumikha ng koneksyon

Kung sa umpisa’y nalilito ka at di mo alam kung ano ang uumpisahan mong hakbang, huwag kalimutang ikaw ay maaaring lumikha ng koneksyon.

Mula rito, makakakalap ka ng impormasyon, at mas malaki ang posibilidad na makatanggap ka ng mga alok mula sa iyong mga kakilala, kaibigan, o propesyonal na kakilala. Hindi lamang ito maaaring gawin nang personal, ito ay pwede rin sa pamamagitan ng paggamit ng iyong social media.

Magtakda layunin at pormat sa pagme-mentor

Sa paghahanap ng mentor, maiging magsaliksik at magtakda ng layunin at pormat. Tukuyin ang mga uri ng mentor na iyong kakailanganin sa loob ng matagal na panahon.

Maaari kang maglista ng mga nais mong linawin, at pagdiskusyunan kung ikaw ay makatagpo sa pagdating ng panahon.

Magsuri

Ang kalidad at propesyonal na mentor ay marunong makiramay at may solidong integridad; hindi sila basta-basta nagbabahagi ng payong hindi relatibo sa pangangailangan o naisin ng kanilang mentee.

Ikaw bilang kandidato para sa isang posisyon sa trabaho, suriin mo ang mga mentor na maaari mong makausap, at kung ano ang kanilang primaryang pakay sa inyong pakikipagtalakayan.


Ang mga propesyonal na mentor ay hindi basta-basta, ngunit maaari kang matulungan ng Epicareer upang ikaw ay makatagpo nito.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles