7 min read
7 na Tips para Hindi Maging Biktima ng Job Scam
Maraming naloloko ngayon kaya importante na alam mo ang mga senyales ng scam. Alamin ang iba’t ibang taktika ng mga scammer, mula sa pekeng job listings, impostor na kumpanya, hanggang sa mga alok sa email. Maging wais, suriin mabuti ang mga detalye, at huwag basta-basta magbigay ng personal na impormasyon. Para sa ligtas na job hunting, sundin ang mga payo ng Epicareer at laging mag-ingat!
Updated Jun 12, 2024
Sa panahon ngayon, hindi mo na alam kung ano ang totoo sa hindi.
Marami na ang nabibiktima na mga aplikante dahil sa job scam. Ito ay isang mapanlinlang na alok para sa trabaho na nilayon upang linlangin ang mga taong naghahanap ng lehitimong trabaho. Ilan sa kanilang mga taktika ay ang pagbibigay na inisyal na pera, pagkuha ng mga personal na impormasyon, at pag-aalok ng libreng trabaho.
Sa paghahanap ng isang trabaho, ang kakayahang makatukoy ng isang scam sa hindi ay makakatulong sa iyo upang mapanatili kang ligtas.
Ano ang mga Karaniwang Uri ng Scam sa Trabaho?
Kung pamilyar ka na sa uri ng kanilang panloloko, narito pa ang ilang uri ng scam na pwede mong makita o matukoy habang ikaw ay nasa kalagitnaan ng paghahanap ng iyong trabaho:
Pekeng listahan ng trabaho
Matutukoy mong peke ang trabaho kung kakikitaan ng kulang o mali-maling impormasyon ang nilalaman ng listahan. Ito ay mga nakakahikayat na tagline upang maengganyo kang magpatuloy.
Impostor
Suriing mabuti ang mga kumpanyang nagpapaskil sa social media. Tingnan ang kanilang mga orihinal na plataporma at website. Dahil sila ay sikat, mayroong mga impostor na guamagaya o ginagamit ang mga impormasyon ng lehitimong kumpanya upang makapanloko ng aplikante.
Mga alok sa email
Sa panahon ngayon, delikado na rin ang madalas na pagbabahagi ng sarili mong email address. Dahil dumarating sa punto na bigla kang makakatanggap ng mensahe mula sa isang kumpanya, at iniimbitahan ka para sa isang interbyu, pagsasagot ng assessment, o paglalapag ng link para roon ka mag-apply.
Materyal ng impormasyon
Sa materyal ng impormasyon, matutuklasan mong scam ang inaalok na trabaho base sa pagkakalikha nito. Karaniwang mapapansin na may mali sa gramatika, o tila hinadaling pag-aalok, at “masyadong maganda para maging totoo.”
Mga panayam sa pamamagitan ng online na serbisyo sa pagmemensahe
Ang ganitong uri ng job scam ay talamak sa mga platapormang madalas gamitin o pasukin ng tao kagaya ng Facebook, Instagram, X, at iba pa. Kadalasan, pumapasok din ang mga ganitong uri ng mensahe sa iyong aktibong email address.
Money laundering
Ayon sa FinCEN, ang money laundering ay isang ilegal na gawaing pagtatago ng pera sa di-wastong pamamaraan. Halimbawa na nito ay ang pagsasama ng maruming pera sa lehitimong daloy ng pera ng mga naitatag na negosyo.
Mga ulat ng kredito
Sa isang karaniwang ulat ng kredito na panloloko,, sinasabi ng scammer na ang pagsusuri sa iyong kredit na aktibidad ay kinakailangan upang masuri ang iyong pagiging karapat-dapat para sa posisyon. Maaaring sabihin nila na ang trabaho ay nangangailangan ng isang taong responsable sa pananalapi. Pwede ring hilingin sa iyo ng pekeng recruiter na magbayad para sa isang ulat gamit ang iyong credit card, na nagreresulta sa kanilang paniningil ng hindi awtorisadong bayad para dito.
Pagkonsulta sa karera
Ang panloloko sa pagkonsulta ng karera ay ang paghihikayat sa’yong magpasa ng resume, at kanilang sasabihin na kailangan mo pa ng ibang dagdag na impormasyon para mapansin ka ng recruiter ng kumpanya. Sa ganitong sitwasyon ay aalukin ka nilang ayusin ang iyong resume kapalit ng bayad.
Mga trabaho mula sa bahay
Alam ng mga scammer ang pagtaas ng porsyento ng mga taong naghahanap ng remote na trabaho, kung kaya naman sila ay gumagawa ng paraan upang alukin ang mga ito ngunit kailangan nilang magbayad muna.
▶ Basahin din: 10 Konsiderasyong dapat Pagtuunan sa Paghahanap ng Trabaho
Mga senyales ng Babala ng Scam sa Trabaho
Para sa mas matalinong paghahanap ng trabaho, alamin ang mga senyales na ang isang trabaho ay isang uri ng panloloko:
Hindi propesyonal na email
Makikita na ang trabaho ay scam lamang kung ang istruktura ng email ng isang tao ay hindi wasto, mahirap basahin, paulit-ulit ang sinasabi, at maraming nakalolokong pangako.
Mga hindi kinakailangang tawag
May pagkakataong makakatanggap ka ng mga tawag at ito ay maaaring bansagan na spam ng iyong selpon.
Dito palang, alam mong ang numero na tumatawag sa iyo ay may kasaysayan na ng panloloko o pangungulit sa ibang tao.
Mga pekeng account at website (gumamit ng mga libreng website o email)
Sa trabaho, sinisigurado ng kumpanya na sila ay may propesyonal na email upang doon pumasok lahat ng lehitimong aplikasyon.
Makikita mo ang mga kumpanyang peke kung hahanapin mo ang kanilang account o website sa Internet.
Mga detalye sa harap
Ang isa pang senyales na peke o scam ang trabaho base sa mga detalyeng nakalahad dito. Kung hindi angkop o tugma-tugma ang mga impormasyon, maaari mong matunugang ito ay hindi totoo.
Mga kapaki-pakinabang na alok sa trabaho
Maaari kang makatanggap ng isang mapang-akit na alok para sa isang trabaho na may mataas na suweldo ngunit hindi malinaw na mga detalye.
Kung ikaw ay mag-a-apply, hihingian ka ng recruiter ng paunang bayad o di kaya ay humiling pa ng ibang sensitibong impormasyon mula sa’yo.
Hindi pamilyar na software
Maraming kilalang software ngayon ang pwedeng magamit para sa interbyu. Ngayon, kung ang isang recruiter ay hinikayat kang mag-download ng isang hindi pamilya na software, ito ay senyales na hindi totoo ang trabaho.
Hindi pamilyar na address ng gusali ng kumpanya
Sa job scam, masusuri mo kung totoo ang isang trabaho kung lehitimo rin ang lugar at makikita sa iyong maps. Kung hindi, maaaring ito ay gawa-gawa lamang.
Ang mga pagbubukas ng trabaho ay ipinapadala sa pamamagitan ng SMS
Kung ikaw ay nag-a-apply, karaniwan na makatanggap ka ng mga mensahe sa mga inaasahan mong kumpanya, subalit kung mayroong bakanteng posisyon mula sa hindi mo kilalang kumpanya at sa tingin mong hindi mo nabisita, ito ay tanda ng pagiging job scam.
▶ Basahin din: Paano Panatilihing Produktibo ang Sarili sa Trabaho?
Tips para Maiwasang Ma-Scam sa Paghahanap ng Trabaho
Ngayong may alam ka na sa mga senyales na maaari mong makita sa paghahanap ng trabaho, tutulungan ka naman ng Epicareer ng ilang tips para ito ay maiwasan:
Magsaliksik
Isa sa pinakamahalagang gawi ay ang magsaliksik muna bago umusad sa susunod mong proseso. Sa dami ng kumpanyang nag-aalok sa Internet, hindi mo alam kung sino roon ang totoo o impostor. Maging matalino at sensitibo sa paghahanap ng iyong gustong posisyon.
Suriin ang seguridad at kredibilidad ng website
Maaari mong masuri ang kredibilidad ng website ng isang kumpanya kung susubukan mong tingnan ang kanilang domain.
Maaari mo ring matukoy kung gaano katagal naging aktibo ang site at kung sino ang nagmamay-ari nito sa pamamagitan ng paglalagay ng URL nito sa edad ng domain at kagamitan sa pagpapatala ng website.
Magtiwala sa iyong instinct
Gamitin ang iyong pakiramdam sa paghahanap ng trabaho.
Huwag basta-basta magpapaniwala sa mga nakatalang deskripsyon, maiging magsaliksik, magbasa ng mga rebyu, at bumisita ng iba pang website upang makita kung ito ba ay madalas mabanggit sa mga lehitimong kumpanya sa bansa.
Protektahan ang personal na impormasyon
Ituring na ginto ang iyong personal na impormasyon dahil ito lamang ang iyong sandata upang hindi ka maloko at hindi makapanloko ang scammer na maaaring makakuha ng iyong mag sensitibong detalye.
Huwag magbayad para sa proseso ng pagkuha ng trabaho
Tandaan na ang lehitimong nag-aalok ng trabaho ay hindi nagpapabayad sa umpisa ng pagpoproseso ng iyong aplikasyon. Kahit na gustong-gusto mo na magtrabaho, maging wais pa rin at buksan ang isipan habang nag-a-apply.
Magkaroon ng kamalayan sa posisyon na nag-aalok ng mga nakatutukso na benepisyo
Sa paligid, marami nang nagbubukas ng posisyon. Maging malay ka sa mga posisyong may hindi makatotohana na benepisyo at sweldo, pati na ang deskripsyon ng responsibilidad.
Makipag-ugnayan sa opisyal na contact ng kumpanya
Kung ikaw ay nakakita ng impostor, iwasang makipag-ugnayan dito nang direkta at magsabi ng kung ano-ano.
Bagkus, hanapin mo kaagad ang tunay na kumpanya, at tumawag sa kanila, at itaas ang iyong alalahanin na sila ay may kaparehong kumpanya sa labas.
▶ Basahin din: Paano Makahanap ng Trabaho nang Matulin?
Huwag magpapanila sa job scam, at manatiling alerto sa lahat ng oras. Tandaan, ang trabaho marami iyan, at hindi hinahadali para masabing ikaw ay may trabaho na kaagad. Maging wais at mapanuri.
Para sa mas marami pang tips at gabay sa paghahanap ng trabaho, bisitahin ang Career Guide by Epicareer Philippines. Mag-subscribe na para sa mga pinakabagong updates at payo na makakatulong sa iyong karera.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article