8 min read
Politika sa Opisina: Kahulugan, Mga Epekto, at Mga Tip Kung Paano Ito Harapin
Alamin ang kahulugan, epekto, at mga tips kung paano harapin ang politika sa opisina. Tuklasin ang mga estratehiya para manatiling propesyonal at produktibo sa gitna ng kumpetisyon at intriga sa trabaho. Basahin ang buong artikulo para sa mga praktikal na payo!
Updated Jun 12, 2024
Pagdating sa trabaho, mayroong iba’t ibang sistema, pananaw, saloobin, at desisyon ang bawat manggagawa, lider man o hindi.
Sa sistema, protokol, at iba pang alituntunin na itinatalaga, hindi nawawala ang politika. Sa kabuuan, tila ay nabahiran na ito ng negatibong konotasyon dulot ng sariling kahulugan nito na nakakaapekto sa mga nasasakupan o miyembro nito.
Sa artikulong ito, matatanaw mo ang kahulugan, epekto, at mga paraan kung paano mo ito maaaring harapin.
▶ Basahin din: Kailan Maaaring Magbago ng Karera sa Buhay?
Ano ang Politika sa Opisina?
Ang politika sa opisina, kaugnay nito, ay isang komplikadong istruktura ng mga hindi opisyal na pagsisikap na ginagawa ng mga empleyado gamit ang kanilang titulo, kapangyarihan o katayuan upang gumawa ng mga pagbabago sa kanilang industriya.
Bagama't madalas silang may negatibong konotasyon, maaaring gamitin ang pulitika sa opisina sa positibong paraan upang makinabang ang mga empleyado sa lahat ng antas.
Sa loob ng organisasyon, ang bawat miyembro ay gumaganap ng iba't ibang obligasyon. Napagtanto mo man o hindi, tinutukoy ng politika ng kumpanya kung sino ang may kapangyarihan at impluwensya.
Ilan sa mga politikang natatanaw sa isang kumpanya ay mga sumusunod:
- Mayroong bagong empleyado sa negosyo at madali itong naging bukas at komportable sa kanyang lider. Siya ay inimbitahan kasama pa ng iba pang katrabaho upang magsalo-salo.
- Ang lider ay nagbibigay ng pagkakataon na padaluhin kanyang mga miyembro sa mga team building at nagiging higit na magkakakilala ang bawat isa.
- Hindi ipinagkakait ng empleyado sa kanyang trabaho ang mga dapat na proyektong pinaghahatian nang maayos. Nagkakaroon sila ng relasyon dahil sa bukas na komunikasyon sa isa’t isa, anuman ang kanilang posisyon.
Ang mga Dahilan kung Bakit Nagkakaroon ng Politika sa Opisina
Ang ilang mga tao ay gustong makamit ang isang bagay sa lugar ng trabaho kagaya ng katayuan, kapangyarihan, pagtaas ng suweldo, at mapanatili ang kanilang posisyon sa trabaho.
Upang makamit iyon, ang mga tao ay gagamit ng anumang uri ng paraan, maging ang hindi etikal na paraan kagaya ng tsismis.
Kung ang isang negatibong diskarte ay palaging pinipili upang maging isang paraan upang makamit ang mga bagay, makakaapekto ito sa kultura ng kumpanya.
Sa kabilang banda, maaari rin namang magamit ang politika sa maayos na paraan, at hindi sa paninira ng puri ng ibang katrabaho, paghila pababa, at pag-angat sa sarili upang bumango ang pangala.
Mga Maling Akala sa Politika ng Opisina
Karaniwang naririnig natin na tayo ay pumapasok at nagtatrabaho lamang para sa sahod, at hindi upang makialam sa nagaganap sa ating kapaligiran.
Ngunit, ano-ano ba ang mga maling akala nating kumakalat sa loob ng industriya na politika?
Maaari kang maging isang mabuting tao, o maaari kang maglaro ng politika
Sa unang pananaw, ano ba ang tingin ng tao kapag narinig ang politika sa opisina?
Sabi nga sa Ascend, 99 porsyento ng tao ang naglalarawan na ito ay nakakalason, nakakatakot, nakakabigo, hindi patas, nakakawala ng motibasyon, atbp.
Bagama't maaaring gamitin ang pulitika sa opisina sa etikal at hindi etikal na pamamaraan, ang mga ito ay hanay lamang ng mga impormal, hindi opisyal, at kung minsan sa likod ng mga eksenang pagsisikap na nangyayari sa lahat ng organisasyon habang ang mga tao ay pumwesto sa kanilang sarili, interes, koponan, at mga priyoridad para matapos ang mga bagay na kailangan.
Makatakas ka sa politika sa opisina
Sa katunayan, hindi natin matatakasan ang politika.
Bilang mga tao, tayo ay mga panlipunang nilalang at ang paggamit ng mga ugnayan, impormal na impluwensya, at mga paglalaro ng kapangyarihan ay bahagi ng kung paano tayo nakikipag-ugnayan, mabuti man o masama.
Hindi nakaaapekto ang politika sa iyong pagganap at karera
Oras na tayo ay pumasok sa trabaho, kailangan na natin asahang tayo ay bahagi na rin ng politika.
Mula sa kanya-kanyang perspektibo sa pagsimula at pagtatapos ng gawain, inaapektuhan din nito ang iyong pagiging produktibo at ang motibasyon mong magpatuloy para sa iyong pagganap at karerea.
Naglalaho ang politika sa birtwal na lugar ng trabaho
Mayroon mang mga pag-aaral na nababawasan ang politika kung ikaw ay nasa birtwal na mundo ng pagtatrabaho, ngunit ito ay hitik kung ang gamit ay midya.
Talamak na ngayon ang pag-uusap o chatting sa online kaya hindi na ito surpresa na ang mga empleyado ay sumasangkot pa rin sa mga politikal na gawain.
Ang katalinuhan sa politika ay isang likas na katangian
May kanya-kanyang likas na katalinuhan ang mga tao sa politika, bagamat ito ay kakayahan, at hindi katangiang nakuha noong tayo ay ipinanganak.
Tulad ng lahat ng mga kasanayan, kailangan mong sanayin ang mga ito upang mahasa ang mga ito.
12 na Paraan upang Harapin ang Politika sa Opisina
Nakasaad sa artikulong ito na hindi natin lubhang maiiwasan ang politika sa opisina, subalit mayroon namang paraan upang harapin ang mga ito:
1. Unawain ang pormal at impormal na network
Mayroong dalawang uri ng network sa politika ng organisasyson: pormal at impormal.
Ang pormal ay tumutukoy sa mga lider na may awtoridad sa opisina kagaya ng CEO, manager, o intern.
Sa kabilang banda, ang impormal na network naman ay ang mga manggagawa na may mahalagang posisyon sa organisasyon.
Ang pag-unawa sa pareho ay makakatulong sa iyong matutunan kung paano pangasiwaan ang bawat network.
2. Bumuo ng isang positibong relasyon sa trabaho at kapaligiran
Ang pagbuo ng magandang relasyon sa mga katrabaho at lider ay isang gawi upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa inyong opisina.
Umiwas sa pagsangkot sa mga negatibong aktibidad kagaya ng tsismis. Sa pamamagitan nito, makakabuo ng support network na makatutulong sa iyo upang maging matibay sa iyong karera.
3. Manatiling propesyonal
Tandaan na kahit gaano kabukas ang pagkakaibigan sa inyong lugar ng trabaho, manatiling propesyonal at kagalang-galang. Gumuhit pa rin ng linya at hangganan sa isa’t isa, at mag-iingat sa pagbabahagi ng iyong sarili.
Ang pagtatakda ng mga hangganan sa iyong mga kasamahan ay lumilikha ng malinaw na mga istruktura ng trabaho. Pinipigilan din nito ang iyong mga kasamahan na samantalahin ka.
4. Hasain ang malambot na kakayahan
Ang primaryang rason kung bakit tayo nagtatrabaho ay upang kumita at magkaroon ng progreso ang ating karera, kaya naman sa kabila ng politikang nagaganap sa ating kapaligiran, patuloy nating hasain ang malalambot nating kakayahan dahil ito ang makakatulong sa atin upang matanaw ang tunay na daloy ng politika sa opisina.
5. Bumoses para sa sarili
Kung minsan ay mahirap magsalita para sa sarili lalo kung ikaw ay napagkakaisahan sa isang bagay na hindi mo naman ginawa o kasalanan.
Ang pagboses para sa sarili ay isang positibong hakbang ng pagkilala ng iyong kakayahan at tapang na harapin ito. Dagdag pa, kung may mga bully na empleyado sa opisina, makikita nilang hindi ikaw basta-basta sinasamantala.
6. Panatilihin ang isang positibong pananaw
Hindi tuwirang maiiwasan ang negatibong pakiramdam sa trabaho.
Ang pagtatrabaho nang matagal ay maaaring nakakapagod, subalit hindi pagrereklamo ang sagot upang malampasan ito. Bagkus, panatilihin ang positibong pananaw nang sa gayon ay makalikha nang maayos na ugnayan sa iyong mga katrabaho.
7. Pataasin ang kumpyansa
Mararamdaman ng mga tao sa iyong paligid kung mataas o mababa ang iyong kumpyansa.
Ito ay malinaw lalo’t higit sa pagsasaayos ng mga proyekto. Ang paghasa ng iyong matigas at malambot na kakayahan ay isang kasangkapan upang tumaas ito, at hindi lumiit ang tingi sa’yo ng ibang tao.
8. Manatiling patas ang pagtingin sa bawat tunggalian (maging obhektibo)
Tayo ay nagkakaroon ng espesyal na kasamahan sa trabaho, at sila ay personal nating nagiging kaibigan.
Subalit, kailangan nating isipin na tayo ay nasa loob pa rin ng trabaho. Manatili tayong patas sa bawat tunggaliang nagaganap, at maging obhektibo sa lahat ng sandali nang sa gayon ay hindi tayo makagawa ng pagpanig sa sinumang taong sangkot.
9. Gamitin ang iyong network
Sa pamamagitan ng iyong network, maaari mong buuin ang iyong personal brand at pataasin ang iyong profile.
Kung maibabahagi mo ang iyong mga napagtagumpayan sa iyong mga kakilala, maaari silang magbigay sa’yo ng mga oportunidad, sa iyong grupo, and lider.
10. Palaging idokumento ang iyong trabaho
Para sa iyong pag-iingat, parating idokumento ang iyong trabaho. Kung maaari ay gumawa ka ng mga nakaatas na gawain na iyong tinapos at sinumite, at ipaalam mo ito sa iyong lider para siya ay may kamalayan tungkol dito.
11. Iwasan ang tsismis
Normal na sa panahon ngayon ang makipagtsisimisan sa mga katrabaho, personal man o hindi ang paksa.
Ngunit hanggang maaari, iwasan ang sumangkot sa mga ito, ang pagbibitaw ng mga salita na maaaring gawing bala laban sa’yo na sa huli ay iyong ikakapahamak.
12. Panatilihin ang pokus sa iyong trabaho
Huwag magpadala sa mga nangyayari sa iyong paligid. Ramdam mo ang umiinit na politika, huwag magbulag-bulagan subalit manatiling pokus sa iyong trabaho nang sa gayon ay hindi ka maapektuhan ng mga ito.
Negatibong epekto ng Politika sa Opisina
Kung hindi pinangangalagaan ng grupo at kumpanya ang etikal na politika sa opisina, maaaring mangyari ang mga bagay na ito:
1. Nakalalason na kapaligiran ng trabaho
Magsisimulang magkaroon ng bahid ng di pagkakaunawaan mula sa mga katrabaho, laitan, selos dahil na rin sa pangingibabaw ng tinatawag na favoritism sa opisina.
Dulot ng magkakaibang opinyon at pananaw, hindi ito madaling idaan sa banayad at masinsinang usapan kasama ang inyong lider.
2. Mapupuno ng tsismis
Dulot ng magkakaibang naratibo, opinyon, lalago ang mga haka-haka sa paligid na magiging sanhi upang uminit ang tensyon sa paligid.
3. Uusbong ang selos o inggit
Kung tanaw ang favoritism, makakaramdam ang mga empleyado ng selos at inggit dahil sa mga pagkakataong mas may isa o dalawang taong laging pinapaburan ang mga suhestyon o komento.
4. Magkakaroon ng kompetisyon
Ayos lamang kung may malusog na kompetisyon sa ilang pagkakataon, subalit nagkakaroon ng kompetisyon dahil sa magkakaibang sistema, danas, pananaw, lugar, at pag-unawa sa protokol at polisiya.
5. Pagkasira ng tiwala sa isa’t isa
Dahil sa politika sa opisina at pagkawala ng patas na pagtingin, maaari nitong ikasira ang tiwala sa isa’t isa. Ito rin ang magiging dahilan upang unti-unting mawala ang relasyong nilikha sa bawat isa, at maging sanhi ng hindi positibong kompetisyon.
Gayunpaman, sa malinaw na politikang nangingibabaw sa organisasyon, ang disiplina bilang isang manggagawa ang dapat manaig sa lahat ng pagkakataon.
Para sa mas marami pang payo upang umusbong ang iyong karera, sumuskribi lamang sa Epicareer at maging updated.
Popular jobs in Philippines:
Virtual Assistant | WFH Call Center | Remote Customer Service | Marketing Communication Specialist | Account Manager | Data Engineer | UI/UX Designer | Accountant | Software Engineer | App Developer | Mobile Developer | Project Coordinator | Technical Support
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article