Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Pagdalo sa Job Fair: Mga Dapat Alamin at Isaalang-alang

7 min read

Pagdalo sa Job Fair: Mga Dapat Alamin at Isaalang-alang

Nagpaplano bang dumalo sa Job Fair? Alamin kung paano maghanda, makakuha ng mga benepisyo, at tips para ma-stand out sa mga employer! Mula sa tamang pananamit hanggang sa paggawa ng resume, narito ang mga kailangan mong malaman para sa job hunting na swak sa’yo.

Lovely Ann

Updated Jun 12, 2024

Pagdalo sa Job Fair: Mga Dapat Alamin at Isaalang-alang

Nag-i-scroll ka lang sa iyong social media, pagkaraa’y nakakita ka ng mga naka-sponsor na patalastas para sa isang Job Fair malapit sa inyong lugar.

Tamang-tama at ikaw ay kasalukuyang naghahanap ng trabaho, ngunit sa oras na ito, hindi mo pa alam ang iyong proseso. Ano nga ba ang Job Fair at bakit kailangan itong paghandaan?

Ano ang Job Fair?

Ang Job Fair ay isang uri ng pamamaraan at pag-aalok ng trabaho sa mga indibidwal. Ito ay pinagsama-samang organisasyon at kumpanyang naghahanap ng mga kwalipikadong manggagawa.

Maraming uri ng job fair ang pwede mong ipakita, at kadalasan, ito ay nangyayari malapit lamang sa iyong tahanan.

Paano gumagana ang Job Fair?

Kung ikaw ay masipag magsaliksik sa mga website at ibang plataporma, may dalawang uri ng job fair na maaari mong lahukan:

Birtwal

Ang birtwal na job fair ay uri ng kaganapang pang-impormasyon o outreach na nag-uugnay sa mga kumpanya at kandidato sa isang birtwal na lugar.

Ang mga dadalo ay maaaring matuto tungkol sa iba't ibang mga organisasyon o sponsor pati na ang kanilang oportunidad sa kanilang karera mula sa kaginhawahan ng kanilang sariling tahanan, sa lahat ng kadalian na ibinibigay ng isang onlayn na plataporma.

Pisikal

Para sa pisikal na job fair, ito naman ay ipinapalaganap sa pamamgitan din ng social media bilang imbitasyon para sa mga dadalong nais tumungo sa isang partikular na lugar, araw at oras.

Magtitipon-tipon ang iba’t ibang samahan para sa bukas na interbyu at pagtanggap ng resume sa mga nagbabalak mag-apply.

6 na Benepisyo ng Pagdalo sa Job Fair

Kung ikaw ay nangangamba sa maaaring patunguhan ng iyong pagpunta, narito ang anim na benepisyo na makakapag-engganyo sa iyong bisitahin ang iba’t ibang sponsored na kumpanya at kanilang mga bukas na posisyon:

1. Maghanap ng mga internship o full-time na pagkakataon sa hinaharap at direktang mag-apply sa lugar

Magsaliksik ng mga full-time o internship na programa at direktang mag-apply. Sa ganitong kondisyon, hindi mo na kailangan pang dumaan sa isang ahensya, at ikaw ay may pagkakataong higit at madaling matanggap.

2. Personal na makipagkita sa mga employer at recruiter

Kung dadalo ka sa isang job fair, may tyansang ikaw ay kanilang makapanayam nang harap-harapan, makapagkonsulta upang mabigyan ka ng linaw sa proseso ng iyong aplikasyon.

3. Kumuha ng libreng konsultasyon sa karera

Bukod sa ikaw ay may pag-asang makapasok sa trabaho, magkakaroon ka ng libreng konsultasyon na makakagabay sa iyo upang seryoso at maayos mong mailakad ang iyong sarili para sa iyong karera.

4. Ihambing ang isang kumpanya sa isa pa upang malaman kung alin ang angkop para sa iyo

Ang job fair ay isang lugar upang makita at matimbang ang mga benepisyong maaaring ibigay sa iyo ng bawat kumpanya. Mapaghahambing mo ang mga ito, at malalaman mo ang kanilang sistema at serbisyo.

5. Makipag-usap sa ibang mga propesyonal at pagbutihin ang iyong propesyonal na network

Maliban sa pakikipag-ugnayan, tutulungan ka nilang magkaroon ng sarili mong network para sa iyong karera. Sila rin ang gagabay sa iyo kung paano mo maibebenta ang iyong sarili upang matanggap sa trabaho.

6. Makakuha ng agarang tugon mula sa maraming kumpanya sa kaganapan

At dahil sila ay may iba’t ibang paraan upang makarecruit ng tao para sa kanilang organisasyon, at kung ikaw man ay interesado sa kanila, mabibigyan ka nila ng agarang sagot para sa kanilang mga kaganapan.

9 na Paraan upang Matagumpay na Makakuha ng Trabaho sa isang Job Fair

Ang iyong unang beses na pagdalo sa job fair bilang mayroon o walang karanasan ay s’ya rin iyong susunod na hakbang sa pagpapalago ng iyong karera at kinabukasan. May siyam na paraan upang makakuha ka ng trabaho rito nang mabilis:

1. Dumalo sa isang job fair na naaayon sa iyong inaasahang industriya ng karera

Kung mayroon kang kinakikitaang posisyon na naaayon sa iyong kasanayan o abilidad, huwag nang magdalawang-isip at subukang gumalugad ng impormasyon tungkol sa kumpanya, posisyon, at mga rebyu nito.

2. Alamin kung aling kumpanya ang lalahok

Siguraduhing hindi ka pupunta sa isang job fair na walang bala kahit ano. Kailangan mong maging alerto at aktibo sa pagbisita sa mga plataporma o website na nagpapalaganap ng imbitasyon, dahil doon inilalabas ang kumpanyang naglalaho ng mga partikular na trabaho.

3. Ihanda ang iyong mahahalagang dokumento (CV, Resume, Transcript Nilai, atbp)

Kung ikaw naman ay kumpleto na sa dokumento at hindi mo na ito kailangang lakarin pa, ang kailangan mo ay basahin, wastuhin, at i-update ito kung kinakailangan, lalo na ang iyong resume o curriculum vitae.

4. Lumikha ng mga resume para sa mga naka-target na kumpanya at mag-ipon para sa mga neutral na resume (hindi naka-customize)

Siguraduhing mayroon kang hiwalay na resume o CV para sa nais mong posisyon, at mayroon ding aplikado para sa lahat. Ito ay paghahanda kung sakaling ikaw ay may biglaang matipuhan na iba pang aplikasyon mula sa ibang kumpanya na naroon sa job fair.

5. Magbihis gamit ang tamang pamantayan ng pananamit

Tandaan na ikaw dadalo sa job fair at hindi lamang lalabas sa inyong bahay. Pumili ng susuotin na angkop sa kaganapan; maaaring magsuot ng semi-pormal na damit para sa babae at lalaki. Iwasang magsuot ng tsinelas, short, at sando.

6. Tumanggap lamang ng Interbyu kung saan ka interesadong magtrabaho

Kung umpisa pa lamang ay mayroon ka nang trabahong nais pasukin, ito ang bigyan mong atensyon at prayoridad nang sa ganyon ay hindi ka magsisi sa huli.

7. Huwag kalimutang ipakita ang iyong sigasig sa posisyon na iyong a-apply-an

Mararamdaman ng mga recruiter kung ikaw ay tunay masigasig para sa posisyong ina-apply-an mo sa kanila. Kung alam nila ang pursigido mong makapasok sa kanilang kumpanya, maaari ring madagdagan ang kanilang impresyon sa iyo.

8. Mag-apply at tingnan ang susunod na detalye

Sa job fair, iwasang sayangin ang iyong oras. Mag-apply at alamin ang mga susunod na detalye upang ikaw ay maging maalam at hindi maiwan sa susunod na proseso. Siguraduhin ding ikaw ay may sapat at kumpleto ang iyong impormasyon kung sakaling ikaw ay kanilang tawagan.

9. Gumawa ng networking

Ang pagne-network ng sarili ay isang mahirap na paraan kung ikaw ay mahiyain at walang sapat na kakayahang makipagkomunikasyon sa iba upang mas makilala ka nila. Sa paggawa nito, pinapalawak mo rin ang iyong tyansa na makapasok sa trabaho at kumpanyang gusto mo.

7 Uri ng Mga Tanong na Itatanong sa isang Job Fair para Magkaroon ng Mahusay na Impresyon

Sa pagtungo mo sa job fair, iwasang ang pagtunganga o paghihintay na ikaw ay lapitan pa ng isang empleyado upang ikaw ay gabayan. Magkaroon ka ng pagkukusa upang sumagap ng impormasyon na matatanaw mo sa iyong paligid sa tulong ng mga tanong na ito:

1. Magtanong tungkol sa isang partikular na posisyon

Sa pagdating mo sa iyong lokasyon, tingnan kaagad ang mga nakapaskil sa iyong paligid.

Matatanaw mo rin dito ang iba’t ibang kumpanya, at sila ay maaari mong lapitan isa-isa upang iyong malaman ang kanilang mga inaalok na trabaho.

2. Tanungin ang proseso ng aplikasyon

Maaaring sila ay may iba’t ibang hakbang para sa kanilang mga aplikante. Tanungin ang kanilang mga ispesipikong proseso at mga kinakailangan upang maiwasan ang iyong pagkalito.

3. Magtanong ukol sa kanilang karanasan

Ang mga lehitimong kumpanya ay hindi takot o hindi umiiwas na ilarawan ang kanilang serbisyo at tunguhin sa mga aplikanteng nagbabalak sa kanilang pumasok.

Maaari mong tanungin ang kanilang mga karanasan at sistema na makakatulong sa’yong timbangin kung ito ba ang iyong nais o hindi.

4. Magtanong Tungkol sa Paglago at Pag-unlad

Magkakaroon ka ng impresyon ang iba’t ibang kumpanya sa iyo kung ikaw ay may interes sa kanilang pag-unlad. Maaari nilang maramdaman na ikaw ay pwedeng maging asset sa kumpanya dahil kakikitaan ka nila ng kumpyansa at lakas ng loob.

5. Magtanong Tungkol sa Mga Produkto, Serbisyo, o Kamakailang Balita ng Kumpanya

Isang pumapangibabaw na benepisyo sa iyo ay ang pagtatanong din ng kanilang serbisyo, mga bagong balita tungkol sa kanila, at pati na rin ang kanilang partikular na produktibo. Hindi lamang ito makadaragda sa pagkalap mo ng iyong impormasyon, magkakaroon ka rin ng ideya kung ano ang iyong magiging obligasyon sa loob nito.

6. Magtanong Tungkol sa Kultura ng Kumpanya

Ang iba’t ibang kumpanya ay may kanya-kanya ring kultura na kusang nabuo sa loob ng matagal na panahon. Mayroon din silang mga tradisyon taon-taon na pwede mong tanungin sa kanila para matutunan mo rin ang mga maaari mong abangan sa iyong pagpasok sa kanila.

7. Itanong Kung Paano Ka Mananatiling Makipag-ugnayan

Sa pagtatapos ng inyong pag-uusap, huwag kalimutang tanungin kung ano ang magiging kagamitan upang magpatuloy ang inyong komunikasyon sa isa’t isa. Maaari nilang sabihin na ikaw ay kanila na lamang tatawagan sa iyong numero, o magpapadala ng mensahe gamit ang email.


Ihanda mo na ang iyong sarili sa job fair sa tulong ng mga paalala ng Epicareer!

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles