Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide 5 Trabahong May Pinakamalaking Sahod Pilipinas ngayong 2024

4 min read

5 Trabahong May Pinakamalaking Sahod Pilipinas ngayong 2024

Kung naghahanap ka ng trabahong may malaking sahod ngayong 2024, basahin ang aming listahan ng mga top 5 na trabaho sa Pilipinas. Alamin ang mga kwalipikasyon at responsibilidad para sa mga posisyon tulad ng Punong Tagapagpaganap, Tagapamahala ng Bangko, Abogado, Hukom, at Doktor/Siruhano. Alamin din kung paano mag-apply sa mga trabahong ito upang masigurado ang iyong tagumpay at malaking kita.

Lovely Ann

Updated Jul 3, 2024

5 Trabahong May Pinakamalaking Sahod Pilipinas ngayong 2024

Ang malaking katotohanan sa buhay ng isang empleyado ay ang hangaring magkaroon ng malaking sahod kada buwan.

Dahil patuloy na tumataas ang bilihin at pangangailangan, naghahanap ka rin ng trabahong makatutulong sa iyo upang makaipon at makapagpundar.

Subalit, kinakailangan mo ring isaalang-alang ang iyong kwalipikasyon nang sa gayon, ay hindi ka mahirapan sa pagpasok sa nais mong trabaho.

Kung nais mong malamang ang lima (5) sa mga trabahong may pinakamataas na sahod sa Pilipinas sa taong 2024, basahin ang nasa ibaba:

1. Punong Tagapagpaganap

Sahod: P40 000 - P160 000

Sa maraming kompanyang pinamamahalaan sa Pinas, ang punong tagapagpaganap ang siyang lider at may pinakamaraming responsibilidad o gampanin sa lahat ng nabibilang sa istruktura ng organisasyon sa opisina.

Upang maging pinunong tagapagpaganap, kinakailangan na siya ay bihasa sa pamamahala ng negosyo, produkto, o serbisyo. Mayroon siyang kasanayan sa pamumuno ng malaki o maliit na grupo, may abilidad na tumulong at magkusa, at nananatiling mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon.

Siya ang may pinakamataas na ranggo sa kompanya, at pinakamalaki ring kompensasyon.

2. Tagapamahala ng Bangko

Sahod: P45 000 - P170 000

Bilang tagapamahala ng bangko, obligasyon niyang bantayan ang lahat ng sangay at operasyon ng bangkong kanyang kinabibilangan.

Siya rin ang nagsisiyasat sa pagganap ng mga empleyado ng kompanya, at may responsibilidad na panatiling naaabot ang layunin ng mga benta, pagbibigay-serbisyo sa mga kliyente, at pagpapalawak ng kita.

Siya ay karaniwang nagtapos sa kursong Accounting, pinansyal, at iba pang pag-aaral na nakalinya rito.

3. Abogado

Sahod: P50 000 - P180 000

Matagal na panahon ang ginugugol ng isang indibidwal upang maging isang ganap na abogado. Isa sa kanilang primaryang trabaho ay makipag-ugnayan sa mga kliyente, hukom, at iba pang kasangkot na tao ukol sa isang kaso.

Sila rin ay naglalahad o nagbibigay ng mga paalala o payo, at kumakatawan sa kanilang mga kliyente sa harap ng ahensya, pamahalaan, o korte para sa isang usapin.

Hindi lamang sila matatagpuan sa hukuman, sila rin ay naghahanda at naghahain ng mga legal na papeles at dokumento kagaya na lamang ng mga kontrata, testamento, demanda, at iba pang gawaing nakalinya sa kanilang trabaho.

4. Hukom

Sahod: P60 000 - P200 000

May iba’t ibang aktibidades ang mga hukom na natatrabaho sa labas at loob ng isang hukuman. Mayroon silang mga nakapasang tungkulin, at ito ay pagdinig sa mga alegasyon at paratang mula sa magkabilang kampo nagtatanggol at umuusig, nakikinig sa mga pahayag at patibay ng mga saksi, tumatanggap ng mga pruweba, at nagbibigay ng panuntunan sa bawat patotoo na inilalahad ng mga hurado.

Hindi biro ang trabahong ito dahil sila ang tumutukoy sa kawalang-sala o pagkakasala ng mga nasasakdal sa korte, at nagpapasya sa bigat ng pinsala o pananagutan.

5. Doktor/Siruhano

Sahod: P75 000 - P260 000

Bilang doktor, malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya dahil kailangan niyang panatiling ang detalyadong tala ng mga pasyente, magbigay ng dekalidad na pangangalaga sa mga ito, gumagawa ng pagsusuri, at gumagamot ng mga may sakit.

Subalit, maraming proseso upang maging doktor. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng sertipikasyyon at lisensya sa medisina, nagkamit ang isang doktotal na kurso mula sa isang eskwelahan na may akreditong medikal, may kakayahang magtrabaho nang matagal na oras, at manatiling kalmado sa mga nakakabahalang pagkakataon ng paggagamot at operasyon.


Sa matagal na panahon ng iyong pagpapagal, at ang iyong propesyonal na kwalipikasyon ay nakalinya sa mga trabahong nasa itaas, maaari mong ilapat ang iyong resumé o binalangkas na kurikulum bita sa Epicareer, dahil sa kasalukuyan, maraming mga kompanya, at institusyon sa kasalukuyan ang nag-aalok ng mga ganitong uri ng marangal na trabaho na may matataas na sweldo.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles