7 min read
Paggawa ng Resignation Letter: Paano Matutunan?
Pagod na sa trabaho at plano nang mag-resign? Huwag kabahan! Tuturuan kita kung paano gumawa ng resignation letter na magaan at maayos.
Updated Aug 5, 2024
Nasa yugto ka na ba ng sitwasyon na gusto mo nang magpasa ng resignation letter, ngunit hindi mo alam kung paano ito uumpisahan?
Kung ikaw ay desidio na, ngunit hindi pa organisado ang lalamanin ng iyong liham, magpatuloy sa pagbabasa.
2 Uri ng Resignation Letter
Mayroong dalawang uri ng resignation letter, at ito ang mga sumusunod:
Isang buwang paunang abiso
Kapag magbibitiw sa isang posisyon, kadalasan ay karaniwang propesyonal na kasanayan na bigyan ang iyong tagapamahala ng hindi bababa sa dalawang linggong paunang abiso.
Depende sa iyong tungkulin at mga responsibilidad—pati na rin ang patakaran ng iyong kumpanya sa pagbibitiw—gayunpaman, maaaring kailanganin kang magbigay ng hanggang 30 araw na paunawa.
Ang pagkakaroon ng isang buwang paunawa ay importante dahil ito ay nagbibigay sa iyong lider ng maraming oras upang mahanap at sanayin ang isang tao na papalit sa iyo sa iyong posisyon. Nagbibigay din ito sa iyo ng sapat na panahon upang tapusin ang mga proyektong ginagawa mo.
Dalawang linggong paunang abiso
Sa ibang banda, ang dalawang linggong paunang abiso ay maikling liham o email na pormal na pagsasabi sa iyong tagapahamahal ukol sa iyon pag-alis, at kung ay hanggang kailan na lamang.
Bago ka magpadala ng abiso ng dalawang linggo, mag-iskedyul ng oras para makipag-usap sa iyong lider at sabihin sa kanila na ikaw ay aalis na.
Ano ang mga dapat Ihanda bago Ipasa ang Resignation Letter?
Ang paghahanda ng resignation letter ay hindi bara-barang proseso na kung kailan mo makagustuhan ay iyong ipapasa. Kailangan mo munang alamin ang mga dapat mong ihanda bago pa man ito isumite sa iyong pinuno.
Talakayin sa iyong direktang ulat (manager, lead)
Kung nais mo nang bumitiw sa iyong posisyon, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong lider bago pa man magpatuloy sa iyong proseso. Maaari kayong magkaroon ng bukas na diskusyon sa sanhi, iyong plano, at ibang pagtalakay ukol dito.
Siguraduhin na ang iyong layunin sa pagbibitiw ay sapat na malinaw
Bago ang iyong pagbitaw, siguraduhin may malinaw at ispesipiko kang dahilan na ilalahad sa iyong liham. Suriin mo ang iyong kabuuang karanasan at proseso bilang isang empleyado, at isa-isahin ang iyong pakiramdam.
Halimbawa, gusto mong magpalit ng karera o magpatuloy sa pag-aaral.
Suriin ang iyong kontrata sa pagtatrabaho
Sa pag-alis sa trabaho, kinakailangang alam mo ang iyong kontrata (kung kailan ka nag-umpisa at kung kailan ka magtatapos). Kung kinakailangan mo mang biglaang umalis sa trabaho, maiging ipaliwanag ito nang maayos sa pag-aabot ng iyong abiso.
Maging handa para sa isang counteroffer
May pagkakataong ikaw ay masinsinang kakausapin ng iyong tagapamahala sa kumpanya para sa isang counteroffer salary para ikaw ay hindi tuluyang umalis sa trabaho. Pag-isipan at paghandaan ang iyong maaaring maging sagot kung sakaling ikaw ay alukin nito.
Gawin at tapusin ang mga takdang gawain
Kung ikaw ay inaprubahan sa iyong pagbitiw sa trabaho, sa halip na hintayin ang buong panahon na ikaw ay makaalis, tapusin ang iyong mga takdang gawain at tulungan ang iyong mga katrabaho sa mga nakabinbin pang trabaho.
Humingi ng sangguniang liham mula sa kompanya at manager
Ang sangguniang liham ayon sa Indeed ay isang uri ng dokumento na naglalahad at nagpapakita ng kanyang kabuuang kasanayan, napagtagumpayan, at ibang pagganap noong siya ay nagtatrabaho pa sa kumpanya. Kung ikaw ay aalis, mangyaring humingi ng sangguniang liham kung sakaling ikaw ay magbago ng iyong karera o mag-apply sa ibang trabaho.
I-update ang iyong resume at LinkedIn
Habang ikaw ay nananatili sa iyong posisyon, kuhanin din ang iyong pagkakataon upang i-update ang iyong resume at LinkedIn. Ito ay bahagi rin ng iyong pagiging produktibo upang tumungo sa panibagong estado ng iyong karera.
Mahahalagang Nilalaman ng Resignation Letter
Sa paggawa ng resignation letter, hindi ka maaaring maglagay ng mga detalye na iyo lamang nakagustuhan. Kailangan mo pa rin itong salain bago ito isumite sa iyong pinuno at HR.
Planong pagbibitiw sa trabaho
Para sa iyong liham, itala ang iyong indibidwal na rason ng iyong planong pagbitiw sa trabaho. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng malinaw na ideya ang iyong lider at HR kung bakit nais o kinailangan mong umalis, biglaan man o hindi.
Huling araw ng trabaho
Huwag ding kalimutan na banggitin ang iyong “magiging” huling araw ng trabaho. Sa ganitong sitwasyon, mapaghahandaan ng iyong opisina ang paghahanap ng kapalit mo na maaaring sanayin bago ang iyong pag-alis.
Talang pasasalamat
Bilang empleyado, nagkakaroon tayo ng utang na loob sa mga taong naging bahagi ng ating karera at progreso. Parating tandaan na maglagay ng talang pasasalamat sa lahat ng tulong, suporta, at gabay habang ika’y nagtatrabaho pa.
Bukas na pagtulong sa transisyon
Iwasang isara ang iyong sarili na tumulong sa transisyon ng operasyon ng inyong kumpanya. Bukod sa mapapagaan niyo ang ganap sa loob ng organisasyon, hindi rin sila mahihirapang saluhin ang mga responsibilidad na iyong iiwanan.
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Maglapat din ng iyong detalye sa pakikipag-ugnayan sa pagtatapos ng iyong liham. Ito ay iyong magagamit kung ikaw may kailanganing papel o dokumento sa kanila pagdating ng araw.
Lagda
Tandaan na sa pagsasara ng liham, kailangang ilagay ang iyong lagda, bilang tanda na ito ay mabisa. Ang lagda ay importanteng laman bilang paggalang din ng iyong pagbitiw sa trabaho.
Mga Dapat Iwasan sa Paggawa ng Resignation Letter
Kung nalalaman mo na ang mga dapat ilapat sa paglika ng resignation letter, narito naman ang mga dapat mong iwasan bago at habang nagsusulat ng iyong papel:
Dahilan ng pag-alis, lalo kung ito ay negatibo
Iwasang magsulat ng mga negatibong dahilan ng iyong pag-alis lalo kung ito ay tumutukoy sa nakalalasong kalikasan ng inyong organisasyon. Iwasto ang iyong pamamaraan at timbangin ang bawat nilalaman nito.
Mga reklamo o pagpuna sa kumpanya, manager, o mga katrabaho
Dagdag nito, iwasan din ang pagpuna sa grupo, lider, o iyong kapwa manggagawa, upang hindi na makabuo pa ng tensyon sa inyong opisina bago ang iyong pag-alis. Panatilihin ang magandang koneksyon o relasyon sa kanila, sa kabila ng iyong mga naranasan.
Mas mataas na sweldo sa iyong bagong trabaho (kung mayroon)
Kung naghahanap ka ng isang sagot sa alok upang hikayatin kang manatili, ang pag-uusap na iyon ay mas magandang gawin nang personal. Huwag kang maghangad ng higit na mataas na sweldo sa paraang panulat upang hindi rin bumaba ang impresyon sa iyo ng kumpanya.
Huwag gamitin ang iyong sulat para talakayin kung gaano kahusay ang bagong trabaho o kung gaano ka kasaya sa pag-alis
Kung sakaling ikaw ay natanggap na sa ibang kumpanya, iwasan ang paglalahad kahit anuman tungkol dito, at kung gaano higit na kaganda ang kanilang sahod o benepisyo.
Kalimutang ipahayag ang iyong pasasalamat
Bukas ka nilang tinanggap sa trabaho, kaya tandaan na magkaroon ng bukal na pasasalamat sa kumpanyang tumulong sa iyo upang suportahan mo ang iyong pang-araw-araw na buhay.
Kalimutang magrebyu at mag-organisa ng nilalaman
Bago mo ipasa ang iyong resignation letter, huwag kalimutang ito ay basahin nang paulit-ulit, rebisahin, at wastuhin upang masiguradong tama, sakto, at maayos ang nilalaman nito.
Halimbawa at Pormat ng Resignation Letter
Tandaan na ito ay isang pormal na liham na ipapasa mo sa iyong kumpanya, at hindi isang “laro” na kailangan mong maging malikhain o madisenyo upang ito’y higit na maging kapansin-pansin.
Para sa mas malinis at organisadong liham, narito ang gabay na pormat mula sa Epicareer:
- 1 pahina lamang
- Font: Times New Roman, Calibri, Arial
- Sukat: 10-12
- Single spaced
Istruktura ng Resignation Letter
Sa istruktura ng iyong liham, itong nasa ibaba ang maaari mong pagbasihan:
Pangalan
Lugar
Email Address
Petsa
Pangalan ng Manager
Posisyon
Pangalan ng Kumpanya
Lugar
Pagbati,
Unang Talata
[Paglalahad ng iyong plano sa pagbitiw at paglalagay kung kailan magiging epektibo ito]
Ikalawang Talata (opsyonal)
[Pagtala ng rason ng iyong pag-alis, ngunit hindi naman ito kinakailangan. Kung pipiliin mong maglagay, siguraduhing ito ay maayos at positibo)
Ikatlong Talata (opsyonal)
[Bukas na pagtulong sa transisyon]
Ikaapat na Talata (opsyonal)
[Tala ng iyong pasasalamat para sa oportunidad na binigay sa iyo ng organisasyon]
Pagtatapos
Paglalagay ng pormal na sign-off, tulad,”Warmest regards,” “Best,” o “Sincerely”
Lagda
[Paglalagay ng lagda kasama ang iyong pangalan]
Halimbawa ng Resignation Letter
Faustino, Gonzales
Clerk
Agosto 7, 2024
Bb. Zarya Manalastas
Senior Manager
JG Corporation
Pasig, Philippines
Pagbati Bb. Manalastas,
Magandang araw.
Ang liham na ito ay bilang pagbibigay at pagpapaalam sa aking pagbitiw sa trabaho bilang Clerk sa JG Corporation na magiging epektibo sa Setyembre 7, 2024.
Nais kong magpasalamat sa oportunidad na ibinigay n’yo sa akin, at para sa lahat ng aral ukol sa wasto at organisadong pagsasaayos ng mga klerikal na trabaho at obligasyon. Lubha kong pinagpapasalamat ang mga panahong aking iginugol sa kumpanya, at naniniwala akong ang karanasang ito ay nagturo sa akin sa lugar ng industriya ng administratibong pagtulong at kung paano nito sistematikong matulungan ang ibang empleyado.
Sa susunod na buwan, ako ay tatayo bilang administrative assistant sa isang paaralan. Pansamantala, ikalulugod kong tumulong sa iyong transisyon sa panibagong klerk.
Gumagalang,
Faustino, Gonzales
+63 901 234 5678
Kung gusto mo pang makakuha ng mga impormasyon para sa pagbabago ng karera upang mas mapagplanohan ng maayos at makakuha ng ideya para sa pagbabago ng karera ay magtungo sa website ng Epicareer.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article