Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide 10 Kahinaan ng Isang Manggagawa sa Trabaho at Paano Ito Masosolusyonan

4 min read

10 Kahinaan ng Isang Manggagawa sa Trabaho at Paano Ito Masosolusyonan

Alamin ang 10 kahinaan ng isang manggagawa sa trabaho at mga epektibong solusyon para malampasan ang mga ito. Basahin at matuto kung paano mapabuti ang iyong performance sa trabaho at maging mas produktibong empleyado.

Lovely Ann

Updated Jul 3, 2024

10 Kahinaan ng Isang Manggagawa sa Trabaho at Paano Ito Masosolusyonan

Sa kabila ng ilang taong pagtatrabaho, hindi pa rin maitatanggi na mayroong pa ring mga lumalabas na kahinaan mula sa iyo. Ito ang nagiging sanhi kung bakit pinanghihinaan ang iyong loob; hindi man ikaw, maaaring ang iba mo pang mga katrabaho.

Subalit, mahalagang kinikilala at tinatanggap mo ang sarili mong kahinaan sa trabaho upang matuklasan mo ang mga prosesong maaari mong gawain upang malampasan ang mga ito.

1. “Ningas Kugon” na pag-aasal

Kapag nakamit mo ang trabahong in-apply mo, nariyang makakaramdam ka ng kasabikan dahil sa wakas ay hindi ka na bakante, o may trabaho ka na.

Subalit, mayroong mga pagkakataon na sa una lang masigasig ang isang empleyado. Habang tumatagal, nawawala ang pagiging produktibo sanhi upang masabihan na ningas kugon ang pag-aasal nito.

2. Pagkalito sa sabay-sabay na trabaho

Isa sa kahinaan ng isang empleyado sa trabaho ay ang pagkakaroon ng sabay-sabay na gawain sa isang araw.

Kung hindi ka organisado at sistematiko, magdudulot ito ng matinding pagkalito. Higit na masama pa ay makalimutan mo ang ilan sa importanteng gawaing nakaatas sa iyo dahil sabay-sabay mo rin silang iniisip.

Mahalaga na mayroon kang listahan nang sa gayon ay nabibisita mo rin ang mga gawaing tapos na, ginagawa, at gagawin mo pa lamang.

3. Kakulangan ng kumpyansa sa sarili

Matagal na panahon ang pagbubuo ng kumpyansa sa sarili, at kadalasan, ito ay nasisira o nabubuwag kapag ang isang trabahador ay makatanggap ng kritisismo o mga masasakit na salitang hindi kayang tanggapin ng kanyang kalooban.

Isa rin ito sa maaaring makaapekto sa iyo sa pagganap mo, at maaaring ito ay matanaw mula sa mga resulta o produkto ng iyong gawain.

4. Hindi pagiging maagap

Ang madalas na napupunang pagkakamali sa isang empleyado ay ang hindi nito pagiging maagap, kagaya na lamang kung lagi siyang huli sa pagpasok sa trabaho o pagpupulong, o kaya naman ay hindi sumusunod sa target na araw ng pagsusumite o pagtatapos ng isang gawain.

Isa ito sa kahinaang nakakaapekto sa kalidad mo bilang empleyado dahil ito ang repleksyon kung gaano ka ba kasigasig o katutok sa posisyon na hinahawakan mo.

5. Maikli ang pasensya

Sa bigat at lawak ng bawat trabahong iyong papasukan, darating talaga ang mga pagkakataon na magsasabay-sabay ang pagod, bagot, at “stress.”

Kung maikli ang pasensya mo, maaaring maging sanhi ito upang hindi maging maganda ang resulta ng iyong gawain. Maaaring maimpluwensyahan nito ang pakikitungo mo sa iba mong katrabaho.

6. Mainitin ang ulo

Walang patutunguhang maganda kung mainitin ang ulo mo sa trabaho. Magdudulot lamang ito ng hindi pagkakaintindihan na mapupunta sa matinding kaguluhan.

Kung may problema ka o ibang iniisip at nagiging dahilan upang mag-init ang iyong ulo, mabuting huminto ka saglit sa iyong ginagawa, huminga, ikalma ang sarili, at magkaroon ng ebalwasyon sa sariling nararamdaman, nang sa gayon ay makaisip ka ng magandang solusyon upang ito ay humupa.

7. Sarado ang isip

Nagtatrabaho ka upang matuto ng panibagong kasanayan at magkaroon ng karanasan.

Hindi lamang iyan, may mga sitwasyon ding kinakailangan mong makisalamuha sa ibang empleyado para sa isang mahalagang proyekto. Kung sa mga ganitong pagkakataong nagkakaroon kayo ng pagpupulong, paghahanda, at pagsasanay, marapat lamang na maging bukas ka sa suhestyon, komento, at kritisismo.

Iwasang pairalin ang pagkakaroon ng saradong isip dahil hindi ito makatutulong upang maisagawa ang tungkulin.

8. Hindi kayang tumanggap ng pagkakamali

Kung sa isang gawain at nakitaang ikaw ay may pagkakamali o pagkukulang, ngunit inilalaban mo pa ring hindi mo ito kakulangan, maaaring nasa iyo na ang problema.

Hindi kababaan ng reputasyon kung isa o minsan kang magkamali sa iyong trabaho. Kailangan mo ng reaksyon at kritisismo upang baguhin at ayusin mo ang iyong gawi.

9. Kakulangan sa atensyon o detalye

Lahat ng empleyado ay nagnanais na makatapos ng isang trabaho, o makatamo ng kanilang kota. Ngunit kadalasan, ang isa sa pagkakamali ay ang hindi pagbisita nang maayos sa mga detalye bago ito ipakita, ipasa, o isumite. Ito ang nagiging sahni upang magkaroon ng paulit-ulit na rebisyon mula sa gawain.

10. Kahinaan sa pakikipag-ugnayan

Sa katunayan, hindi madaling makipag-usap sa lugar na may iba’t ibang kulturang pinanggalingan, at bilang isang manggagawa, ang kahinaan sa pakikipag-usap ay maaaring makaapekto sa iyo lalo kung kinakailangan ng ilang suhestyon, pahayag mula sa iyo.

Ito rin ay maaaring magdulot upang hindi malaman ng iyong mga kasamahan sa trabaho ang sarili mong nararamdaman kung ikaw man ay may pinagdaraanan.


Naniniwala ang Epicareer na ang bawat kahinaan sa trabaho ay mahahasa. Kaya huwag kang matakot na makipagsapalaran sa mundo ng korporasyon, dahil ang mga kompanya na nakaugnay sa Epicareer ang maaaring tumulong sa’yo upang maging isang bihasa at propesyonal na manggagawa sa hinaharap. Isumite lamang ang iyong resumé sa aming website para sa mabilis na proseso ng iyong aplikasyon.

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles