Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Paano Malampasang ang Pagpapaliban sa Gawain?

5 min read

Paano Malampasang ang Pagpapaliban sa Gawain?

Nahihirapan kang simulan ang trabaho? Tuklasin kung bakit ka nagpapaliban at sundan ang 10 tips para maging mas disiplinado at responsableng empleyado!

Lovely Ann

Updated Aug 5, 2024

Paano Malampasang ang Pagpapaliban sa Gawain?

Nakaramdam ka na ba na parang ayaw mong gumawa; ang nais mo’y matulog na lamang, o gawin ang mga gusto mo talagang aktibidad? Sa trabaho, nasubukan mo na bang ipagpaliban ito?

Kahulugan ng Pagpapaliban

Ang pagpapaliban ay isang uri ng gawain ng saglit na paghinto sa isang ispesipikong gawain, at pagpasyahang gawin na lamang ito sa mga susunod na panahon.

Ito ay madalas maganap noon habang ikaw ay nag-aaral pa, o kung ikaw ay pinagawa ng isang proyekto na may araw na dapat isumite, pati sa trabaho na kailangan mong magpasa ng isang uri ng ulat sa itinakdang araw ng iyong lider.

Mga Dahilan kung Bakit Tayo Nagpapaliban

Ang daming rason upang magpaliban, ngunit ano nga ba ang mga ito para sa iyong kaalaman?

Inip o Kawalan ng Interes

Ang isang sanhi ng pagliliban sa isang gawain ay ang kawalan ng interes na ito ay simulan. Narito ang kondisyon ng iyong diwa na mahirap simulan, mahaba, matagal, maraming balangkas, at matagal pa naman ang itinakdang araw o oras ng pagpapasa.

Ikalawa, wala kang lakas ng loob upang ito ay simulan dahil hindi mo alam kung paano ito uumpisahan. Ano ang iyong uunahing ilapat, at kung minsan ay parang nakakawindang dahil sa mga impormasyong kailangan mong kumpletuhin at ayusin.

Mas Nais Magpahinga

Isa ang pagnanais magpahinga sa pinakaprimaryang rason bakit lumiliban ang isang empleyado o indibidwal. Ito ay dulot na rin ng kanilang kapaligiran. Sa dami ng nangyayari sa kanilang paligid, ang kanilang isip, puso, at pisikal na pangangatawan ay naaapektuhan, sanhi upang mapagod nang mabilis.

Sensyales na Ikaw ay Nagpapaliban

Kung napapansin mo ang iyong sariling napapadalas ang pagpapaliban ng gawain sa trabaho, maaaring naranasan mo ang ilan sa mga senyales:

Nakakalimutan ang gawain na higit na maagang dapat tapusin

Ang pagkalimot na tapusin ang mahahalagang gawain ay isang senyales ng pagpapaliban. Hindi mo ito isinasama o naisasama sa iyong listahan ng gawain kung kaya naman ito ay niyong nakakaligtaan.

Hindi alam paano uumpisahan ang trabaho

Maaaring hindi mo alam paano ang pagsisimula ng trabaho lalo na kung maraming nakakagambala sa iyong paligid. Ikaw ay nakakaramdam ng pagkalito at takot na baka sa umpisa pa lamang, ikaw ay magkamali na.

Takot na pumalpak

Kaugnay ng nasabi kanina, ikaw ay takot na magkamali o pumalpak sa iyong trabaho. Natatakot kang sumubok at makaranas na ikaw ay bigyang ng kritisismo ng ibang tao para sa iyong progreso.

Nakakapagtrabaho nang mas mahusay sa ilalim ng presyur

Walang numero o porsyento ang makakapagtala na maraming nakakapagtrabaho nang mas maayos sa ilalim ng presyur, subalit sa pag-iisip na malapit na ang itinakdang araw upang ito ay isumite, mas lalong gumagana ang utak upang maglapat ng mga impormasyon, magbalakangkas, at mag-organisado ng iyong gawain.

Pagnanais na tapusin muna ang iba pang mga gawain

Marahil ay naranasan mo na ito, na sa tuwing mag-uumpisa ka na sa iyong trabaho, biglang may makakakuha ng iyong atensyon, at susubukan itong pansinin. Sa oras na ito, hindi mo maaalala na ikaw pala ay may gawaing kailangang tapusin.

10 na Mga Tip upang Mapaglabanan ang Iyong Pagpapaliban

Kung sa tingin mong ikaw ay napapabilang sa mga taong nakaranas ng mga senyales ng pagpapaliban, narito ang sampung tips na pwede mong isaalang-alang upang ito’y mapaglabanan:

1. Alamin kung “bakit”

Importanteng kuhanin ang iyong libreng oras upang magkaroon ka ng iyong ebalwasyon sa sarili, at alamin kung “bakit” ka madalas nagpapaliban sa iyong gawain.

Tuklasin ang mga posibleng dahilan, maaaring mula sa iyong sarili, internal o eksternal man, maaari sa iyong pisikal, mental, o emosyonal na nararamdaman, o maaaring ikaw ay pundi na sa paulit-ulit na pagtatrabaho.

2. Ilarawan ang iyong tunguhin

Kung nasa isip mo nang magpatuloy sa iyong gawain, mabuting ilarawan mo ang iyong tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng ispesipikong hangarin upang ikaw ay magkaroon muli ng motibasyon.

3. Hatiin ang malalaking proyekto sa mas maliit

Kung ikaw ay napuspos na dahil sa malalaking proyektong nakaatang sa iyo, pwede mo itong hatiin sa mas maliliit upang ikaw ay makapagsimula nang payapa. Ang pag-iisip na tapusin ang isang gawain nang isang bagsakan lamang ay makadaragdag ng presyur sa iyong pagsisimula.

4. Lumikha ng Listahan ng Gawain o “To-Do List”

Ang paglikha ng listahan ng gawain ay kapaki-pakinabang para hindi ka maligaw sa mga trabahong iyong dapat pagtuunan ng pansin. Ito rin ay makatutulong upang ito ay maiwasang makaligtaan.

5. Gamitin ang dalawang minutong pamamaraan o ang Podomoro technique

Sapat lamang ang pagbibigay ng iyong buong atensyon upang gawain ang iyong mga takdang-gawain, subalit mas mabisa kung ikaw ay gagamit ng Pomodoro Technique upang magamit mo nang husto ang iyong oras, at magkaroon ka ng saglit na pahinga sa gitna ng iyong pagtatrabaho.

6. Gumamit ng iskedyul upang magtakda ng mga itinakdang araw ng pagsusumite

Ang paglalapat ng iskedyul para sa iyong mga itinakdang araw ng pagpapasa ay gagana sa pamamagitan ng paggamit ng pagtatala sa iyong planner, kalendaryo, o aplikasyon na mayroon sa Internet. Maaari mo itong balik-balikan at gawan ng customized na alarma ng oras para sa iyong notipikasyon.

7. Kumpletuhin ang mga mapaghamong gawain kapag ikaw ay pinakaproduktibo

Tantyahin ang iyong sarili at pakiramdaman din ito kung ikaw ay pinakaproduktibo dahil dito ay magkakaroon ka ng gana na tapusin ang mga mapaghamong gawain nakaatang sa iyo. Hindi ka mahihirapang umusad dahil malakas ang iyong motibasyon.

8. Alisin ang anumang nakakagambala

Maraming aktibidad ang nakagagambala sa isang empleadyo subalit ang pagbisita sa social media ang pinakamaimpluwensya. Kung maaari ay tanggalin o iwasan ang paggamit nito kung ikaw ay magsisimula na sa iyong pagtatrabaho nang sa gayon ay hindi ka rin mawalan ng pokus.

9. Magtrabaho sa komportableng lugar

Isang payo na pwede mong gawin ay maghanap ng pinakakomportableng lugar para sa iyo. Kung ikaw naman ay may sariling lugar at nakita mo itong magulo, maaari mo itong linisin at hawanin muna upang ikaw ay maginhawahan.

10. Gantimpalaan mo ang iyong sarili

Sa kabila ng maraming proyektong iyong tinatapos, mga danas na iyong pinagdaraanan, huwag mong kalimutang gantimpalaan ang iyong sarili kapag ikaw ay nakatapos. Maaari kang magpahinga, maglakbay kung iyong nanaisin, bilhan ng gusto ang iyong sarili, o kahit anong aktibidad na maaari mong paglibangan sa iyong libreng oras.


Sa Epicareer, simulan natin ang ating pagbabago, at harapin ang hamon ng pagliliban. Maging disiplinado at responsableng manggagawa para sa higit n na kalidad ng sebisyo.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles