Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide Paano Pahahalagahan ang Sarili Kahit Nagtatrabaho?

6 min read

Paano Pahahalagahan ang Sarili Kahit Nagtatrabaho?

Paano nga ba ang tamang pagpapahalaga sa sarili kahit abala sa trabaho? Alamin ang tips para mas ma-enjoy mo ang buhay habang productive pa rin sa work.

Lovely Ann

Updated Aug 5, 2024

Paano Pahahalagahan ang Sarili Kahit Nagtatrabaho?

Ang bawat empleyado ay maraming hangarin at plano sa buhay, kaya dumarating sa punto na hindi na nila naiisip ang sariling kapakanan para lang kumita ng pera.

Sa lubhang pagkasubsob sa trabaho, nakakalimutan na rin nila kung paano magbalanse nang maayos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ano ang pagpapahalaga sa sarili?

Ang pagpapahalaga sa sarili ay isang malusog na proseso na pagmamahal ng iyong pisikal, mental, emosyonal, at iban pang sikolohikal na aspeto.

Ang matibay na pagkakaroon nito ay makakatulong sa iyo upang maging wagas din ang iyong pagganap sa trabaho, at makamit mo ang lahat ng tagumpay na iyong nais sa buhay.

Bakit mahalagang pinapahalagahan mo ang iyong sarili sa lugar ng trabaho?

Bukod sa importanteng kilala mo ang iyong sarili, isinasabuhay mo rin ang balanseng pagganap hindi lamang sa loob ng trabaho, kundi pati na rin sa labas:

Paglutas ng mga problema

Kung kaya mong pahalagahan ang sarili, nagkakaroon ka rin ng kasanayan na magresolba ng mga suliraning iyong kakaharapin sa paligid at sa trabaho. Hindi ka kaagad maaapektuhan nito at kaya mong analisahin ang bawat kondisyon at sitwasyon.

Pagpapabuti ng kumpiyansa

Ang sariling kalagahan ay nagpapabuti rin ng kumpyansa ng isang empleyado. Bukod sa alam mo ang iyong sariling abilidad na maaari mong magamit sa trabaho, alam mo ring ikaw ay higit pa sa inaakala ng marami.

Pagpapabuti ng relasyon

Mahirap gumawa ng relasyon sa trabaho kung ikaw ay walang sapat na tiwala sa sarili mo o pati sa iba. Kaya naman importanteng pahalagahan ang sarili nang sa gayon, tulungan ka rin nitong gumawa ng maayos na koneksyon sa iyong kumpanya.

Pagpapakita ng makatotohanang mga inaasahan

Ang pagpapahalag sa sarili ay pagtitimbang din ng iyong kakayahan at ang inaasahan mong mga gawain na kaya mong maibahagi sa iyong mga katrabaho. Hindi ka makakaramdam ng presyur dahil alam mo rin ang iyong limitasyon.

Senyales na Pinapabayaan mo ang Iyong Sarili

Inaakala mong malusog ang iyong pamamahala sa sarili dahil lamang pakiramdam mo’y nakakatapos ka ng gawain sa tamang oras, ngunit sa kabila nito’y pagod na pagod ang iyong katawan> Narito ang mga senyales na unti-unti ka nang nagiging pabaya sa iyong sarili:

Pakiramdam ay hindi komportable sa paligid ng iba

Makikita mo ang sarili mong tila iwas sa iyong paligid. Takot kang makipag-usap sa mga katrabaho, makisalamuha sa kanila, o malaman ang iyong mga personal na karanasan.

Pag-iwas sa mga bagong lugar o tao

Mababa ang iyong pagpapahalaga sa sarili kung ikaw ay nangangambang lumabas sa iyong sariling lungga para sa iyong progreso at paglago ng karera. Hindi mo alam ang gagawin mo kapag ikaw ay nasa ibang lugar o sa harapan ng ibang tao.

Naghahanap para sa pagpapatunay

Mararamdaman ng ibang indibidwal kung mababa ang iyong kumpyansa, lalo kung napapansin ka nilang madalas o mahilig humingi ng balidasyon o pagpapatunay mula sa ibang tao. Hindi mo nakikita ang sarili mong galing kaya hindi ka rin sigurado kung sapat ba ang iyong pagganap o hindi.

Pag-uugali na nakalulugod sa mga tao

Isa sa mga sensyales ay ang pag-uugali na nakalulugod sa ibang tao. Gumagawa ka ng mga bagay na inaasahan nila sa iyo kahit ang totoo ay ginagawa mo lang din ito para hindi ka nila bigyan ng kritisismo o komento.

Sosyal na pagkabalisa o takot na husgahan bilang hindi karapat-dapat

Ang isa pang senyales ng mababang pagpapahalaga sa sarili ay ang madalas na pagkabalisa, partikular na sa mga iyong ginagawa sa loob ng trabaho. Ikaw ay nangangambang magkamali o mapagalitan ng iyong lider, at takot ding mapag-usapan o pagtsismisan ng iba mong katrabaho.

Paano Bumuo ng Iyong Pagpapahalaga sa Sarili?

Sa mga senyales na nabasa mo sa itaas, panahon na para sarili mo naman ang iyong pagmasdan:

Tukuyin ang iyong halaga

Kung pakiramdam mo’y malayo na ang iyong loob sa sarili, kinakailangan mo nang umupo, magpahinga at huminga nang panandalian upang matukoy mo ang iyong halaga. Ito ay sa pamamagitan ng sarili mong ebalwasyon.

Tukuyin ang iyong layunin

Balikan ang iyong mga aktibidad, tukuyin mo kung nakukuha mo ang bawat hangarin sa iyong mga gawain. Tuklasin din ang mga hamon na kritikal na kailangan mong pagtuunan ng pansin.

Layunin para sa pagpapabuti, hindi pagiging perpekto

Kilalanin ang iyong mga lakas at mga lugar na nangangailangan ng pagpapabuti. Tandaang walang perpekto sa lahat ng bagay, lahat ay may pagkakamali. Kailangan mo lamang ng progreso at pagbutihin pa ang iyong sarili sa lahat ng gawaing nakaatas sa iyo.

Pagtanggap

Ang pagtanggap ang isa sa pinakamahalagang elemento upang tumaas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili. Kailangan mong tanggapin ang iyong sarili, una mula sa pisikal na aspeto hanggang sa kaibuturan ng iyong pagkatao.

Tandaan at pahalagahan ang iyong mga nagawa

Bilang indibidwal at mga manggagawa, huwag mong kakalimutan na gantimpalaan ang iyong sarili sa tuwing ikaw ay nakakatapos o nagagawa mo ang mga “dapat” mong tapusin sa buong isang araw. Ito ay natural lamang na proseso upang tumaas din ang iyong kumpyansa.

Paano Pataasin ang Sariling Pagpapahalaga?

Habang binubuo mo ang iyong sarili, isabay mo rin kung paano ito papataasin pa:

Humingi ng puna

Noon, parang sinasabi sa atin na nakakatakot makatanggap ng komento mula sa ibang tao, pero habang tayo ay lumalaki at ngayong tao ay nasa harap na ng trabaho, natuklasan nating ito pala ay mahalaga, hindi lamang para mas maging pursigido tayo sa pagganap, kundi pati na rin palaguin pa ang ating pagkatao.

Lumikha ng integridad at bumuo ng magandang relasyon

Tandaan na ang pangamba ay malalampasan, sapat ang magkaroon ng limitasyon subalit upang mahasa mo rin ang iyong pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan, ang pagbuo ng maayos na koneksyon ang dapat mong gawin.

Makisali sa makabuluhang gawain

Huwag mong isara ang iyong sarili sa mga oportunidad na sa tingin mo ay kaya mo naman. Hindi ito makakaharang sa iyong pagganap sa trabaho, bagkus ay kapaki-pakinabang pa para makilala mo pa ang iyong sarili.

Palakihin ang iyong pag-unawa sa sarili

Habang lumalawak ang ating espasyo para sa ating sariling karera, dumarami rin ang bawat hamon at responsibilidad na ating papasanin. Kaya naman sa mga pagkakataong nakakaramdam ka na ng pagsuko,

Pananagutan para sa iyong sarili

Ang isang manggagawang may mataas na pagpapahalaga sa sarili ay mayroong pananagutan sa anumang kanyang ginagawa. Hindi siya takot magtago sa sarili niyang blusa, at hindi maging responsable sa mga resulta ng kanyang pagganap.

Maging nakatuon sa mga solusyon

Tunay na hindi nawawalan ng problema ang isang tao, at sa trabaho, marami kang kahaharapin na suliranin sa propesyonal na mundo. Mula rito, kailangan mong magkaroon ng obhektibo at payak na solusyon para sa mga isyung kinakaharap ng inyong operasyon.

Palitan ang mga negatibong kaisipan ng mga positibo

Hindi natin kontrolado ang sitwasyon sa ating paligid. Imbis na manirahan tayo sa mundo ng negatibo, tingnan natin ito bilang inspirasyon upang magpatuloy pa. Iwasan nating sumangkot sa hindi magagandang impluwensya sa industriya nang sa gayon maging payapa rin ang ating sarili.

Manatiling nakatuon sa layunin

Sa bawat pagganap natin sa araw-araw, palagi nating iisipin na tayo ay may tunguhin sa kasalukuyan at pati na sa hinaharap. Huwag tayong lilihis at magpapatuloy ang ating progreso para sa ating karera.

Mga Halimbawa ng Pagpapahalaga sa Sarili

Ngayong alam mo na kung paano palaguin ang iyong pagpapahalaga sa sarili, narito naman ang ilang halimbawa na maaaring iyong isinasabuhay:

  • Seguridad - Mayroon kang pakiramdam ng kontrol sa iyong sarili at sa iyong kapaligiran
  • Katatagan - Kaya mong malampasan lahat ng balakid na iyong kakaharapin
  • Malinaw na Paniniwala - Hindi ka maliligaw dahil ikaw ay mayroong matibay na paniniwala
  • Pagmamalasakit sa Sarili - Batid mo kung kailan ka hihinto sa tuwing nakakaramdam ka na ng pagod
  • Pagmamahal sa Sarili - Bukod sa tiwala mo iyong sarili, mahal mo ito nang buo higit pa sa kahit na ano o sino


Para sa balanseng buhay, trabaho, at kaligtasan, sumuskribi lamang sa Epicareer, at tutulungan ka nitong gabayan ang iyong sarili para sa iyong kinabukasan.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles