Epicareer Might not Working Properly
Learn More
Career Guide 7 na Mga Tip upang Pamahalaan ang Oras kahit Mayroon Side Hustle

3 min read

7 na Mga Tip upang Pamahalaan ang Oras kahit Mayroon Side Hustle

May side hustle ka pero nahihirapan mag-manage ng oras? Check out ang aming 7 easy tips para ma-balanse ang trabaho at dagdag kita nang hindi nauubos!

Lovely Ann

Updated Aug 5, 2024

7 na Mga Tip upang Pamahalaan ang Oras kahit Mayroon Side Hustle

Sabi nga ng mga Pinoy, ang Pilipino ay alipin ng salapi dahil tayo ay kayod nang kayod at tila hindi napapagod. Sa hirap ng buhay sa panahon ngayon, naghahanap talaga ang tao ng paraan para kumita at may pantustos sa araw-araw.

Kung ikaw ay may trabaho at kasalukuyan ding mayroong side hustle, narito ang ilang mga paraang dapat mong isaalang-alang para sa mas malusog na pagbabalanse ng iyong sarili at pagganap.

Ayon sa Forbes, sa isang lugar, mayroon sa pagitan ng 25% at 50& na mga milenyal ang may iba pang trabaho bukod sa kanilang regular na posisyon. Upang mapamahalaan mo nang maayos ang mga ito, narito ang mga sumusunod na dapat tandaan.

1. Itakda ang iyong mga priyoridad

Mahalagang alamin ang iyong mga primaryang priyoridad. Ilista mo ang mga dapat mong unahin at tapusin sa buong produktibong araw. Balansehin at parati mong tingnan ang iyong iskedyul upang makita kung ilang oras ang iyong magugugol sa iyong pagtatrabaho.

2. Gumawa ng iskedyul

Maiging magkaroon ka ng planner at kalendar upang nababalikan mo ang iyong gawain, at mabigyan ka ng notipikasyon. Siguraduhing masusunod mo ang mga ito upang hindi ka kapusin sa oras, at maging sanhi para habulin ito at maantala.

3. Maging mahigpit na protektahan ang iyong oras (sabihin ang hindi sa hindi mahalagang iskedyul)

Kung may biglaang pag-aalok ng mga lakad at saktong tatamaan nito ang iyong oras, at sa tingin mo namang hindi gaanong mahalaga, matutong humindi lalo na kung ikaw ay may nakatakdang dapat gawin sa iyong trabaho. Iwasan din ang ipagpaliban ito at unahin ang pagkainip dahil ikaw rin ang mahihirapan sa huli.

4. I-automate o i-delegate ang mga bagay-bagay

Kung may trabaho kang awtomatiko namang ginagawa, maaari mo itong ayusin para makatipid ng iyong oras at enerhiya. Humanap ka ng kasosyo sa negosyo upang makapaglagay ka ng mga side hustle na trabaho na hindi mo na kaya pang hawakan.

5. Huwag magpaliban

Isa ito sa madalas na sakit ng isang indibiwal lalo kung siya isa nang empleyado. Iwasan ang pagpapaliban ng gawain upang di ka rin matambakan, malito, at mapagod kakaisip kung paano mo ito tatapusin.

6. Alamin kung anong oras sa araw ang pinakaproduktibo para sa iyo

May mga pagkakataon na tayo ay produktibo at hindi produktibo. Kumpleto o hindi man ang tulog, may sapat mang pahinga, pero darating sa puntong hindi natin nagagawa dahil may iba tayong iniisip na unahin. Kaya naman bago mo simulan, linisin mo muna ang iyong diwa at tantyahin ang lakas ng iyong pangangatawan.

7. Huwag kalimutang magpahinga

Ilan man ang side hustle na mayroon ka, parati pa ring tatandaang ang kalusugan ang pinakamahalagang kayamanang mayroon ka. Marami ka ngang pera, paano kung ikaw ay magkasakit?


Maging responsable at disiplinadong manggagawa upang sa huli’y hindi sa katawan lahat mapunta ang inipong pera. Kung nais mo pa ng ibang payo upang maorganisa ang iyong oras, maghintay lamang ng panibagong update mula sa Epicareer.

Popular jobs in Philippines:

Lovely Ann

SEO Content Writer

Lovely Ann has over 4 years of freelance writing experience and has received extensive training in writing journals, programs, and web-based content such as blogs, product reviews, and other pieces.

Topic tags

Share this article

Related Articles