6 min read
Ang Pakikipagtulungan: Kahalagahan at Uri
Discover kung bakit mahalaga ang pakikipagtulungan at ang iba't ibang uri nito. Basahin kung paano makakatulong ang teamwork sa tagumpay ng mga proyekto mo!
Updated Aug 12, 2024
Maraming uri ng trabaho ang kinakailangan ng bukas na pakikipagtulungan. Nagkakaroon ng pagkakaisa at relasyon ang mga manggagawa kung sila ay tumatanggap o nag-aalok ng tulong mula sa isa’t isa.
Ang kolaborasyon sa bawat grupo o departamento ng isang kompanya ay nagtutulak sa bawat empleyado na maging produktibo ang lahat. Sa ganitong sitwasyon, maaari mong ibahagi ang iyong sariling talento o kakayahan, ideya, at tunguhin upang maging matagumpay ang pakikipagtulungan.
Bakit Importante ang Makipagkolaborasyon sa Iba?
Sinasabi natin madalas na maayos tayo kahit tayo lang ang nagtatrabaho para sa sarili natin, at hindi tayo humihingi ng tulong mula sa iba.
Ngunit, mahalaga rin na nakikita natin ang kaganapan sa loob ng ating opisina nang sa gayon, tayo ay makapag-alok o makatanggap din ng pakikipagkolaborasyon sa iba.
Natututo mula sa Ibang Indibidwal
Sa isip ng tao, “Ay! Magaling na ko kasi ganito o ganyan,” pero hindi natin nakikita ang kagalingan ng iba dahil nakapokus tayo sa sarili nating kakayahan.
Ang hindi natin alam, mayroon sa mga paligid natin ang may abilidad na maaaring kulang o wala tayo. Sa kanila tayo pwedeng matuto pa; sa kanila rin tayo pwedeng makatuklas ng mga natatago nating potensyal.
Tumataas ang pagiging produktibo
Kung tayo ay nakikipagkolaborasyon sa iba nating katrabaho, humigit na tumataas ang ating produktibo. Nagiging masidhi rin ang kagustuhan nating makatulong, makausad, at makatapos ng nakaatas na gawain sa atin.
Mas mabilis na paglutas ng problema
Sa pamamagitan ng kolaborasyon o pakikipagtulungan, hindi lamang iisang utak ang gumagana. Ang lahat ng miyembro ay may pagkakataong umusisa, mag-analisa, at lumutas ng suliraning inaasahan o hindi man inaasahan.
Lumikha ng isang positibong kapaligiran sa trabaho
Sa tulong ng kolaborasyon, bumubuo rin ito ng positibo at payapang kapaligiran sa trabaho. Nagiging bukas din ang komunikasyon ng lahat, at hindi nagkakahiyaang lumapit sa isa’t isa kapag may kailangan o may katanungan.
Pagtaas ng Inobasyon
Ang kolaborasyon ay isang kasangkapan para makaramdam ng inobasyon ang bawat manggagawa sa trabaho. TInutulungan nito na mag-isip ng labas sa kahon ang mga empleyado, at makatuklas ng bagong ideya upang maging matagumpay ang isang gawain o proyekto.
Mas masaya na mga koponan
Bukod sa malusog na kolaborasyon, nakalilikha rin ng masayang mga koponan ang mga empleyado dahil sa koneksyong kanilang nasimulan. Kahit sa magkakaibang gawain, naroon ang malulusog na kompetisyon at hindi nagkakapersonalan.
Napabubuti ang daloy ng trabaho
Dahil sa pakikipagtulungan, napabubuti rin nito ang daloy ng trabaho dahil nagiging sistematiko at magkakasuwato ang pagkakawang-gawa ng bawat isa.
9 na Uri ng Pakikipagtulungan sa Trabaho
Narito ang ilang karaniwang uri ng pakikipagtulungan na maaari mong makaharap bilang isang propesyonal:
Internal na Kolaborasyon
Ang panloob na pakikipagtulungan ay kapag ang mga indibidwal o grupo sa loob ng isang organisasyon ay nagtutulungan at nagbabahagi ng kaalaman.
Ang paghikayat sa panloob na pakikipagtulungan ay kapaki-pakinabang dahil ito ay nagtataguyod ng pagiging “bukas”, na tumutulong sa mga miyembro sa buong organisasyon na magbahagi ng impormasyon at mga ideya upang ituloy ang mga layunin at kumpletuhin ang mga gawain.
Eksternal na Kolaborasyon
Ang eksternal na kolaborasyon ay pagbabahagi ng kaalaman at pakikipagtulungan sa mga indibidwal sa labas ng organisasyon.
Maaaring gumamit ang mga organisasyon ng panlabas na pakikipagtulungan para sa ilang layunin na sumusuporta sa negosyo, tulad ng pangangalap ng komento, rebyu, o paglulunsad ng bagong produkto o inisyatiba.
Pagtutulungan ng Pangkat
Isa sa mga karaniwang uri ng pakikipagkolaborasyon ay ang pagtutulungan ng isang pangkat.
Ang mga organisasyon ay madalas na naghahati-hati sa mga manggagawa base sa kanilang mga departamento na batay rin sa kanilang mga obligasyon at responsibilidad.
Pakikipagtulungan ng Cross-Departmental
Ang cross-departmental ay isang uri ng panloob na pakikipagkolaborasyon kung saan ang indibidwal o grupo mula sa iba’t ibang kagawaran ay nagkakaisa at nagtatrabaho nang sama-sama.
Pakikipagtulungan ng Komunidad
Ang pakikipagtulungan ng komunidad ay pagsasama ng mga tao na may karaniwan o kaparehong interes. Madalas, sila ay may iisang tunguhin sa lipunan na maaaring matutunan at maibahagi ang kaalaman bukod sa pagtatapos lamang ng mga proyekto.
Birtual na pakikipagtulungan
Sa pakikipagtulungan sa birtwal, binibigyan nito ng permiso ang mga tao at organisasyon na magkaisa kahit na sila ay hindi magkakasama. Ito ay nagagamit kadalasan sa mga onlayn na lugar ng trabaho. Isang halimbawa ay mga opisina na gumagamit ng software o email para makapag-usap.
Pakikipagtulungan sa Network
Sa pakikipagtulungan sa network, maaaring makipagtulungan ang mga tao sa iba sa pagtugis ng mga indibidwal na layunin. Sa mga network na ito, maaaring umiral nang personal o sa pamamagitan ng mga digital na pormat, at ang mga miyembro nito ay maaaring hindi magkakilala nang personal.
Paano Dagdagan ang Mahusay na Pakikipagtulungan?
Para sa mahusay na kolaborasyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:
Magkusa sa pagbibigay ng update
Isa sa mga pinakaimportanteng bagay na dapat mong matutunan ay ang inisyatibong magbigay ng mensahe o update sa mga taong bahagi ng inyong gawain o proyekto.
Sa pamamagitan nito, magiging maalam ang iyong mga katrabaho sa mga kontribusyong iyong ibinahagi.
Maging bukas ang isipan
Sa pakikipagtulungan, hindi nawawala ang maliliit na argumento o diskusyon dahil sa iba’t ibang perspektibo. Sa ganitong lagay, panatilihing bukas ang iyong diwa sa lahat ng pagkakataon at magkaroon ng patas na pagtingin sa bawat pananaw ng iyong mga kagrupo.
Magtakda ng mga inaasahan sa bawat isa
Sa pakikipagkolaborasyon, mabuting magtakda ng mga inaasahan sa bawat isa nang sa gayon, ay maiwasan ang mataas o mababang pangangailangan. Maging maingat sa pagbibigay ng pangako sa iyong mga kagrupo upang magawa n’yo nang maayos ang trabaho.
Aktibong pakikinig
Pinipiga ng pakikipagkolaborasyon pagiging aktibong tagapakinig ng isang indibidwal sa trabaho. Bukod sa nagkakaroon ka ng sapat na impormasyon, hindi ka rin mapag-iiwanan.
Marunong makibagay
Sa pakikipagkolaborasyon, tinutulungan ka nitong makibagay sa iyong mga katrabaho o kagrupo sa isang organisasyon. Sa kabila ng magkakaiba ninyong pinanggalingan at personalidad, nagkakatagpo-tagpo pa rin ang inyong mga tunguhin at ideya dahil sa inyong pakikibagay.
Magtakda ng mga oras para sa team bonding
Bukod sa panloob na pakikisama at pakikipagtulungan, makisangkot din kung mayroong mga team building ang inyong organisasyon o pangkat, nang sa gayon, higit ninyong makilala ang isa’t isa. Magiging kasangkapan din ito upang mawala ang anumang ilangan o hiya na mayroon sa loob ng inyong grupo.
Magtakda ng mga layunin nang sama-sama
Kung mayroon mang mga nabubuong plano o panukala, siguraduhing kayo ay kumpleto. Sa ganitong kondisyon, maiiwasang isipin ng inyong mga kasama na kayo ay nagsasarili o namimili ng mga taong nais n’yong maging kabahagi.
Gumamit ng mga nakabahaging tool
Kung walang pagkakataon na magkatagpo sa isang lugar, maaari kayong magbahagi ng mga software o aplikasyon na kabilang ang lahat.
Mga software para sa pagbabahagi ng dokumento:
- Google Drive
- Dropbox
- WeTransfer
- Google Clo
Mga software sa pakikipagkomunikasyon:
- Slack
- Microsoft Teams
- Google Chat
- Messenger
Mga software para sa birtwal na pag-uusap:
- Zoom
- Microsoft Teams
- Google Meet
Kung sa inyong pagtutulungan nagiging magaan ang bawat gawain ng lahat, maging kaisa at makisama upang lumago rin ang kasanayan ng bawat isa!
Naghahanap ka ba ng trabaho? Hindi ka mahihirapan, dahil nandito na ang Epicareer.
Popular jobs in Philippines:
SEO Content Writer
Topic tags
Share this article
Related Articles
6 min read
Paano Mag-apply para sa isang Trabaho sa pamamagitan ng WhatsApp
Alamin kung paano mag-apply ng trabaho gamit ang WhatsApp. Tuklasin ang mga mahalagang hakbang at halimbawa para sa epektibong pakikipag-usap, pananaliksik, at pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng platform na ito.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Hindi Tuwid na Karera: Uri, Kahalagahan, at Halimbawa
Alamin ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga hindi tuwid na karera. Tuklasin kung bakit pinipili ng iba ang landas na ito at ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng iba't ibang karanasan sa trabaho.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Mga Uri at Paraan ng Matagumpay na Pakikipagpulong sa Kliyente
Alamin ang iba't ibang uri ng matagumpay na pakikipagpulong sa kliyente, mula sa panimulang pakikipagtagpo hanggang sa pagtatatag ng pangmatagalang relasyon. Tuklasin ang mga epektibong tips para maghanda, mag-check-in, at magbigay ng tamang impresyon sa iyong mga kustomer.
Posted Aug 20, 2024
7 min read
Mga Katitikan ng Pagpupulong o Minutes of the Meeting: Nilalaman, Tips, at mga Kinakailangang Istruktura
Alamin ang mga pangunahing elemento at tamang istruktura ng minutes of the meeting o katitikan ng pagpupulong. Matutunan ang mga tips at hakbang para masiguradong organisado at epektibong magawa ang MoM, kasama ang mga halimbawa at praktikal na payo mula sa Epicareer.
Posted Aug 20, 2024
5 min read
Nangungunang 10 na Trabaho na Maaaring Gawin sa Birtwal
Pagod ka na ba sa traffic at office setup? Narito ang top 10 virtual jobs na pwede mong gawin mula sa bahay! Alamin ang mga benepisyo at sweldo ng bawat trabaho, at simulan na ang iyong work-from-home journey.
Posted Aug 12, 2024
4 min read
10 In-Demand na Trabaho na Mataas ang Sahod
Hanap ka ba ng mataas ang sahod na trabaho? Check out ang aming listahan ng 10 in-demand na posisyon na pwedeng magbigay sa’yo ng maayos na sweldo! Mula sa Software Engineer hanggang sa Financial Manager, sigurado kaming may oportunidad na swak sa’yo. Basahin na para malaman ang mga detalye at mag-apply na sa Epicareer!
Posted Aug 12, 2024
Share this article